Aubrey POV
It's been 2 weeks ng mangyari ang nakakakilig na eksena na iyon. But things become awkward, and also Antoinette has been ignoring me for a whole week at hindi ko kaya iyon!
Tapos dumagdag pa na mamayang diner ay kikitain na ang bulok na fiance ko, nakakairita. Ayaw ko sana kaso kung mag dahilan na naman ako, mag sususpetsa na silang sinasadya ko iyon.
Napasimangot nalang ako at napatitig sa kinakain kong Shawarma. I'm currently at the schools garden. Kumakain mag-isa.
Hindi ko man lang kasi nalapitan si Antoinette my luvs kanina eh. Gusto ko ng umiyak.
Tsaka I'm also noticing our Prof Glair, lagi niyang hinahabol si Antoinette my luvs kapag natatapos na ang klase niya sa amin. I think she's trying to talk to Antoinette my luvs for whoever knows what.
Tinitigan ko muli ang Shawarma bago ito lantakan at tuloy-tuloy na itong kinain. Matapos maubos, uminom muna ako ng tubig mula sa Tumbler ko na may pangalan pa ni Antoinette my luvs bago niligpit na ang mga kalat. Matapos ay isinukbit ko na ang bag at bumalik na sa building.
Habang naglalakad ay nahagip ng mata ko ang bultong pamilyar na pamilyar sa akin. Tahimik akong naglakad papalapit sa kaniya at tumago sa pader dahil napansin kong may kasama siya.
It's Prof Glair, they are talking right now. Curious ako kaya lumaki ang tenga ko. Yeah, Curiosity always kills me.
"That event happen long time ago, bakit ba hindi mo nalang kalimutan and pay attention at the present. Antoinette, I didn't mean to do that to you. Hindi ko iyon sinasadya-"
"Pay attention at the Present!" Sigaw ni Antoinnete na ikinabigla ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.
"Pay attention at the Present huh, I know that thing. But you still did that! Kung ayaw mo talaga, kung ayaw mong putulin ang pangako sa akin, you can't do that, kahit na lasing kapa! 'Cause if you know that the promise you made ay kapalit ng pagrespeto sa akin ay hindi mo iyon ivu-vulgar. And you just break that. I forgive you dati pa, but I can't be friends again sa'yo. You give me Trauma, Grace." Matapos sabihin iyon ni Antoinette ay tinalikuran na niya si Prof Grace at naglakad papuntang direksyon ko kaya isiniksik ko pa lalo ang sarili para magtago.
Tiningnan ko lang ang papalayo niyang bulto at ibinalik ang tingin kay Prof Glair. Nakita kong nagbuntong hininga ito at napahawak sa noo niya. Nagpamewang at inilibot ang tingin nito sa paligid.
Bigla ay nagtama ang tingin naming dalawa kaya agad akong umiwas at tumalikod na. Lumayo nalang ako doon at dumeretso sa Classroom.
May past ba silang dalawa? Hmm, baka meron. Pero sana friends lang, ayaw ko na may kaagaw ako kay Antoinette my luvs! Pero hindi naman sila p'weding dalawa, hmp! Pero bakit ko ba iniisip ito? Baka mamaya magkatuluyan pa sila.
UWIAN NA KAYA mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko. Habang nagliligpit nahagip ng paningin ko si Antoinette my luvs na mabilis na dumaan sa gilid ko.
Napamadali naman ako dahil doon. Gusto kong kasabay siya ngayong umuwi, bakit ba? Tagal na niya akong hindi pinapansin at nakaka-hurt iyon sa damdamin alam niyo iyon?
"Antoinette my luvs, wait!" Tawag ko dito ngunit hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.
Hinabol ko naman siya at ng maabutan ay agad ko siyang hinawakan sa braso. Nagulat nalang ako ng bigla niyang iwinaksi ang braso sa kamay ko at may galit sa matang tiningnan ako.
"Tumigil ka nga. Nakakairita ka na, don't you know that?" Napayuko nalang ako ng galit niya iyong sinabi sa akin. Ano ba ang problema nito at nagagalit siya ngayon sa akin.
BINABASA MO ANG
Stealing Her Heart
Teen FictionLight story | Intersex Kylie Aubrey Topaz, a 17 Years old student who is cheerful, carefree and jolly. A girly type girl who wears her uniform tucked-in to her skirt. Head over heels to her one and only Luvs of her life, Antoinette Silver Lopez, sin...