TINO
Napabalikwas ako nang bangon ng muling maalala ang huling kaganapan bago ako mawalan ng ulirat.Tuyong-tuyo ang aking lalamunan habang nanginginig ang aking kalamnan habang inaalala ang mga nangyari.
" t-tubig " nahihirapan kong usal.Narinig ko ang mabilis na mga yabag patungo sa aking kinaroroonan at tumigil ito sa aking harapan.Mayroon itong inilapat sa aking bibig at ng mabatid na ito'y isang kasangkapana na naglalaman ng aking hinahanap ay walang pag-alinlangan ko itong tinungga.Naramdaman ko ang kaginhawaan ng malapatan ng malamig na tubig ang aking tuyong-tuyong lalamunan.Maingat kong inilapag sa aking tabi ang bagay na iyon.
" sino ka?nasaan ako? " nagtataka kong tanong nang maramdaman ko ang presensiya nitong nakatayo sa aking harapan.Sa kabilang banda'y wala naman akong naradamamg panganib mula sa naturang nilalang.
" ang pangalan ko'y Kui,narito ka sa aming mundo " tinig-bata nitong pakilala.
" iyong mundo? " naguguluhan kong tanong.Sa halip na sagutin ako nito'y naramdaman kong hinawakan nito ang kamay at inalalayan akong tumayo.Sa aking hinuha'y umaangkop sa kaniyang katauhan ang kaniyang boses.
" oo,halika at ipapasyal kita sa labas at ipapakilala rin kita sa kay Eli " puno ng pagkasabik nitong litanya.Bahagya akong natigilan sa huli nitong sinabi.Pamilyar sa akin ang pangalan na kaniyang binanggit o baka marahil magkapangalan lang sila.
Ngayon lang sumagi sa aking isipan si Eli,tila nakalimutan na ito ng panahon maging ng aking alaala.Ang huli naming nagkasama ay noong nilusob namin ang isla ng organisasyon subalit wala na akong naging balita tungkol sa kaniya,kung siya ba ay buhay o nasawi.Hindi rin naman iyon binuksan pa nina Mira at Elias.
" ayos ka lang ba? " narinig kong pukaw sa akin ng nagngangalang Kui.Sumilay ang ngiti sa aking labi bago tumugon.
" maayos naman ang aking kalayagan,may naalala lang akong isang dating kaibigan " kumpisal ko sa kaniya.Tunay ang sinabi kong maayos ang aking lagay,wala na ang nararamdamang kirot dito sa aking ulo maging sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan.Hindi ko akalaing tunay ang sinabi ni Luied na malalakas ang mga nilalang na iyon.Bagaman hindi sila mga Dyos subalit ang kanilang lakas ay halos maihahalintulad ko na.
Sandali,nasaan ba si Luied?.
" ligtas na ang iyong kaibigan " biglang usal ni Kui na siyang aking ikinagulat.Huwag niyang sabihing nababasa nito ang nilalaman ng aking isipan?.
" paumanhin,hindi ko mapigilang basahin ang iyong isipan,nagtataka lamang ako dahil napakatahimik mo " biglang paghingi nito ng tawad.Kung gayon tama ang aking hinalang nababasa nito ang aking isipan.
Bumungad sa akin ang preskong simoy ng hangin,malamig ito at nagbibigay ng kakaibang yakap sa aking katawan.Ang enerhiyang nakapalibot ay napakalinis walang bakas ng panganib.
" paano mo nalalampasan lahat ng pagsubok sa iyong buhay? " biglang tanong nito.Bahagyang gumuhit ang pilit na ngiti sa aking labi subalit kaagad din namang naglaho.Hindi ko alam kung paano ko masasagot ang bagay na iyan.Paano ko nga ba nalalampasan ang mga patong-patong na pagsubok na dumarating sa aking buhay?.Sa totoo niyan,wala naman akong ginagawa,pagod na pagod na ako sa lahat ng nangyayari sa akin subalit hindi naman ako hinahayaan ng tadhang magpahinga,sa halip binibigyan pa ako nito ng lakas upang magpatuloy hanggang sa makausad ako sa bahaging iyon ng aking buhay.
" huwag mo nang basahin ang aking isipan,malulungkot ka lang sa buhay na mayroon ako " utos ko sa kay Kui.Mukhang naunawaan naman nito ang aking nais na iparating dahil natahimik ako.
Patuloy lang kami sa paglakad.Maririnig mula sa paligid ang kasiyahan.Mukhang mayroong ginaganap na aktibidad sa kanilang mundo.
" anong mayroon at tila may naririnig akong nagsisiyahan sa paligid? " usisa ko sa kay Kui na tahimik akong inaalalayan.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...