Tino
Malamig na hangin ang humaplos sa aking pisngi habang unti-unting nilalamon ng mga desisyon ang aking isipan,nalilito ako,naguguluhan kung itong aking magiging desisyon ba'y tama.Ayokong maging madamot,gustuhin ko mang maging malaya subalit bakit parang napakahirap nitong abutin.May mga punto sa aking buhay kung saan kailangan kong isaalang-alang ang mga taong nakapaligid sa akin kapalit ang sariling kalayaan.
Kasalukuyang nasa bisig ko ang naghihingalong katawan ni Mark.Naaawa ako.
" pumapayag ka na ba Tino? " basag sa katahimikan ng babaeng kinamumuhian at kinasusuklaman ko.Kinapa ko at marahang hinaplos ang pisngi ni Mark.Malamig na ito at nagsisimula ng takasan ng buhay.Isang mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan bago bibitawan ang isang napakalaking desisyon sa aking buhay.
Marahil hanggang dito na lamang ang aking paglalakbay.At sa pagkakataong ito'y batid kong wala akong pagsisihan sapagkat binigyan ko ng isa pang pagkakataon ang taong naging malapit sa akin upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay at muling makasama ang kaniyang minamahal.
Dahan-dahan kong inilapag ang katawan ni Mark sa tigang na lupa,at bago tuluyang tumayo'y nagawa pa nitong hawakan ang aking bisig bilang pag-protesta sa aking naging desisyon.
" huwag kang mag-alala Mark,magiging maayos din ang lahat-lahat at nawa'y masagip mo ang iyong kapatid at mamuhay kayo ng maligaya't tahimik malayo sa mga taong nais kayong ipahamak " puno ng sinseridad kong pahayag habang mahigpit na hinawakan ang kamay bago ito marahang bitawan.
Itataya ko ang buhay ko kapalit ng ikalawa niyang buhay at kalayaan ng kapatid niya.Naniniwala akong hindi nito sasayangin ang pangalawa niyang buhay upang mailigtas ang kaniyang kapatid mula sa organisasyon.
Tuluyan na akong tumayo at humarap sa direksyon ni Dahlia na naniniwala akong may nakasabit na nakakatindig balahibong pagngisi sa kaniyang labi.Batid kung walang kapantay ang kasiyahang nadarama nito ngayon sapagkat sa wakas ay makukuha niya na rin ang kaniyang matagal ng inaasam,na makuha ang aking katawan.
" pumapayag na ako sa kagustuhan mo " malamig kong tugon at bilang pagsuko na rin.Wala na rin akong magagawa sapagkat nakapagdesisyon na rin ako.Gusto ko pang mabuhay si Mark.
" kung gayon akin na ang katawan mo! " aniya't umalingawngaw ang kaniyang halakhak sa buong palibot.
" sa isang kondisyon! " dagdag ko pa na siyang ikinatigil ng kaniyang pagtawa.
" at ano ang iyong kondisyon? " aniya.
" ibalik mo ang buhay ni Mark " pahayag ko.Sandali naman itong binalot ng katahimikan.Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang presensiya nito sa aking harapan.
" at paano naman akong makakasigurong handa mong ibigay sa akin ang iyong katawan?alam ng tuso ang kapwa niyang tuso,Tino " puno ng pagdududa nitong asik.Kaagad ko namang itinapon sa malayo ang aking tungkod bilang patunay.
" nagbitiw ako ng isang salita kaya marapat na sundin ko ito " wika ko.Nararamdaman ko pa rin ang pagdududa sa presensiya nito kaya naman hindi na ako nag-atubiling ilapit ang aking sarili at lumuhod sa harapan niya habang malayang nakataas ang aking mga kamay.
" bago mo kunin ang aking katawan,gawin mo muna ang aking kondisyon Dahlia " seryoso kong utos sa kaniya.
" kung gayon,tapusin na natin ito at naiinip na ako sa sisidlin kong ito " aniya na may bahid ng pananabik.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbalot ng enerhiya sa paligid.Hindi iyon pangkaraniwan sapagkat habang nakapaloob ako rito'y tila ba nilulunod ako nito't walang pagkakataong makaahon.
Sinasakop nito ang maliit na pagitan namin at ni Mark.
Naramdaman ko ang pagdaloy ng enerhiya sa hangin patungo sa direksyon ni Mark,dala nito ang buhay na hiningi ko.Nagtagal ang ganoong kaganapan hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang enerhiya mula sa kaninang malamig na katawan ng binata.Makaraan ng ilang sandali'y nakaramdam na ako ng buhay sa katawan nito,maging ang mahina nitong paghinga at malinaw ko na ring naririnig.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...