TINO
Maririnig ang malakas na buhos ng ulan habang sinasabayan ng malalakas at nakakabinging pagkulog sa kalangitan na tila ba'y ilang sandali lang ay mapupunit na ito.Sa kabila niyon,maririnig pa rin ang walang humpay na paghalkhak ni Dahlia'y na para bang tinakasan ng sariling katinuan.Sa kabilang banda'y nanatili naman kaming nakatayo ni Mark habang pinapakiramdaman ko ang paligid.Sa may hindi kalayuan ay dama ko ang enerhiya ng dalawa,nina Puraw at Dagtum,marahil katulad namin ay hinahayaan lamang nito ang ginagawa ng babae.
Kasalukuyan nagkakaroon ng delobyo sa paligid dahil na rin mga sunod-sunod na paggamit ni Dahlia ang hiyas.Sinasabi kong tunay ngang walang kapantay ang kapangyarihan at pagnagkataon na magamit nito ang buong puwersang kayang ialay ng mga hiyas,mahihirapan akong mabawi ang mga ito,
Ngunit hindi ko hahayaang umabot pa kami sa puntong iyon.
Wala na akong inaksayang pagkakataon at kaagad na sinugod si Dahlia sa kinaroroonan nito,mahigpit kong hinawakan ang aking tabak at buong lakas na hinagis patungo sa direksyon nito't sinabayan din ng bilis ang aking paggalaw,lumitaw ako sa likuran nito at saktong nagkasalubong kami ng aking tabak.Kaagad kong ikinulong iyon sa aking palad at mabilis na iwinasiwas sa kalaban subalit nagawa naman niya itong masangga gamit marahil ang minanipula niyang bitak na lupa.Muli kong ipinagpatuloy ang aking ginagawa habang ganoon din naman ito.Nang maramdaman ko ang kaniyang lihim na atake'y kaagad akong pumadaosdos sa lupa't kasabay nito ang pagbalot ng naglalagablab na apoy sa kaniyang direksyon.
Itinukod ko ang aking siko sa maputik na lupa't mabilis na sumirko bago ko pinakawalan ang isang malakas na sipa na siyang tumama naman sa dibdib ni Dahlia na siyang naging dahilan ng pagkatilapon nito.Inayos ko ang aking pagkakatayo habang hinuhugasan ng mga butil ng ulan ang karumihan ko.
Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang biglang pagbalot ng kakaibang lamig sa paligid.Mukhang sa pagkakataong ito'y minamanipula niya na naman ang hiyas ng tubig.Unti-unting tumila ang ulan subalit kataka-takang malinaw pa rin sa aking pandinig ang malakas na buhos nito,bahagya kong inihanda ang aking sarili sa maaaring posibilidad na gawin nito.Makaraan ng ilang sandali'y parang sinakop na ng lamig ang buong paligid hanggang sa isang malakas na puwersa ang isinaboy patungo sa aking direksyon kasama ang tila mga pinong karayom na nagdudulot ng malalim na sugat sa tuwing sumasagi sa aking katawan.
Naramdaman ko naman kaagad ang pagbalot ng pamilyar na enerhiya sa aking katawan na nagsilbing kalasag mula sa atake ni Dahlia.Umipon ako ng lakas sa aking paa at buong lakas na ibinagsak sa lupa hanggang sa lumikha ng malakas na pagbitak kapatagan.Naramdaman kong biglang naglaho ang atake niyang iyon at bago pa man ito muling makalikha ng susunod atake'y kaagad ko na siyang inunahan.Buong lakas kong binuhat ang nakakalat na mga troso at sunod-sunod itong itinapon sa direksyon niya,batid kong nagagawa nitong maiwasan ang mga atake dahil na rin sa hindi mapirme nitong direksyon.
" MARK " tawag ko sa pangalan ng binata't sunod kong naramdaman ang pagbalot ng kapangyarihan nito sa isang direksyon.Ikinuyom ko ang aking palad at inipon roon ang lakas na mayroon ako't mataas na lumukso patungo sa gawing iyon habang inihahanda ang papakawalang atake.
Isang malakas na pagsabog at pagyanig ang gumimbal sa buong kapatagan.Habol ang aking hininga habang nakabaon ang aking kamao sa malambot na bagay habang binabalutan ng malalansang likido.
" sa tingin mo ba'y matatapos dito ang lahat-lahat? " angil ng bruha.
" hindi sa halip dito magsisimula ang lahat-lahat " malamig kong usal at hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita pa't sunod-sunod ko itong pinagsusuntok hanggang sa bumaon sa lupa ang katawan nito.
Ibinuhos ko lahat ng galit at poot na nararamdaman ko para sa kaniya at sa kay Baltzar.
Nararamdaman ko ang kakaibang langsa ng kaniyang likidong patuloy na tumitilamsik sa aking mukha dulot ng malalakas na puwersang pinapakawalan.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...