CHAPTER 14

999 30 1
                                    

Aubrey POV

Nang matapos na akong magbawas ay naghugas muna ako ng kamay at inayos ang sarili bago lumabas ng Rest Room. Rinig ko na ang mga boses ni Mama at ng Mother ng Fiance kahit pa malayo na ako.

Grabe, gano'n ba talaga silang dalawa kapag magkasama? Hahaha.

Anyways, hindi na bakante ang dalawang upuan na kaharap ko at nakatalikod sa akin ang mga nakapwesto doon. Ba't gano'n? Pamilyar na pamilyar sa akin ang pigura.

Mahaba ang buhok nito na tiyak kong nahawakan ko na, medyo payat rin at matangkad.

Omygosh! Don't -

Katabi nito ang maliit na batang lalake at ang teenager na Babae. Omygosh.

Kaya ba pamilyar sa akin ang mga pigura at mukha nila?

Sa hindi mawari ay biglang bumilis na sa puntong hindi ko na mapaliwanag ang pintig ng puso ko. Bawat kabog nito ay siyang nagpapahina sa sistema ko. Napakapamilyar ng nararamdaman ko ngayon at tiyak kong sa isang tao lamang ako magkakaganito.

Wait- Ano ang ginagawa niya dito kung natiyak ko mang siya 'yon?

"Anak ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Maupo kana dito at para makapagsimula na tayong kumain." Napalingon ako kay Mama.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa pwesto ko kanina lang. Lihim akong napalunok ng magtama ang paningin naming dalawa. Hindi nga talaga ako nagkamali. Si Antoinette my luvs ko ito!

Pero, bakit hindi ko na pamilyar sa akin sa Tita at Tito? Ahh, kaya naman pala. Nakaayos nga kasi si Tita at pormal ang suot nilang mag-asawa.

Sa bahay kasi nila Antoinette my luvs, kapag naabutan ko doon sila. Si Tita nakasalamin at laging naka messy bon ang buhok at normal na damit lang, si Tito naman ay nakasalamin at laging nakatali paitaas amg medyo mahaba niyang buhok sa taas ng ulo kaya minsan napapagkamalan ko siyang binata eh.

One question lang talaga ang bumubuo sa utak ko ngayon, paano nangyari ito? I mean- Argh, hindi ko maintindihan.

"Oh? Bakit ang tahimik niyong dalawa? Antoinette? Aubrey? Hindi ba magkasundo na kayo. Para namang ngayon lang kayo nagkita eh." Ani ni Tita.

Huh? Alam rin talaga nila na Magkasundo kami? I mean, parang ako lang ata ang nagpipiling na magkasundo kami, alam niyo na, simula palang ay hinahabol ko na si Antoinette my luvs.

"Huh? A-ah, nagulat lang po ako.." pahina ng pahinang ani ko. Is it possible na si Antoinette ang Fiance ko? Omygosh!

Pero parang hindi naman ata. May kuya ba siya at iyon ang ipagkasundo sa akin? Wait- sana naman hindi.

Pero posible kasi baka nga talagang may kuya siya. Kasi sa pagkakaalam ko ay lalake ang pakakasalan ko. Grabe naman ito. Pahingahin niyo naman ako Mama!

"Ok. Kumain na nga tayo baka lumamig pa ang mga napakasarap na pagkain na 'to." Ani ni Mama. Nagsimula na silang kumain samantalang ako ay hindi ko man lang maiangat ang kamay dahil sa pagkagulat parin sa nalaman.

Inangat ko ang tingin at naabutang gulat na nakatingin sa akin si Selistyn at Anthony pero may bahid ng tuwa sa kanilang mga mukha. Napatingin ako kay Anthony ng gumalaw ang bibig niya and he mouthed I think 'Yes'? What does he mean by that?

Argh, 'wag ko na ngang pagtuunan ng pansin iyon. Nilingon ko si Antoinette na prente ng kumakain.

Parang hindi man lang nagulat kaninang nagkaharap kami eh. Hindi mo ba ako kilala my luvs? Ako ito 'yong mahal na mahal ka at hindi iiwan. Hayst, she's so calm at hindi mo makikitaan ng gulat.

Stealing Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon