TINO
Katahimikan ang bumabalot sa apat na sulok nitong silid habang nagpapahinga ang mga kasamahan.Lahat sila ay pagod dahil sa nangyaring labanan.Napag-alaman kong may natamong sugat si Luied at kalauna'y pinahilom naman ito ni Mira gamit ang kaniyang kapangyarihang.
Nakaupo lang ako't nilalamon ng matinding kaisipan.Tinatanong ko pa rin ang aking sarili sa kung ano nga ba talaga ang tunay na hangarin ni Dahlia at bakit ako nito binisita.At bakit nais niyang makuha ang aking katawan.Buong akala ko'y hindi na ako nito gugulan pa ng panahon dahil wala ng bagay na mapapakinabangan sa akin subalit paano't may nais pa siyang makuha sa akin.Anong kailangan niya sa aking katawan?.
" anong nasa isip mo? " pukaw sa akin ng biluging boses.Naramdaman ko itong umupo sa aking tabi.Wala naman akong naging tugon kung hindi ang katahimikan.
" anong mayroon sa katawan ko't marami ang nagnanais na makuha ito? " biglang tanong ko sa kawalan.Naramdaman ko ang paghawak sa aking kamay ni Elias at marahan itong hinaplos.
" hindi ko alam,maging ako'y naguguluhan at bakit mapahanggang ngayon ay ninanais pa rin nilang makuha ka sa kabila ng katotohanang wala na ang nag-iisang bagay na hinahangad nila " ani Elias.Muling pumagitna sa amin ang katahimikan.Kanina pa ako nagdadalawang-isip kong ipapaalam ko ba sa kanila ang pakikipagkita sa akin kanina ni Dahlia.
" si Dahlia " banggit ko sa pangalan ng babae.Hindi naman nakatakas sa akin ang biglaang paghigpit sa pagkakahawak sa akin ni Elias.Marahil nagulat ito sa biglaan kong pagbanggit sa babae.
" anong mayroon sa kaniya? " malamig na tanong nito.
" pinuntahan niya ako kanina,may binabalak na naman siya,nais niyang makuha ang aking katawan Elias " kumpisal ko na batid kong ikinagulat nilang tatlo.
" ano? " hindi makapaniwalang tanong nito.
" nais niya ang aking katawan,hindi ko alam kung ano ang gagawin niya rito " naguguluhan kong wika.
" kung gayon walang pinagkaiba ang hangarin ng dalawang panig " lahat ng atensyon ay natuon sa kay Luied.
" anong ibig mong sabihin Luied? " may pagtataka kong tanong sa binata.Lumangitngit ang kama bilang tanda na bumangon ito sa kung ano man ang kaniyang ginagawa.
" marahil nagtataka rin kayo kung bakit ang mga mutants ay nakasunod sa inyo,maliban sa akin mayroon pa silang nais na makuha,at iyon ay kayo,kayong dalawa ni Elias,Tino " pahayag ni Luied.Hindi na ako nagulat sa kaniyang rebelasyon subalit hindi ko maiwasang hindi mabigla nang banggitin nito ang pangalan ni Elias.Kung gayon,sa pagkakataong ito,hindi lang pala ako ang nasa panganib,maging si Elias ay kanila na ring natitipuhan.Para ano?.
" anong layunin nila? " kaswal na tanong ni Elias animo'y wala lang sa kaniya kung maging siya ay nanganganib na rin.
" upang gawin kayong paksa sa kanilang malawakang eksperimento,nais nilang mas higit na maging makapangyarihan ang kanilang binubuong lahi,minsan na akong naging paksa ng samahang iyon,lahat na maaaring mapakinabangan sa aking katawan ay kanilang uubusin hanggang sa wala nang matira maliban sa iyong sariling hindi na mapapakinabangan pa " puno ng pait nitong salaysay.
" bumubuo sila ng isang matibay at makapangyarihang puwersa ng mga mutants at nangangailangan sila ng mga nilalang na may natatanging kapangyarihan at pagkakakilanlan,ikaw Tino ang isa sa mga matagal na nilang nais na makuha at ngayon naman ay nagkaroon na sila ng pagnanais na makuha rin si Elias " dugtong pa nito.Walang imik na nangyari sa pagitan namin ni Elias.Mas higit na nakakabahala ang layunin nitong mga mutants kumpara sa PRSS.
Ngayon,unti-unti nang nabibigyang linaw ang kanilang pagnanais na makuha ako.Ang bagay na hindi pa malinaw sa akin ay ang hangarin ni Dahlia sa aking katawan.Ano ang gusto niyang makuha sa akin?.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...