Chapter 18

138 12 2
                                    

TINO

   Bakit ngayon ko lang napansin ang lahat?.Sinadya bang ilihim muna ni Clir ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan upang maisagawa ang kaniyang binabalak?.Ang buong akala ko'y ang mga naramdamang kakatwang mga enerhiya sa paligid noong mga nakaraang mga araw ay mula sa mga nakakalat na mga kalaban subalit lingid sa aking kaalaman ay nasa tabi ko lang pala.Sa kabilang banda'y mainam na rin na siya na mismo ang lumapit sa amin,naisip ko ring nakakabagot ding walang dumadanak na dugo sa aking mga kamay.

Mabalik tayo,kanina ko pa naririnig ang mahihinang kalampag sa bubong nitong tinitirahang silid subalit mas nanaisin ko na lamang ipagpatuloy ang aking pagtulog kaysa bigyang pansin ang maliit na bagay.At batid ko namang alam din ni Luied ang nangyayari.

Si Luied.

Nangangamba ako para sa kaniya sapagkat alam kong kabiguan ang maibibigay ko sa kaniyang isinadya sa mundong ito.Hindi ko magagawang mailigtas ang kanilang kaharian o maging ang buong mundo kung sakaling mabuhay muli ang Kraken.Napapansin ko rin ang unti-unting paghina ng enerhiyang nakapalibot dito,marahil sanhi ito ng kaniyang matagal na pananatili sa mundong ibabaw at unti-unting binabago ang kaniyang katawan.Kung sakaling tumagal pa siya rito,maaari niya itong ikapahamak.At ayokong mangyari iyon sa kaniya.

Isa ngang malakas na pagbagsak ang gumulantang sa aking akmang pag-idlip.Hinayaan ko na lamang iyon at hinayaan ang sariling mahulog sa bangin ng kadiliman.

LUIED

Nakasanayan na ng aking katawan na gumising ng maaga.Marahan akong bumangon sa aking kinahihigaan at akmang lalakad na palabas ng silid subalit sa hindi inaasahanang pagkakataon ay bigla na lamang akong bumagsak sa sahig na siyang dahilan ng malakas na tunog.Tanaw mula sa aking kinalulugmukan ang pagbangon ni Tino't tila nagtataka kung ano ang nangyayari.

" Luied? " paos pa ang boses nito dahil na rin sa bagong gising pa ang naturang lalaki.Subalit hindi sa kaniya nakatuon ang aking buong atensyon sa halip ay sa kung anong nangyayari sa aking sarili.Hindi ko alam kung ano ang maramdaman.

" ang buntot ko " wala sa sariling usal habang nakatingin sa aking nakaladlad sa mga buntot.

" anong nangyayari? " tanong nito.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniyang tanong sapagkat maging ako'y punong-puno rin ng katanungan sa kung ano ang nangyayari sa aking sarili.

" bigla na lamang lumabas ang aking buntot " halos pabulong kong tugon sa lalaki.Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang pagkagulat sa mukha ni Tino.

" ano bang ginawa mo? " aniya.

" hindi ko alam " sagot ko.Sandali muna kaming binalot ng katahimikan,kapwa nakikiramdam sa kung ano ang mainam na solusyon hinggil sa bagay na ito.Makaraan ang ilang sandali'y nagsalita na si Tino.

" kailangan mo ng bumalik sa iyong mundo Luied " seryosong pahayag nito na siyang labis kong ikinagulat.

" ano ang ibig mong sabihin?hindi Tino,hindi kita iiwan " wika ko.

" kinakailangan mo ng bumalik sapagkat kapag nanatili ka pa rito ng matagal,maaari mo itong ikapahamak o baka ikamatay mo pa " aniya.Nauunawaan ko naman ang nais ipabatid nito sa akin,alam kong nag-aalala ito para sa aking kapanakan subalit hindi ko siya maaaring iwan ngayon dito lalo pa't batid kung hindi maganda ang kasalukuyang sitwasyon.

" nasa maayos na kondisyon naman ang aking katawan,itong pangyayaring ito'y marahil likha lamang ng kung anong emosyong naglalaro rito sa aking sistema " paliwanag ko pa sa kaniya.

" ayokong may mawala pa muli na malapit sa puso ko dahil sa akin " malungkot nitong saad.Natahimik naman ako at muling inalala ang kaniyang nakaraan.

" pero Tino--- " magsasalita pa sana ako subalit kaagad naman nitong pinutol.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon