Antoinette Silver LopezI can't help but to look at her while she's sleeping peacefully. That face, bakit parang naa-attract ata ako ngayon, Tila ba lumiliwanag Ang mukha niya sa madilim na sala. O no, What am I saying? Hindi naman ako lasing.
Ngayon ko lang napansin Ang taglay nitong Ganda. Her long curly eyelashes, cute nose and Cute lips. Those lips...
Napailing nalang ako. Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko? Nababaliw na talaga ako. Iniayos ko muna siya bago pinatay ang TV at binuhat siya papuntang kuwarto niya. Matapos maiayos ang pagkakahiga niya at makumutan ay lumabas na ako ng kuwarto niya at bumaba na.
I clean our mess before I open the front door. Hindi naman ako p'weding matulog dito dahil hindi ako nagpaalam Kay Mommy. I am not like na matutulog sa ibang bahay na hindi nagpapaalam.
Wala namang mangyayaring masama kay Aubrey dahil marami namang bahay ang nandito at secured ang Subdivision so nothing to worry.
Bakit nga ba ako nag-aalala? I shrugged, wala namang kaso iyon hindi ba?
Nagsimula na akong maglakad palayo. Malalim na ang gabi, siguradong nag-aalala na ngayon si Mommy. Binilisan ko nalang sa paglalakad.
PAGDATING SA BAHAY ay nakabukas ang ilaw sa Sala. Nang makapasok sa loob ay sakto ring bumaba si Mama mula sa itaas.
"Oh Anak? Bakit ngayon kalang?" Ani nito. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan sa pisnge. Hinalikan naman niya ako sa noo at niyakap.
"Nasa bahay po kasi ako nina Aubrey. Wala kasi siyang kasama." Ani ko matapos makakalas sa pagkakayakap. Tumango naman siya at napakamot sa batok.
Kahit na may tatlo ng anak si Mama hindi ko maipagkakaila na ang ganda niya parin at makurba pa Ang katawan. Mommy ko nga talaga siya.
"Sige sige. Nakakain kana ba?" Tanong nito na ikinatango ko nalang.
"Opo." Ani ko. Tumango siya.
"Siya nga pala. Hinahanap ka kanina ng kapatid mong bunso. Bakit kasi hindi ka nagpapaalam kung gagabihin ka man." Napakamot nalang ako sa batok.
"Pasensya na po ulit. Pupuntahan ko nalang siya." Ani ko. Tumango si Mommy.
"Sige, babalik narin ako sa kuwarto. Patayin mo nalang 'yong ilaw." Ani niya. Tumango nalang ako. Umakyat na si Mama sa taas at ako naman ay pumunta munang Kusina para uminom ng tubig bago pinatay ang ilaw at dumeretso sa Kuwarto ni Felix.
Pagpasok ko ay mahimbing na siyang tulog kaya tumabi na ako sa kaniya at napagdesesyonang dito nalang matulog para naman makabawi.
ILANG ORAS NA akong nakatitig sa kisame ng kuwarto ni Felix at hindi parin ako nakakatulog. I think may deperensya na ako but hindi iyon eh.
I've been thinking about Aubrey. Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Mag-isa lang siya sa kanila at walang kasama. But she lives in Subdivision so nothing to worry pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Pupuntahan ko nalang at doon na matulog sa kanila. Bumangon ako at tahimik na lumabas ng kuwarto ni Felix. Pumasok muna ako sa kuwarto ko at kumuha ng jacket.
Bago lumabas ng bahay ay pumunta muna akong kuwarto nila Mama. Pagpasok ay lumapit ako sa tabi ni Mama at naabutan kong mahimbing na siyang tulog. Hindi ko nalang inistorbo at napagdisesyunang itext ko nalang.
Pagkalabas ng bahay ay nagmamadali na akong naglakad pabalik sa Subdivision nila Aubrey. Aish! I can't understand my self pero ang importante ngayon ay masigurado kong safe siya ngayon.
NAABUTAN KONG MAHIMBING na natutulog si Aubrey sa kuwarto niya. Nakahinga ako ng maluwag, bago naupo muna sa tabi niya. Hiningal ako dahil sa kamamadali kanina.
BINABASA MO ANG
Stealing Her Heart
أدب المراهقينLight story | Intersex Kylie Aubrey Topaz, a 17 Years old student who is cheerful, carefree and jolly. A girly type girl who wears her uniform tucked-in to her skirt. Head over heels to her one and only Luvs of her life, Antoinette Silver Lopez, sin...