CHAPTER 5

1.2K 43 1
                                    

Antoinette Silver Lopez

"Tony!" Napahinto ako sa paglakad at nilingon ang tumawag sa akin. Lumapit ito habang hinihingal pa pero tinalikuran ko na at naglakad muli.

"Tony sandali." Hindi ko siya pinansin. Matapos ng nangyari kanina ay papansinin ko pa siya? Never!

"Tony sorry na kung about kanina 'yon." Pahina ng pahina ang boses niya, pero hindi ko parin ito pinansin.
Bahala siya diyan.

She stole my first kiss na lalong ikinainis ko. Nakakakilig kaso, hindi ko alam. Aish! Why am I being like this again? I have no feelings towards her. At hinding hindi ko siya magugustuhan! Huh! Over my living body.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papasok ng Cafeteria. It's lunch time kaya mag-isa na naman akong kakain. I don't want to have a close student here 'cause I don't like noises.

"Tony my luvs!" Just like that. Kaso itong babaeng ito hindi ako lubayan kahit pa anong sabihin ko. Siguro kailangan ko na talagang magpatingin sa psychology dahil mababaliw ako sa babaeng ito.

__

Aubrey POV

"Tony my luvs!" Tawag ko sa kaniya at lumapit sa p'westo niya. Pero sa pagkadismaya ko ay hindi siya lumingon o pinansin man lang ako. Ang tigas eh! Hirap na ngang pakesamahan hirap pang makisama! Joke lang. Magtitiis hanggang sa, makuha ko siya!

At nararamdaman Kong malapit na.

NAKANGITING naglalakad ako papasok ng gate ng bahay namin. Wala ang Driver ko kaya nag-commute nalang ako pero, kahit na ganon naging maganda naman ang araw ko.

Hindi talaga ako makapaniwala. Nahalikan ko si Tony!? Tony! As in, Antoinette Silver Lopez! Gusto ko nalang talaga tumili ngayon. Dahil bukod sa nahalikan ko siya for the first time, siya rin ang nakakuha ng first kiss ko. Nakakagigil‐

Siguro kung siya ang mapapakasalan ko ay lagi kong isusubsob ang labi ko sa labi niya dahil pakeramdam ko kanina, nakadampi ang pinaka sa pinakamalambot na ulap sa labi ko. Grabi! Ang shareyp~♡•♡

Haha, kamanyak e'.

"Oh, Kylei. Nandito kana pala." Nabalik ako sa ulirat ng madinig na tinig sa harapan ko. Si Ate lang pala.
Kala ko kung sino na. Ate ko nga pala, Katherine Topas, 23 Years old. Ang nag-iisa Kong napakagandang ate.

"Ah oo nga po." Minsan talaga, gusto ko nalang sila barahin dahil nakikita na nga nila akong nandito tanungin pa nila ako? Like... ugh! Nakakainis lang. Naputol pa ang pagdedaydream ko kanina dahil sa kaniya. Hmp!

"Nga pala, gusto kang kausapin nila Papa tsaka Mama. May sasabihin siguro, about ata sa pagpapakasal mo sa anak ng kaibigan nila." Sambit ni Ate bago pumasok sa loob. Natigilan na naman ako.

Naiinis ako sa kanila, nagtatampo. Oo mahal ko sila at magulang pero, hindi dapat sila ang magdesisyon about sa kung sinong tao ang pakakasalan ko dahil ako na iyon eh, sa akin na iyon hindi sila pa ang pipili. Ang kukulit! Gusto ko nalang maglayas at umalis dito. Gusto ko nalang umiyak, ulit, in the arms of my Luvs!

Walang gana akong pumasok ng bahay. Pagpasok ay naabutan ko sila Mama at Papa na nasa sala at nanonood ng TV. Nakabihis sila ng panglabas kaya nasisiguro akong may pupuntahan sila.

Napansin siguro nila akong nakarating na kaya lumingon sila sa akin at nagsalita.

"Nandiyan kana pala Kylei." Ngumiti ako ng bahagya at tumango sa kanila.

