"Die asshole."galit na wika ni Ethos habang pinagsusuntok ang mukha ng kalaban."Tama n----aahhhh.."halos mawalan na ng malay ang kalaban dahil sa pagkakabugbog niya. Nandito sila ngayon sa likuran ng gym kung san walang masyadong tao.
Marami ang nanonood pero wala ni isa ang nagtangkang umawat,sa takot na ba'ka sila ang isunod nito.Wala kasi itong sinasanto lalo na kapag galit.
"I will fucking kill you."walang emosyong sambit ni Ethos at patuloy na pinagsusuntok ang kalaba'ng halos hindi na makilala dahil sa pasa nito sa mukha.
Prrrrrttttttt......
Nagsitakbuhan ang lahat ng estudyante ng makarinig sila ng pito ng security guard kaya ang binata na lang at kalaban nito ang natira.
"HOY, TAMA NA YAN."sigaw ng security guard ng makalapit ito sa kanila.
Kaya pabagsak na binitiwan niya ang kalaban at galit na bumaling sa security na halatang nagulat ng makita siya.Agaran itong yumuko.
"S-sorry po si----"
"You're fired."walang emosyong sambit niya dito sa'ka umalis na.
TINADYAKAN nito ang pinto ng classroom nila kaya lahat ay nagulat maging ang kanilang guro na hindi na maipinta ang mukha sa galit.
Sinaman niya ito ng tingin kaya napayuko na lamang ito.
Nagsimula na siyang maglakad sa pinakalikuran kung nasa'n ang kanyang kakambal na si Greece Asher at ang kaibigang si Thrace Rand. Nakangisi lang ang babaero niyang kaibigan habang ang kakambal naman niya ay seryoso lang pero halata sa mukha nito ang inis.
Nginisihan siya ng kaibigan pagkaupo niya."Wow, hanep ah. Grand entrance lang haha."pang-aasar ni Thrace pero itinaas lang nito ang gitnang daliri. Magkaklase silang tatlo,dahil parehong Business Administration ang kursong kinuha nila.
"Makakarating na naman to ki'na mama."sabat ni Asher na kakambal niya pero ang mata lang nila ang magkatulad hindi tulad ng ibang twins na magkapareho ng mukha. Marami ang pinagkakaiba nila. Mas matanda si Ethos ng tatlong minuto kay Asher.Pero mas matured pa mag-isip si Asher kesa sa sa kanya. Matino rin ang kapatid hindi tulad niya na puro pakikipagbasag-ulo lang ang nalalaman kaya nga ito ang paborito ng kanyang ama dahil matino ito at may pangarap sa buhay habang siya naman ay kabaligtaran dito kasi puro pakikipag-away lang ang inaatupag .
He shrugged his shoulder."Don't care."walang-pakialam na sambit niya.
Umasim ang mukha ng kakambal.
"Pwede ba Ethos, magtino ka na nga!"sermon sa kanya ng kapatid."Tingnan mo nga yang sarili mo."Napatingin siya sa damit niya na may mantsa ng dugo at gusot-gusot pa ito.
Bumuntong hininga siya at hindi na'lang umimik ba'ka magkasagotan lang sila at inilublob na'lang ang mukha sa armchair at natulog.Ganito lang palagi ang kaganapan sa buhay niya. Papasok, makikipag-away, at matulog sa school.
"Continue na po maam." rinig niyang saad ng kakambal kaya nagsimula ng magturo ang guro nila.
Maraming galit na guro sa kanya dahil sa ugali niya pero wala siyang paki-alam. Natulog na lamang ang binata dahil pagod ito sa pakikipag-away. Mamaya na lang niya papalitan ang uniporme.
ORAS na ng uwian kaya nakapamulsang naglakad siya papuntang parking lot pero bago siya nakarating dun ay may narinig siya.
"Bes, picturan mo dali."kinikilig ng isang tinig sa kanyang likuran."Gosh, ang hot niya talaga."
Uminit bigla ang ulo niya. Ang pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay ang palihim siyang nanakawan ng litrato.
Pumihit siya paharap sa dalawang babae at walang emosyong naglakad sa gawi nito.
YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...