CHAPTER 10

1.1K 36 0
                                    


Aubrey POV

"Oh Ija, naparito ka? Sumabay kaba kay Antoinette umuwi?" Tanong agad ni Tita ng makita ako.

"Opo, sumabay po ako sa kaniya." Ani ko naman.

"Ganon ba? Sige maupo ka muna diyan at dadalhan lang kita ng meryenda mo." Agad naman ako umiling.

"Nako huwag na po. Tsaka busog narin po ako." Pagdadahilan ko. Tumango-tango naman siya at nagpaalam ng aalis. Ako naman ay dumeretso sa sofq at naupo doon.

Tatambay pa ba ako dito matapos ng nangyari kanina? Gosh, hinalikan niya ba talaga ako? For the first time.

Gusto kong mag titili dito dahil sa sobrang kilig kasama na ng hiya. Kaso wala naman ako sa sariling bahay ko eh. Nakakahiya naman dito.

Napahawak nalang ako sa mga pisnge ko na umiinit dahil sa lumalaro sa isipan ko ang paghalikan namin kanina. Grabi ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"Ate Aubrey?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Selistyn lang pala nagulat pa ako. Lalim kasi ng iniisip.

Kakapasok lang niya at naka-uniform pa siya. Kagagaling lang siguro sa school nila.

"Ah, Oo. Bakit?" Ani ko at umayos ng upo.

Pumasok naman siya at umupo sa tabi ko. "Namumula ka. May ginawa na naman ba sa 'yo si Ate An?" Tanong nito.

Nang maisip naman kung anong dahilan ng pamumula ko ay lalo naman akong pinamulahan kaya wala sa sariling napahawak ako sa mga pisnge ko.

Agad akong umiling.

"H-huh? May sakit lang ako kaya namumula ako, O-oo." She tilt her head why looking at me suspiciously. Nahihiya naman akong umiwas ng tingin sa kaniyan.

Huwag mo akong titigan please! Wala akong ginawang masama!

Makatitig pa naman si Selistyn ay talagang nakalulunod. At cute niya kaso nakakahiya naman na sabihin ko na HINALIKAN AKO NG ATE NIYA KANINA LANG kaya ako namumula.

"A-ah-" I'm trying to avoid her stares ng sa ganon ay wala akong masabi na nakakahiya talaga.

Yumuko ako at pinagsiklop ang mga palad na ipinatong ko sa magkadikit ko na mga binti.

"Omygosh!" Gulat akong napalingon sa kaniya ng bigla niyang sumigaw.

Nakatakip ang magkabila niyang palad sa bibig habang gulat na nakatingin sa akin. What? Huwag niyang sabihing- omygosh.

Tinanggal niya ang pagkakatakip ng palad niya sa bibig niya. "Ate Aub, did Ate An kis-"

Agad kong tinakpan ang bibig niya. Dilikado baka mamaya may makarinig pa. Yari ako nito kung malaman ni Tita.

"Huwag mo ng sabihin ok?" Pabulong na ani ko. Naramdaman kong ngumite siya bago tumango.

Tinanggal ko na ang pagkakatakip sa bibig niya at napabuntong hininga nalang.

"Ate Aub, huwag niyo sabihing kayo na?"

"Hindi kaya!" Agad na tanggi ko. Will, kung p'wedi naman bakit hindi 'di ba? Tsk, ako tatangging maging Girlfriend ni Antoinette? Hindi kaya!

Binigyan niya ako ng nakakalukong ngiti. "Weh? Eh bakit kaniya hinalikan?" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Huwag mo na ngang banggitin baka mamaya marinig pa ni Mommy mo." Ani ko dito.

"Oo nga 'no. Lalo na at may papakasa-"

"Selistyn." Pareha kaming napalingon sa hagdan ng bahay nila ng marinig ang tawag ni Antoinette sa kapatid niya.

Agad tumayo si Selistyn at lumapit sa ate niya bago ito hinalikan sa pisnge. Ang sweet naman, sana all ako rin.

"Akyat muna ako sa taas Ate. Babye Ate Aub." Tumango nalang ako at umakyat na siya sa taas.

Nilingon ko si Antoinette na hindi ko namalayang nakatingin rin pala sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay agad kaming nag-iwas ng tingin.

Naramdaman ko naman na namula ulit ang mga pisnge ko. Tae naman oh, nakakakilig naman ito. Sinamahan pa ng malakas na pagtibok ng puso ko.

Agad akong tumayo para umuwi na pero bago ako lumabas ay nagpaalam muna ako sa kaniya.

"Uwi na ako Antoinette. Ahm, ba-bye." Parang ang corny ko naman ata. Hindi siya sumagot bagkos ay tiningnan lang ako saglit at pumunta na ng kusina nila.

Na hurt naman ako doon. Siya ang humalik tapos siya pa ang may ganang hindi mamansin. Dapat nga magsorry siya pero dapat apologize kiss, hihi.

PAG-UWI SA BAHAY ay naabutan ko sila Mama at Papa na naglalambingan na naman sa sala habang nanunuod ng palabas na lagi nilang inaabangan tuwing gabi.

Btw, it's past 7 in the evening na pala ako naka-uwi. Ganun naba kalalim ng iniisip ko kaya ako natagalan sa paglalakad?

"Gandang gabi Mang, Pang." Ani ko at ng makalapit sa kanila ay hinalikan ko sila sa kanilang mga pisnge bago nagpaalam na aakyat na sa taas.

Pagpasok sa kuwarto ay agad kong ibinagsak ang bag sa sahig at tumalon sa kama. Nakakapagod ang hapon ko pero may extra naman ehe.

HINALIKAN AKO NI ANTOINETTE MY LUVS!















___

:fovatapan

Please click vote🥹, it is super appreciated!

Click or tap and everything will do, haha. Highly Appreciated ko talaga ang magv-vote, bliss~ bliss~

⬇️⬇️

Stealing Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon