TINO
Ang buong akala ko'y mauunang kumilos ang mga mutants na hanapin kami subalit hindi ko inaasahang si Dahlia ang naunang matunton kami.Kakaiba talaga ang babaeng iyon,napakabilis lamang sa kaniya na mahanap kami kahit saang lupalop man kami ng mundo magtago.
Naagaw ang aking atensyon sa katahimikang namamagitan sa amin ni Luied,simula kanina'y wala akong narinig na kahit anong ingay mula rito.
" ayos ka lang ba? " nag-aalala kong tanong sa kaniya nang mapansin ang kaniyang pananahimik.
" ha?ah nasa mabuting kalagayan naman ako " aniya na siyang tinanguhan ko naman.Patuloy lang kami sa paglakad sa hindi matukoy na lugar.Wala kaming alam kung saang lupalop kami ng mundo dinala ng nakalabang nilalang.
Kanina,habang nakikipaglaban,kakaibang lakas ang naramdaman kong bumalot sa aking katawan.Ngayon lang ulit ako nakaramdaman ng ganito matapos mawala sa akin ang aking kapangyarihan.Pakiwari ko ba'y wala ng sinuman ang makakatalo sa akin.Ito ba ang naidulot sa akin ng aking matinding pagsasanay sa mundong pansamantalang yumakap sa amin ni Luied?.
" Tino? " bahagya akong natigilan sa aking paglakad ng marinig ang pagtawag sa akin ni Luied.Hindi ko man siya nakikita subalit hindi nangangahulugang hindi ko nararamdaman ang kaniyang enerhiya.
" ano iyon? " nagtataka kong tanong.Kanina pa akong may nararamdamang kakaiba sa inilalabas na enerhiya nito na tila ba'y mayroong bagay na bumabagabag sa kaniya.
" sino ka ba talaga? " hindi ko inaasahang ito ang itatanong sa akin nito kaya naman hindi ko maiwasang maipakita sa aking mukha ang pagkagulat.Ano ang nais niyang iparating sa kaniyang katanungan?.
" ano? " salitang namutawi sa aking bibig.
" naguguluhan lamang ako,pakiwari ko ba'y ang Tino na aking nakakasama'y kakaiba sa kaninang lalaking nakikipaglaban " bakas sa boses nito ang kalituhan sa nangyayari.Sandali akong binalot nang katahimikan at hinahanapan nang malinaw na paliwanag ang kaniyang katanungan.
" walang nagbago,ako pa rin ito si Tino " kaswal kong sagot.Marahil naninibago lamang siya sa kaniyang nasaksihang pagbabago sa paraan ng aking pakikipaglaban.Ngunit kung pakasusuriin,wala namang kakaiba sa aking pamamaraan,pakiwari ko nga'y wala akong natutunang karagdagang kaalaman sa pakikipaglaban kahit gumugol pa ako ng ilang buwan sa pagsasanay.Mayroon lamang kaonting pagbabago sa aking pakiramdam subalit wala naman iyon ganoong epekto sa aking pamamaraan.
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa amin ni Luied.Marahil nag-iisip ito ng kung anong mga bagay-bagay.Narinig ko ang mahina nitong pagbuntong-hininga,tanda na sumuko na ito sa kung anong nasa kaniyang isipan.
" Luied,kung ano mang bagay ang bumabagabag sa iyong damdamin at isipan,maaari mo sa aking sabihin,bukas ang aking tainga at kaisipan kung ano man ang nais mong malaman o malinawan" kaswal kong pahayag sa kaniya na siya niya namang sinang-ayunan.Wala naman akong narinig na kahit anong tugon mula rito,marahil mas pinili nitong manahimik na lamang kaysa ipagpilitan ang kaniyang katwiran.
Isang malakas na busina ang bumulabog sa aming pag-uusap ni Luied.Naramdaman kong marahan ako nitong hinila paatras mula sa aking kinatatayuan.Makaraan ang ilang sandali'y naramdaman kong may tumigil sa aming harapan.Dito marahil nagmumula ang kaninang malakas na busina.
" mayroong humintong sasakyan " bulong sa akin ni Luied.Pinakiramdaman ko naman ang palagid at sa kabutihang palad ay wala naman akong naramdamang panganib.Sa aking hinuha'y isang pangkaraniwang tao ang laman nito.
" mga hijo,saan ang iyong tungo? " may kalakasang tanong ng nasa loob ng sasakyan.Sa aking tantya'y isa itong matandang lalaki.
" anong lugar po ba ito? " tanong ko rin.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...