Chapter 24

75 8 1
                                    

TINO

    Dumagungdong ang malakas na hiyawan habang sinasabayan ang nakakaindak na tugtog.Nararamdaman ko ring sumasabay din si Mark sa indayog nito.

Hindi ako mahilig sumayaw kaya sa halip na basagin ang kasiyahan ni Mark ay mas pinili ko na lamang na manatili sa tabi niya.Lihim naman akong napangiti habang pinapakiramdam siya sa aking tabi.

Makaraan ang ilang sandali'y unti-unting bumagal ang ritmo ng tugtugin.Nararamdaman ko rin na unti-unting lumuwag ang kaninang hindi malaglagang-karayom na lugar.

" tara na,pahinga muna tayo " anyaya sa akin ni Mark at marahan ako nitong inalalayan palayo sa lugar na iyon.

Dinala ako ni Mark sa lugar kung saan unang bumungad sa akin ang mga samu't-saring amoy ng pagkain na naglalaro sa hangin,agad naman akong nakaramdam ng pagkatakam.

" anong gusto mong kainin? " mahinang bulong sa akin ni Mark.

" wala tayong pera " usal ko.Inilapit nito ang kaniyang bibig sa aking tainga at bumulong.

" sinong nagsabi wala akong pera? " aniya't inilahad sa akin ang makakapal na papel.Labis naman akong nagulat sa nalaman.

" paano't na----- " hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang kaagad ako nitong hinila.

" anong gusto mo?mayroong kwek-kwek,isaw barbeque,tokneneng,ihaw? " tanong nito ng tumigil ito sa paglakad.

" kahit ano lang " tugon ko. Wala naman na akong nakuhang tugon mula sa kaniya.Ang sunod ko na lamang na narinig ay ang pagpili nito sa mga pagkaing nasa aming harapan.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa harap ng dalampasigan.Maririnig mula rito sa aming kinauupuan ang mahinang pagbagsak ng alon habang sinasabayan ng dalisay na pag-ihip ng hanging panggabi.Malamig ang gabi subalit sapat na iyon upang pawiin ang init ng aming mga katawan.

Tahimik naman naming pinagsasaluhan ni Mark ang mga binili nitong pagkain.

" huwag mo nang uulitin iyon " paalala ko sa binatang katabi.

" hmmm " naging tugon lang naman nito.Marahil puno pa ng pagkain ang kaniyang bibig.

" hindi ko na tanda kung kailan ang huling kain ko ng ganitong uri ng pagkain,nakalimutan ko na nga ang lasa " pagbubukas ko ng mapag-uusapan.

" bakit? " tanong nito.

" halos buong buhay ko Mark,lagi akong nagtatago,wala na akong panahon pa upang bigyang oras ang sariling maging masaya " paliwanag ko naman.

" nauunawaan kita sa iyong kalagayan " aniya.Muling namagitan sa amin ang katahimikan.tanging ang mga alon at panggabing hangin lamang ang siyang ingay na maririnig.

Lumalalim na ang gabi't nagsisimula na namang umindak ang masiglang tugtugin sa sentro.Naramdaman kong kaagad na tumayo si Mark at maingat na pinagpagan ang kasuotan nito.

" tayo na " may pananabik na aya sa akin ni Mark,akmang tatayo na sana ako nang bigla na lamang akong may naramdamang malakas na enerhiya.Kaagad kong hinawakan ang aking tungkod at pinakiramdaman ang aking sarili.Makalipas ang ilang sandali'y biglang naglaho ang enerhiyang iyon sa paligid.

" naramdaman mo rin iyon Mark,hindi ba? " tanong ko sa katabing binata.

" oo,pambihirang lakas niyon " aniya't mahihimigan ang kaba sa boses nito.

Hindi ko iyon isiwanalang-bahala,kasalukuyan naming tinatahak ang sentro subalit hindi ko pa rin binababa ang aking depensa.Ang enerhiyang iyon,malakas ang kutob kong malapit lang ito sa amin.

Sa pagkakataong ito ay hinayaan ko na lang muna si Mark na magsaya habang ako naman ay naiwan dito sa may gilid habang pinapakiramdaman ang paligid.Sa mga sandaling ito'y wala pa naman akong nararamdaman,o baka minamanipula lang nito ang kaniyang enerhiya kaya hindi ko maramdaman.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon