Chapter 5

110 11 0
                                    

TINO

    Tahimik lang akong nakatayo dito sa loob ng orbeng nilikha ni Luied upang ilayo ako sa kapahamakan.Hindi ko naman kailangan ang bagay na ito sapagkat kaya ko naman ang aking sarili kahit sabihin pa nating isa akong bulag.Hindi nangangahulugang wala na rin akong kakayahang makipaglaban.Sa kabilang banda'y wala na akong nagawa dahil desidido na si Luied na ilagay ako sa loob at wala rin naman akong narinig na kahit anong reaksyon mula naman sa dalawa.Sinasang-ayunan din nila marahil ang desisyon ni Luied.

Nararamdaman ko sa paligid ang nag-uumapaw na enerhiya.Nakakalunod ito.Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito,higit na mas makapangyarihan ang mga nilalang na ito kumpara sa mga nauna kong naging kalaban.Pinakiramdaman ko lang ang aking palibot,sa bilang ko'y nasa limang nilalang ang naririto't nakikipagbuno sa tatlo.Ang bawat isa mga ito ay may katangi-tanging enerhiya.

Napakislot ako nang marinig ang sunod-sunod na pagsabog at sinundan pa ng mga pagkalampag ng mga bakal.

Sa katunayan,lubos akong napahanga ni Luied kanina,hindi ko lubos akalain na mabilis nitong mauunawaan ang ipinaparating sa kaniya ng paligid dahil lamang sa pagbabago ng atmospera at temperatura nito.Ito marahil ang naging daan niya upang madali siyang makatakas sa mga humahabol sa kaniyang mga mutants

" hindi ka ba makikisali sa kanilang laro? " pakiwari ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig pagkarinig ko ng pamilyar na boses na iyon.Waring bumigat ang aking paghinga dulot ng hindi pangkaraniwang pagtibok ng dibdib ko.

" nasanay akong nakikita kang nasa gitna ng labanan Tino " wika pa nito subalit wala pa ring kahit anong reaksyon ang aking katawan.Pagkagulat pa rin ang namamayani.

" nagulat ba kita?sa aking pagkakaalam ang iyong mga mata ang nawala sa iyo't hindi ang iyong tinig " may bahid na pagkainis nitong sabi.

" anong kailangan mo sa akin Dahlia? " malamig kong tanong sa babae.Sa wakas nahanap ko na rin ang aking boses na pansamantalang kumubli dulot ng pangamba sa muling pagpaparamdam ng babae.Walang ibang emosyon ang namamayani sa aking sistema,tanging kawalan lamang ng gana sa babaeng nasa aking likuran.Hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang presensiya kanina.

Isang matinis na halakhak ang kumawala sa bibig nito.Animo'y nanunuya.Tinalasan ko ang aking pandamdam upang malaman ko kung may mga kasama ba itong naririto,ngunit wala naman akong nararamdamang ibang enerhiya maliban sa kaniya.Sa ngayon,palaisipan sa akin kung ano ang ipinunta nito sa akin.Ano na naman kaya ang kaniyang nais sa pagkakataong ito gayong wala na siyang makukuhang kahit anong kapangyarihan mula sa akin.

" ooohhhh nanlamig ako roon ah! " aniya.Narinig ko ang mga yabag nito,hindi nito magawang makalapit sa akin dahil na rin sa nilikhang harang ni Luied.Gayunpaman,nanatili pa rin akong tahimik sa aking kinatatayuan.Nakapagtataka nga lang na hindi napapansin nina Mira at Elias ang presensiya nito,sandali may ginamit ba siyang salamangka?.Hindi malayong mangyari iyon.

" nais lamang kitang mabisita,nais kong masilayan ang iyong maamong mukha't ang minsan naging sisidlan ng makapangyarihang puwersa " aniya.Unti-unting nagkasalubong ang aking mga kilay sa mga sinabi nito.Hindi ako naniniwala sa kaniya,batid kong mayroon itong ibang layunin kung bakit ito nagpakita sa akin,na siya mismo ang pumarito't hindi nagpadala ng kaniyang mga alagad.

" huwag mo akong daanin sa mabulaklak mong pananalita Dahlia,ang isang tulad mong gahaman at mapanlinlang ay hindi mag-aaksaya ng panahon at oras sa isang bulag na katulad ko na wala ng mapipigang mapapakinabangan " malamig kong wika.Naramdaman ko ang mabilis na pagbalot ng itim na enerhiya sa paligid subalit madali lamang iyon at kaagad ding naglaho.

" masyado ka naman atang mainitin Tino,tunay at sinsero ang pagtungo ko rito,nais lamang kitang mabisita at sandaling makausap " aniya.

" kung gayon ano ang iyong nais sabihin sa akin,wala akong panahon upang pagkatiwalaan ka " walang buhay kong wika.Sandaling katahimikan lamang ang siyang maririnig sa pagitan namin,isang tanda na mayroon nga siyang inilagay na salamangka sa paligid upang hindi mapansin ng aking mga kasama ang kaniyang pakikipagkita sa akin.Tunay ngang matalino ang babaeng ito kapag kapangyarihan na ang pinag-uusapan.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon