TINO
Lumikha ng lagusan si Tiantano pabalik sa isla.Sa pagkakataong ito ay nasa huling bayan na kami patungo sa bayan ng Milagros.Tulong niya na rin upang mas mapadali ang aming paglalakbay.
Naglalaro sa aking dibdib ang kaba at pagkasabik na makilala ang babaeng si Marinah,sana'y matulungan niya nga ako sa muling pagbabalik ng aking paningin.
" nandito na ang bangka " pukaw sa amin ni Elias.Ang bangkang de motor ang siyang maghahatid sa amin patungo sa bayan.Ito lang kasi ang maaaring masakyan sapagkat nasa gitna ng malaking lawa ang Milagros.Gayunpaman,ligtas namang sumakay dito.
Maingat akong inalalayan ng dalawa hanggang sa komportable na akong makaupo.Ilang sandali pa'y umalis na ang bangka sa pantalan.Maingay subalit payapa ang aming naging biyahe.Malayo na kami sa kalupaan ng hindi inaasahan ang biglaang pagtigil ng makina ng sasakyan.Akala ko'y pangkaraniwang lamang iyon sapagkat maaaring napasok ng tubig ang tubong umuugnay sa makina at sa pala ngunit bigla akong napahawak sa aking kinauupuan ng may maramdamang pag-uga mula sa ilalim.
" mukhang pinipigilan ng mga engkanto ang inyong pagpasok sa bayan ng Milagros " biglang usal ng bangkero.Batid kong lahat kami'y napatingin sa direksyon nito.Paano't nasabi niya ang bagay na iyon?.
" naku!isa lamang iyong matandang paniniwala sa aming mga taga-Milagros,huwag sana kayong matakot " biglang bawi nito.Mabuti naman at nagbibiro lamang siya.
" bakit,totoo ba iyong mga sabi-sabi tungkol sa inyong bayan,puno ito ng kababalaghan at misteryo? " pagbubukas ng mapag-uusapan ni Mira.Marahil niya lamang pagaanin ang atmospera sa paligid namin habang abala naman sa pagkukumpuni ang bangkero.
" ginang huwag kayong magpaniwala sa mga kwento ng mga taga karatig-bayan,likha lamang iyon ng kanilang malikot na imahinasyon,sila'y nabibibugho lamang sa angking ganda at yaman ng aming bayan " aniya.Natuwa naman ako sa pahayag lalaki.Taas-noo nitong pinagtatanggol ang kaniyang bayan.
" saan po ba nagsimula ang ganoong sabi-sabi tungkol sa bayan ng Milagros? " si Luied naman ang nagtanong.Narinig kong humugot muna ito ng hangin upang punan ang pangangailangan ng kaniyang baga at marahang pinakawalan.
" nangyari ito ilang taon na ang nakararaan,sa pagkakaalala ko'y nagbibinatilyo pa lamang ako ng mga panahong iyon,katulad nga ng sinabi ko na maganda at mayaman ang aming bayan,dinarayo ito ng taga-ibang bayan,marami ang mga tao't payapa ang pamumuhay dito subalit nagbago ang lahat ng dumating ang isang babae,sa totoo lang wala namang kinalaman ang babaeng iyon,naakit lamang siya sa aming bayan at napagdesisyong dito manirahan,ngunit sa hindi inaasahang pangyayari'y nagsimulang magbago ang kapalaran para sa aming bayan,maraming dinanas na sakuna at hindi maipaliwanag na pangyayari sa Milagros dahilan upang unti-unting magbago ang pagtingin ng ibang bayan sa amin " mahabang salaysay nito.Tahimik lang naman kaming apat sa kaniyang kuwento.
" lahat ng mga tao'y sinisi ang babae,salot daw ito sa aming bayan,dapat daw hindi na ito lumipat sa amin,dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon ng lamat ang mapayapang bayan dahil na rin sa magkaibang paniniwala ng mga tao,kaya magmula noon bibihira na lamang ang may pumupunta sa aming panauhin at marami na ring mga kwentong walang katotohanan ang nagkalat hanggang sa ibayong bayan " pagtatapos nito.Kasabay ng kaniyang pagtatapos ay ang siyang muling pagkabuhay ng makina.Wala nang nagtangkang magsalita sa pagitan naming lima at natuon na lamang ang buong atensyon sa malawak na katubigan.
Ilang sandali pa'y naramdaman kong bahagyang inilapit ni Elias ang kaniyang bibig sa aking tainga't bumulong na kasalukuyan na raw silang may natatanaw na isla,iyon na raw marahil ang Milagros.Kasabay ng pagkabuhay ng pananabik ang sa aking sistema ang siyang paglukob ka sa akin ng kakaibang kaba.Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang itong naramdaman.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...