CHAPTER 12

970 41 1
                                    


Antoinette POV

Naglalakad na ako pauwi, ngunit hindi ko maiwasan ang ganap kanina sa pagitan namin ni Aubrey. I feel happy and content ng makasama ko siya kanina.

I don't how to explain this but, one thing is for sure ang napansin ko. This past few days, my heart beats rapidly when she is near by my side. Wari mo ay sumali ako sa isang marathon dahil sa bilis ng kabog ng puso ko.

I don't know if this is normal, but... Urgh! Ipinilig ko nalang ang ulo dahil sa mga iniisip. I think it's just a random feeling kaya ako nagkakaganito.

For tonight, ime-meet ko na ang fiance ko, hindi ko alam pero i feel excited? Can't explain and can't understand though. Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko.

Nabalik lang ako sa ulirat ng matanaw na ang gate ng bahay namin. Pumasok na ako doon at saktong naabutan ko ang pangalawa kong kapatid na papalabas. Saan na naman kaya ito pupunta?

"Ate, nakauwi kana pala." Hinalikan niya ako sa pisnge at ganon din ako sa kaniya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at napanatag naman ng makitang nakapambahay siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko agad bago pumasok sa loob. Naramdaman ko namang sinundan niya ako.

"Sa garden lang sana para tumambay." Sagot naman niya. Napatango tango naman ako. Buti naman.

"Ok. Nga pala, asan sina Mommy at Felix?" Nakatalikod kong tanong uli.

"Binibihisan ni Mommy si Felix kasi 'di ba." I hummed as a response bago nagpaalam na aakyat na muna para narin makapaghanda.

Pero bago pa ako makahakbang sa hagdan ay muling nagsalita si Selistyn. "Ano nga pala ang nasa mukha mo Ate? Mukha kasing sumubsob ka sa tae ng aso." Rinig ko pa ang pagpigil ng tawa niya sa akin na ikinairap ko naman. I forgot about the mess in my face.

Hinawakan ko ang pisnge ko gamit ang hintuturo at medyo makapal pa ang nakabahid sa mukha ko. Fudge, buti nalang at wala akong nakasabayang mga tao. I don't want to be embarrass.

"Don't say that at kung nasubsob man ako sa tae ng aso. Baka mas malayo pa mula dito hanggang University ang tatakbuhin mo huwag lang maamoy ako." Ani ko. Napakadirihin kasi ng kapatid ko na 'to.

"Grabe ka naman ate. Saan mo ba kasi nakuha iyan."

"Wala kana doon. Akyat na ako." Ani ko nalang at umakyat na rinig ko pa ang hagikgik niya mula sa baba na ikinairap ko naman.

Pagpasok sa kuwarto ay inibaba ko muna ang bag sa kama bago pumasok ng banyo para linisan ang madumi kong mukha.

Matapos makahilamos ay napatitig nalang ako sa repleksyon ko sa salamin. Napadako ang tingin ko sa gilid ng labi ko at namalayan ko nalang ang pisnge kong namumula.

Hinawakan ko ang mga pisnge kong medyo mainit-init. I noticed this happen to Aubrey namula rin siya, I think sa kilig. Wait what? Does it means na kinikilig ako sa tuwing iniisip ko ang nangyari sa aming dalawa?

No it can't be or it can be. Parang normal lang ata ito. Argh, I'm curious about feelings and ang mga effects nito. Bakit ba kasi wala akong alam? Tsk.

Ibinaba ko ang mga kamay at salubong ang kilay na tiningnan ang repleksyon.

"Don't turn red." Kausap ko sa sarili at tinuro pa ito. Out of moment, pumasok na naman sa emahinasyon ko ang mukha niyang tumatawa at ang moment na we did that kiss.

Again, naramdaman ko na naman ang kakaibang init na bumalot sa pisnge ko, at hindi nalang pisnge ang namula kundi mula leeg hanggang buong mukha. May allergies naba ako?

"Sabing huwag kang mamula!" Out of moment kong naisigaw nalang. What the fudge? So, inaaway ko na ang sarili dahil lang dito. I think I'm going crazy.

"Antoinette! Is everything alright there?!" Nabalik ako sa sarili ng marinig ang sigaw ni Mommy. Napalakas ata ang pagsasaway ko sa sarili ko.

Napairap nalang ako dahil sa ginagawa ko before I respond to Mom.

"Yes po." Ani ko. Sigurado namang rinig ang boses ko mula sa labas ng kuwarto ko dahil hindi naman sound proof ang kuwarto ko.

Nang wala ng marinig na respond ni Mommy ay muli akong naghimalamos at lumabas na ng bathroom.

I need to erase what happened between us today dahil it's disrespectful for my fiance lalo na at makikita ko na siya.

I heaved a sigh before I walk into my closet, choosing a formal clothes to wear. I need to be presentable in front of my fiance's family to her or him.

If it's him, will wala narin naman akong magagawa but if he will find out my biggest secret, iwan ko nalang kung anong magiging reaction niya. If He won't accept that, will, I will not definitely gonna accept the proposal.

And if it is a Her. Wala na talagang atrasan ito. Muli akong napabuntong hininga ng masuot ng maayos ang damit ko.

Finding my future partner is not in me dahil wala narin akong magagawa kung si Daddy na ang magdidisesyon. Ang kailangan ko lang gawin ay ang sumunod.

Nagpapasalamat nalang ako at iyon lang ang hawak niya at hindi ang pagdedesesyon sa kung anong gagawin ko sa buhay.















___

:fovatapan

Please click vote🥹, it is super appreciated!

Click or tap and everything will do, haha. Highly Appreciated ko talaga ang magv-vote, bliss~ bliss~

⬇️⬇️

Stealing Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon