Chapter 25

66 4 0
                                    

Mark

Nagising ako nang makaramdam ng konting pagkirot sa aking bahaging likuran.Bumungad sa akin ang nag-aagaw na kadiliman at liwanag sa buong paligid.Ano ba ang nangyari't wala man lang akong maalala.Binangon ko ang kahalating bahagi ng aking katawan habang tahimik na iniinda ang sakit mula sa nasabing bahagi ng aking katawan.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid,wala akong mabanaag na kahit anong wangis o bagay maliban sa mga puno.

" sandali,nasaan si Tino? " tanong ko sa sarili nang maalala ang binata.Kaagad akong bumangon at mabilis na nilisan ang puwesto at hinanap si Tino sa paligid.May kadiliman pa sa ilalim ng kagubatan kahit nagsisimula ng sumaboy ng liwanag ang araw.

" Tino!!!! " sigaw ko subalit ang tanging balik lamang sa akin ay ang sariling alingawngaw.

Nagpatuloy lang ako sa aking palalakad habang hinahanap si Tino.Ano ba ang nangyari't bigla na lamang itong nawala,sa aking huling pagkakaalala'y magkasama pa naming nilisan ang sentro at sana'y pabalik na kami sa aming pinagpapahingahan at ang sunod na nangyari'y...

Kalaban.

Bigla akong nilukob ng kaba dahil sa pagkakaalala nang huling sandaling kasama ko si Tino.Nasundan kami ng kalaban.Mabilis ko itong hinanap sa paligid.Maliwanag na ang kalangitan subalit nanatili pa ring may kadiliman ang paligid dahil sa mayayabong at dikit-dikit na kapunuan.

Nagpatuloy muli ako sa aking paglalakad,walang tigil.Kapansin-pansin din ang mga pinsala sa paligid,at masasabi kong hindi pangkaraniwang labanan ang naganap habang ako'y mapayapang natutulog.Maraming mga puno ang nabuwal,mga lupang tila inararo at mga usok na tinatakpan ang paligid.

Sandali akong natigilan sa aking paglalakad nang may marinig akong mga kaluskos may hindi kalayuan sa aking kinatatayuan,kaya naman dali-dali ko itong tinungo at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang pigura ni Tino.Hindi ako nagulat sa kaniyang presensiya sa halip ay sa sitwasyong nabungaran.

Wala sa sariling napaatras ako mula sa aking kinatatayuan habang nakapako ang mga mata sa kaharap na lalaki.Napatakip na lamang ako ng aking bibig sa nasaksihan.Tila nawalan ng kakayahan ang aking mga paang gumalaw at mangyari'y panoorin na lamang ito sa kaniyang ginagawa.

Hindi ko lubos maisip na ganitong uring nilalang pala ito si Tino.Hindi nga siya pangkaraniwan kaysa sa iba pa niyang lahi.

" kanina ka pa diyan? " pukaw sa akin ng pamilyar na boses.Bagaman may mga naglalarong pangamba at pagkagulat sa aking dibdib at mariin kong sinalubong ang mga mata nito.Batid kong wala itong kakayahang makakita subalit ramdam ko ang lamig niyon.

" h-ha? " magkanda utal-utal kong tugon.Maging ang sariling boses ay tila  naduwag na rin.

" ang sabi ko kung kanina ka pa diyan? " pag-uulit nito habang pinupunasan ang gilid ng labing may mantsa ng dugo.Sandali ko namang pinakalma ang sarili bago tumugon.

" hindi naman,hinanap kita,ano ba ang nangyari? " usisa ko habang nakatinign sa bangkay na halos buto't balat na lamang na nakahalindusay sa lupa.

" may naniningil lang ng kaniyang utang " kaswal nitong sagot bago binunot ang nakatarak nitong tungkod sa lupa.

" nasaktan ka ba? " tanong naman nito sa akin.

" nasa mabuting katayuan naman ang aking pangangatawan,wala naman akong nararamdamang kakaiba " puna ko sa sa sariling pakiramdam.

Sandali kong napansin ang pananahimik ni Tino habang paunti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa ekspresyon sa kaniyang mukha at sa aking nababasa'y mukhang may hindi magandang mangyayari.

" bakit Tino?anong problema? " usisa ko rito dahil sa naramdaman kong pagbabago sa ikinikilos nito.

" wala " aniya subalit mababakas sa boses nito na mayroon talagang kakaiba.Kung pakasusuriin ko naman ang aking nararamdaman,wala naman akong napapansing kakaiba sa aking paligid,wala naman akong maramdamang panganib o kalaban na nakakalat.O marahil mali ako.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon