Chapter 8

135 6 0
                                    


"Pasok."galit na untag niya sa'kin, pilit akong tinulak papasok ng sasakyan.

"Ano ba Steve, nasasaktan ako."naiyak na sambit ko sabay bawi ng aking braso na sobrang pula na dahil sa pagkakahawak niya ng sobrang higpit.

Tumilim agad ang tingin niya sa'kin kaya napaatras ako sa takot."Nasasaktan ka? Pwes, wala akong paki-alam kaya pumasok ka na sa sasakyan bago pa kita saktan."nangigigil na banta kaya natatarantang pumasok sa passenger seat at yumuko dahil sa takot.

Rinig kung bumukas sara ang pinto nang driver seat." Seatbelt."malamig na aniya.

Gamit ang nanginginig na kamay ay agad kung kinabit ang seatbelt. Agad namang pinaharurot ng mabilis ni Steve ang sasakyan na ikinatakot ko, galit siya at wala sa sarili ba'ka mabangga pa kami.

Mas humigpit pa ang hawak ko sa seatbelt, nagkarerahan ang puso dahil sa sobrang kaba.

"S..Steve, please slow down. Natatakot na ako."humihikbing sambit ko.

Napatili ako nang walang sabi siyang pumreno.

"FUCK THIS!"napaigtad ako nang malakas niyang hinampas ang manebela.

Naitikom ko ang aking bibig dahil sa takot dahil galit na galit na talaga siya. Takot na tinignan ko ang paligid, walang tao, sobrang tahimik ng lugar kaya mas natakot pa ako.

"S..Steve.."takot na tinignan ko siya.

His bloodshot eyes landed on me."Mahirap ba Syria? Mahirap ba ha?"puno nang hinanakit na tanong niya kaya nagsituluan ang aking mga luha.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Mahirap ba'ng mahalin ako?"tanong niya sa mababang boses, kita kung tumulo ang kanyang luha kaya napayuko ako at tahimik na umiiyak." Tangina, minahal kita eh! Sobrang mahal kita, kahit tarantado ako, kahit hindi kita trinato ng maayos pero puta, totoo 'tong nararamdaman ko sa'yo, totoong totoo."he broke down in front of me kaya mas napahagulhol ako.

I don't know how to answer him.

"S..sorry.."I finally said those words.

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa humupa na ang mga hikbi naming dalawa.

I heard him took a deep breath, trying to calm himself as I am.

He looked at me with tears flowing on his cheeks, he wiped it harshly." Total, hindi mo naman ako mahal then let me use you at least makaganti ako sa gago na 'yun."malamig na sambit niya.

Agad akong ginapangan ng kaba, anong pinaplano niya?

"Steve, wag namang ganito please."nagmamakaawang paki-usap ko sa kanya pero malamig niya lamang akong tinignan.

I made him turned into this and I know it's all my fault.

"You don't want your family to be in danger right?"he coldly said na ikinalamig ng aking buong katawan." You don't want it, right?"

Agad akong tumango, kabado.

"Then, do what I say."

TULALA akong nakarating sa aming bahay, ni hindi ko nga napansin ang pagbati sa akin ni mama at ni Ken, Basta na lang kasi akong umakyat at pumanhik sa aking kwarto.

Nanghihinang napa-upo ako sa aking kama habang inaalala ang mga pinapagawa sa akin ni Steve. Napahilamos ako sa aking mukha at inis na ginulo ang aking buhok.

Kaya ko ba?

"Be in a relationship with him and when he falls deeply then that's the time you destroy him, broke his heart liked what you did to mine, crash him and make him feel worthless and unwanted."

The Greek has Fallen(Greek Series #1)Where stories live. Discover now