"Maupo ka muna dito at may sasabihin ang Papa mo." Sambit ni Mama na sinunod ko na naman. Sana hindi ito tungkol sa kasal.

"AH! ANG SAKIT ng tiyan ko, ang sakit sakit talaga. Mama~" ngawa ko habang nakasubsob sa unan at dumadaing sa kunyareng sakit ng tiyan ko.

Narinig ko ang pagkalabog ng pinto ng kuwarto ko at ang mga nagmamadaling yabag na papasok at papalapit sa akin. Krus fingers, sana gumana ito!

"'Nak!"

"Anak?! Anong nangyari sa'yo? Saan ang masakit?" Bakas ang matinding pag-aalala sa boses nila Mama at Papa ng tabihan nila ako. Medyo nakaramdam rin ako ng konsensya dahil sa pinag-alala ko pa sila pero kailangan ko itong gawin.

Pasensya na Mama, Papa ko!

Ayaw kong pumunta at makaharap ang sinasabi nilang pakakasalan ko. Ayaw ko! Baka mamaya maupakan ko pa at mahimatay pa doon ang lalake na pakakasalan ko.

"Ma! Pa! Ang sakit sakit po ng tiyan ko." Ngawa ko pa habang iniipit ang tyan ko. Hindi naman talaga masakit ang tiyan ko. Kailangan ko lang talagang gawin ito at magpanggap para nga hindi kami makapunta sa dinner at makita ang magulang at mapapangasawa ko.

Ang sabi kasi nila Mama kanina ay kikitain na daw namin ang pamilya ng mapapangasawa ko at pati narin ang lalakeng mapapangasawa ko. Tapos pagkatapos ng tagpo ay ikakasal agad kami, eh, ayaw ko nga! Kaya nakaisip ako ng magandang paraan na makakatulong sa akin.

"Mama~ Papa~ Ang sakit sakit po!"

"BASE ON MY test, baka nakakain lang ang anak niyo ng expired na pagkain o hindi kaaya-ayang pagkain. Nothing serious, just rest and eat healthy food instead of junk food. Ok ija?" Tumango naman ako at nginitian ang doctor.

Nandito kami ngayon sa Hospital dahil sinugod ako dito nila Papa. Buti nga at hindi ako nabuking kung hindi, lagot na.

Nag-usap pa sila Mama at ang Doctor na nag-asikaso sa akin bago tuluyan ng umalis ang doctor. Nang isara ni Mama ang pinto ng kuwarto ko ay mababakas ang pag-aalala sa mukha niya ng nilingon niya ako.
Lumapit siya sa akin at umupo sa katabing upuan ng Hospital bed na hinihigaan ko.

"Ok kana ba Anak?" Tumango naman ako bago nag thumbs up na ikinangiti niya.

"Sa susunod kasi ay huwag na puro pagkain ng junk foods ang kinakain mo iyan tuloy ang napala mo." Paalala niya.

"Opo ma. Basta huwag na po kayong mag-alala dahil susundin ko na kayo." Pero syempre, kakain parin paminsan minsan. Takip lang naman itong pagpapanggap ko eh.

"Hmm, Late na tayo sa Diner natin with your fiance. Kinancel ko na dahil kailangan mo munang magpahinga, at buti rin ay pumayag sila." Ani naman ni Papa. Nakahinga ako doon ng maluwag. Teka, Bakit fiance na ngayon? Nevermind.

Buti naman talaga. "Sige na 'Nak magpahinga kana." Tumango nalang ako at nginitian si Mama bago sila pinagmasdang lumabas ng Hospital Room ko.

Dito ako magpapalipas ng gabi dahil nga sa 'kondisyon' ko ngayon. Ok lang naman dahil hindi kami natuloy. At ngayon malaya ko ng mate-text si Antoinette my luvs~















___

:fovatapan

Please click vote🥹, it is super appreciated!

Click or tap and everything will do, haha. Highly Appreciated ko talaga ang magv-vote, bliss~ bliss~

⬇️⬇️

Stealing Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon