Aubrey POV
"Malapit na pala ang exam natin. Naka-review kana ba?" Napalingon ako sa katabi ko ng magtanong ito. Si Angel pala.
"Oo naman ako pa? Tsaka easy lang 'yan kaya babye na at magd-date pa kami ng My luvs ko." Ani ko at mabilisang iniligpit ang mga gamit.
Hmm, excited na akong umuwi syempre kasama si My luvs ko. Hindi parin ako makapaniwalang makakasama ko na siya. 'Wag lang talagang ipaalala sa akin ng utak ko ang maaring makapagsisira ng mood ko. Hmp.
Though hindi naman talaga siya date. Tawag ko lang talaga date para nga sosyal hihi.
"Wow, sana all Aub. Grabe ka huh, hindi pa tapos school year natin may dinidate kana." Mapagbirong ani niya. Pinigilan ko namang ngumite at sinuway siya.
"Shh manahimik ka nga diyan. Mag hanap ka nalang ng bebe love mo para naman magkaroon ka ng date." Nakita ko namang namula ito dahil sa sinabi ko. Teka, huwag mo sabing may kabebetime na ito? Bakit hindi ko alam?!
"Beb, may boyfriend kana ba?" Tanong ko dito ng hindi makapaniwala. Paano man daw kasi ako maniniwala sa kaniya kay minsan na niya akong niluko na may bf na daw siya pero ang totoo ay wala kasi nahihiya daw siya umamin.
Nakita ko ang pagpula ng pisnge niya bago yumuko. Hindi pa nakawala sa paningin ko ang pagkagat labi nito.
Hmmm luma-love life na itong kaibigan ko ah. Parang kaylan lang na prinank pa namin 'yong magjowa habang nakatambay kami sa park.
"A-ahm." Sos. Halata naman, ayaw pa sabihin.
"Ok lang naman kung hindi mo pa sabihin sa akin. Basta ba pangako ire-reveal mo siya huh. Sige na babye na." Paalam ko dito at nauna ng umalis.
Hindi ngayon pumasok si Antoinette my luvs kasi daw may inaasikaso na hindi ko naman alam. Nagtatanong nga ako hindi naman niya sinasabi. Hmp.
Nakakatampo tuloy.
Lumabas na ako ng classroom ng mag-isa dahil hindi daw sa akin sasabay si Angel, ulit, dahil siguro kasabay niya ang secret boyfriend niya.
Naglakad na ako papalabas ng building, palabas ng University at papuntang Subdivision kung saan nakatira sina Antoinette my luvs. I can't wait to see her.
It's been five days after ng 'muli naming pagkikita ni Antoinette my luvs' matapos no'n naging busy na kaming dalawa dahil narin sa paparating na exam.
Hindi ko man lang naisip na patapos na pala ang school year. Grabe ang bilis lang ng panahon. Parang kaylan lang mula sa malayo tinitingnan ko si Antoinette my luvs ngayon nayayakap at nahahalikan ko na.
I can feel my self blushing while thinking about that scene. Hshshs, hindi ko talaga makakalimutan ang malambot na labi ni Antoinette my luvs.
Miss ko na tuloy siya. Masungit parin kaya siya ngayon? Bakit ko ba iniisip 'to, eh parang hindi naman na magbabago ang reaksyon niya eh. Sungit kasi. But luvs ko parin naman.
I rang Antoinette House doorbell when I arrived at the front of their gate. Walang sumagot kaya hindi na ako nag-antay pa at pumasok na sa bakuran nila.
Naglakad ako papalapit sa pintuan ng bahay bago pumasok doon. Katahimikan ang bumungad sa pandinig ko at wala man lang akong nakitang katulong sa living room.
Anong araw ba ngayon? Kaya baka wala ang mga maid dahil sa day off.
Ipinagkibit balikat ko nalang iyon bago pumasok at sinarado ang pintuan. I hold at my Pack bag strap and walked towards the kitchen while humming.
Nasaan kaya sina Selistyn at Anthony? Si Tita. Ang tahimik ng bahay nila eh. Sumilip ako sa taas ng hagdan nila pero wala naman akong nakitang tao.
Hayst, katakot naman. Laki pa naman ng bahay nila.
"Are you ok with that? You two will be married again. Pero sa simbahan na." Rinig ko ang mahinang boses ng Mommy ni Antoinette mula sa kusina.
Lumakad naman ako papunta doon para tanungin kung nasaan si Antoinette my luvs.
"Huwag kang mag-alala Anak. Baka nagulat lang talaga siya kaya gano'n, I know her naman." Sabi pa ni Tita. Sino kaya kausap niya?
"Just trust us ok. Mahal mo na ba siya?" Teka, I have hint kung sino ang kausap ni Tita.
Is that the Man at the resto? I mean my fiance? Aish. What do Tita mean na ikakasal uli at sa simbahan na?
"Hmm Mahal ka no'n kaya huwag mo ng isipin pa ang naging reaksyon niya. Kain ka nalang nga." I stopped walking at agad na tumalikod.
Kailangan ko na atang umuwi. Magso-sorry nalang ako kay Antoinette my luvs bukas.
Pagdating sa bahay ay wala akong naabutan na tao. Busy na naman siguro sina Ate at Mama kaya ako na naman ang maiiwan dito magdamag. Hmmp. Katampo na sila.
Pumasok ako ng kuwarto bago inilapag ang backpack sa study table ko. Umupo ako sa paanan ng kama at napatitig nalang sa pader.
Ang narinig ko kanina. Is that mean na ikakasal kami ulit ng lalakeng iyon at sa simbahan ba?
I pouted. Nararamdaman ko na rin ang pagluha ng aking mga mata ngunit pinigilan ko iyon.
Tumayo ako para magpalit ng damit at ng matapos ay isinalampak ko ang sarili sa kama. Kinuha ko ang unan na paburito ko at niyakap ko ito ng mahigpit.
Again, what I heard kanina ay pinag-overthink na naman ako.
Is that contract not enough para sa kanila? Kasal na kami sa papel kaya bakit kakasalin pa sa simbahan? Gusto ata nila akong isakal sa lalakeng iyon eh. Hmmp. Hindi ko na sila Love.
BINABASA MO ANG
Stealing Her Heart
Teen FictionLight story | Intersex Kylie Aubrey Topaz, a 17 Years old student who is cheerful, carefree and jolly. A girly type girl who wears her uniform tucked-in to her skirt. Head over heels to her one and only Luvs of her life, Antoinette Silver Lopez, sin...