Antoinette POV
"I don't think na alam ni Aubrey na ako ang fiance niya." Natigil ang matatanda sa pag-uusap at gulat na humarap sa akin. Agad akong tinanong ng Ina ni Aubrey.
"That's impossible ija dahil nagkita na kayo noong unang meeting nating lahat." Hindi ako sumagot bagkos ay tumango-tango nalang.
I know na hindi niya talaga alam na ako ang fiance niya. And I know na napagkamalan niya pa ang lalake na 'yon na siyang Attorney namin. So Naive.
Pero Mas maganda kayang i-surprise ko siya sa araw ng kasal namin? Not denying, I am not against in this marriage right now. Noon iyon, hindi na ngayon.
Ano kaya ang magiging reaction niya? Napangisi ako dahil sa edeyang pumasok sa isipan ko. This is not me but, well.
Hindi ko na namalayang bumalik na ulit sa pag-uusap ang mga magulang namin. My siblings are not with us. Nor Audrey's Sister. Hindi ko rin dala ang binabasang libro kaya napakaboring.
Tumayo ako kaya napalingon sa akin ang matatanda. Hindi na ako nag-abalang magpaalam at naglakad nalang papalabas ng bahay nila Aub.
Napahinto ako ng magsalita si Mommy."Saan ka pupunta Honey?" Tanong ni Mommy. Hindi ko siya nilingon.
"Sa labas lang 'My." Ani ko. Hindi ko na narinig pa ang respond niya dahil sa nakalabas na ako.
Dumeretso ako sa garden nina Aubrey at naupo sa nakitang bench doon. Pinagmasdan ko ang paligid.
Kahit medyo may kaliitan ang garden nila ay napakaganda at napaka-aliwalas tingnan. Siguro mahilig sa bulaklak ang Mama ni Aub.
Bumalik na naman ang isipan ko sa kung saan ang pangyayaring unang pagkikita namin sa resto.
Napapailing nalang ako sa tuwing naaalala kung paano siya ngumuso ng tumingin sa Attorney na siyang nagperma sa kontratang nagsasabing kasal na kami sa papel. So Naive little girl of mine.
"Ma! Nandito na ako." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
It's Aubrey.
Tumayo ako sa kinauupuan at naglakad papunta sa harapan ng bintana kung saan makikita ko sila sa Living Room.
"Don't yell Aubrey. Nandito sina Tita Maressel mo." Sawayni Tita sa anak niya.
Nakita ko namang napalabi si Aub bago lumapit kina Mommy at Daddy bago nagmano.
"Sorry po Tita." She's so Cute, and Beautiful.
"Since nanditp ka narin naman, sasabihin na namin sa'yo ang araw ng kasal niyo ng fiance mo." While pouting, she nodded.
"Don't give us that expression Ija. As your Mama said, we decided na next week na kayo ikakasal." Nakita kong napataas ang kilay ni Aub. Gulat naman akong tumingin kina Tita at Mommy.
Are they Serious? But hindi naman ako against.
Muli kong tiningnan si Aub na tumatango habang nasa Baba ang tingin. Napairap nalang ako dahil sa akto niya.
"And be ready, ok?" Tumayo si Tita at lumapit kay Aubrey.
Hinalikan nito si Aubrey sa noo. "Umakyat kana sa taas kung pagod kana."
Matapos no'n ay naglakad na paakyat si Aubrey, habang pinagmamasdan siya ng Ina niya. Bakit pa kasi nila pina-arrange marriage kaming dalawa ni Aub gayong ang babata pa namin?
Napabuntong hininga na lamang ako at muling pumalik sa bench na pinag-upuan ko kanina.
"HINDI KA NAMAN siguro against sa desesyon namin Tony 'no?" I hummed while still looking outside the car. Pauwi na kami at malalim na ang gabi.
Hindi na ako muling nagpakita kanina kina Tita sa loob dahil masyado kong naukupa ang sarili sa pagmamasid sa mga halaman while thinking of Audrey's face.
"Anak, I'm sorry kung nagawa namin 'to."
"Mom it's ok." Ani ko. Tumahimik na ang buong byahe ngunit ramdam ko ang paminsan-minsang pagnakaw ng tingin nilang dalawa sa akin.
I heaved a sigh. Gusto ko 'to, 'cause I like Aubrey, turning love kung hindi pa titigil si Aubrey sa kakalapit sa akin.
Pagdating sa bahay ay agad naming naabutan ang dalawa kung kapatid sa living room na naglalaro. Himala at hindi nakatutok sa gadget ang kapatid kong babae.
It's unusual. I have a feeling talaga na may tinatago si Selistyn sa amin. And that conclusion is having a boyfriend secretly.
Ok lang naman sa akin and kila Mommy to be honest, pero sana it will lead for her to study more and hard hindi 'yong magbabarombado siya sa pamilya.
Nang maramdaman nila ang presensya namin ay agad nila kaming nilingon.
"Ate!" Sigaw ni Thony.
Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa kanilang mga noo. Ganon din ang ginawa nina Mommy at Daddy.
Kinarga ko si Thony na ikinatawa naman niya. Agad niyang niyakap ang leeg ko at inilagay ang mukha doon. Nakita kong tumayo si Selistyn at nagmano kina Daddy.
"Bless you. Akyat na kami sa taas ikaw ng bahala sa kapatid mo Tony ha?" Tumango nalang ako. Nang makaakyat na sila sa taas ay sumunod na nagpaalam sa akin si Selistyn.
Naramdaman ko narin ang malalim na paghinga ng bunso kong kapatid kaya pinatay ko na ang mga ilaw matapos mailock ang pintuan. Umakyat narin ako sa taas at pumasok ng kuwarto ko.
Dahan-dahan kong inihiga ang bunso namin bago ito kinumutan. Nagpalit na ako ng damit matapos makalinis ng katawan at nahiga narin.
Piling ko ang dami kong ginawa ngayon dahil pagod ang nararamdaman ko. Ipinikit ko na ang mga mata nang muling sumagi na naman sa aking isipan si Aubrey.
I think she already stole my Heart. And I have no plan on preventing it to grow. I've fallen for her, and it's getting deeper.
BINABASA MO ANG
Stealing Her Heart
Teen FictionLight story | Intersex Kylie Aubrey Topaz, a 17 Years old student who is cheerful, carefree and jolly. A girly type girl who wears her uniform tucked-in to her skirt. Head over heels to her one and only Luvs of her life, Antoinette Silver Lopez, sin...