TINO
Kanina ko pa paulit-ulit na iniiwasan ang mga atake ng hindi nakikilalang kalaban.Hindi ko man sila nakikita subalit batid kong hindi ko sila mabilang.Kung gayon marami-rami pala ang nakaligtas sa malawakang pagpaslang sa kanilang mga kasamahan.
Mabilis kong iniatras ang aking paa at bahagyang umipon ng lakas at isang malakas na sipa ang pinakawalan sa papasugod na kalaban.Kaagad naman akong yumukod nang maramdaman ko mula sa aking likuran ang akmang pag-atake sa akin ng kalaban.Naramdaman ko pa ang halos pagdikit ng mainit na enerhiya sa dulo ng aking ilong.Nang mabawi ko ang aking sarili ay hindi na ako nag-atubiling ibaon sa katawan nito ang matatalim at mahahaba kong mga kuko.Hindi ko binitawan ang nasa kamay ko hangga't hindi nabbawian ng buhay nag kalaban.
Mula sa malayo ay naramdaman ko ang natatanging enerhiya.Mas higit na malakas ito kumpara sa mga kasamahang naririto.Binitawan ko ang katawan ng kalaban sa lupa at buong lakas na binali ang ulo nito na halos malinaw mong maririnig ang paglagatok ng mga buto nito.Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa,marahang-marahan.Ito na marahil ang magbibigay sa akin ng magandang laban.
Maraming sagabal,subalit ayokong ito ang maging hadlang sa aking laban kaya hangga't maaari'y kailangan kong linisin an aking dinaraanan sapagkat sino pa nga ba kung hindi ako lang din naman.Bahagya akong natigilan ng may maramdaman akong bagay na pumulupot sa aking binti.Mayroon na namang sagabal na nais maagaw ang interes ko sa kanilang alas.
Huminto ako sa aking paglakad at bahagya munang pinakiramdaman ang aking paligid,maging ang bagay na pumulupot sa aking binti na unti-unting humihigpit na waring pinipiga ang enerhiyang mayroon ako sa bahaginhg iyon.
Nagawi ang atensyon ko sa aking harapan kung saan bigla ko na lamang naramdaman ang paglitaw nang malakas na enerhiya.Marahil ito ang nasa likod ng bagay na ito.Buong lakas kong hinila ang aking binti't naramdaman na lamang ang sariling nasa harapan na ng kalaban.Naaamoy ko ang pagbabago ng emosyon nito sa hindi inaasahang ganap at bago pa man ito makalayo sa akin ay buong lakas kong itinarak ang aking tabak sa katawan nito.Malinis ko pang narinig ang pagpunit ng kaniyang kalamnan habang idinidiin ang naturang sandata.Makaraan ng ilang saglit,nang wala na akong maramdamang buhay sa naturang kalaban,tuluyan ko na itong binitawan at nagpatuloy sa paglalakad.
Mayroon akong hinahanap sa lugar na ito subalit hindi ko maramdaman ang kaniyang enerhiya.Ngunit malakas ang kutob kong naririto lang siya,nagmamasid,pinag-aaralan ang aking galaw,nililibang ang sarili sa kaniyang napapanood.
Patuloy ang pagsugod sa akin ng mga kalaban.Hindi ko na rin mabilang sa aking mga daliri kung ilan na ba ang nilalang na napaslang ko.Halo-halo na rin ang mga dugong bumahid sa akin.Unti-unti ko nang nahihinuha ang nais na mangyari sa amin.Walang katiyakan kung kailan namin ang mga kalaban.Waring napakarami nila't hindi mauubos.
" masama ito " wika ng pamilyar na boses sa aking tabi.Naamoy ko na kung ano ang nais niyang ipabatid.
" nararamdaman ko na ang pagod subalit bakit tila hindi man lang nauubos ang mga kalaban Tino?! " dugtong pa nito.Nanatiling tahimik lamang ako habang nagsasagawa ng pansamantalang plano ang aking utak.Nais man naming tapusin ang labang ito ngunit kapag nagpatuloy pa ito'y kami ang magiging dehado.
Subalit nasa teritoryo kami ng aming kalaban.
" Mark,may paraan ba upang makaalis tayo rito? " gawi ko sa lalaking nasa likuran.Maririnig mula sa kinatatayuan nila ang mabigat at mabagal nitong paghinga.Maging ito'y nakakaramdam na rin ng pagod.
Buong akala ko'y magiging madali lamang itong laban na ito.Lingid pala sa aming kaalaman na may mga itinagong plano ang kalaban.Inayos ko ang aking pagkakatayo bago nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...