Chapter 11

112 7 0
                                    


Nakangiting pumasok ako nang room namin pero agad 'yung napawi ng makita ang mga clown girls na ngayo'y masama na ang tingin sa'kin.

Inirapan ko silang tatlo bago naglakad papuntang seat ko pero hindi 'yun natuloy ng sugurin ako ni Rhea.

"Malandi ka'ng babae ka!"galit na sigaw niya at akmang hahablutin ang buhok ko pero nakaiwas ako agad at siya naman ang tinulak ko pero nasangga siya ng kanyang alipores.

Tamad na tinignan ko siya, nanlilisik ang kanyang matang nakatingin sa'kin kaya napangisi ako."Ano na namang drama 'to?"nang-aasar na tanong ko.

Kumuyom ang kanyang kamao."You golddigger, pagkatapos ni Steve si Ethos na naman ang peperahan mo hindi ka na nahiya."namumula ang kanyang mukha sa galit.

So, ito pala ang ikinagagalit niya.

I smirked bago naglakad papalapit sa kanya."Golddigger na kung golddigger, well at least najowa at soon to be jowa ko ang dalawang crush mo."pang-aasar ko."Eh, ikaw napansin ka ba? Hindi di ba? Kasi panget ka, suso mo lang malaki."nagkantyawan ang mga kaklase ko.

"YOU BITCH."napahawak ako sa kabilang pisngi ko nang bigla niya akong sampalin.

Hinahamon mo talaga akong higad ka!

Tinaliman ko siya nang tingin at walang pasabing hinila ko ang buhok niya at gigil siyang sinabunotan. Gumanti rin siya at pinagkakalmot ang braso at mukha, ramdam ko ang hapdi dahil na rin sa matulis niyang kuko.

Mas hinigpitan ko ang pagkakasabunot sa kanya at ganon rin siya.

"Malandi ka Syria."gigil na sigaw niya sabay hila sa buhok ko.

Hinila ko rin ang buhok niya."Wala akong pake, punyeta ka."buong lakas ko siyang tinulak dahilan para mapasubsob siya sa mga upuan.

Dinuro ko siya."Kung malandi ako, eh ano ka pa?Ba'ka nga mas malandi ka pa sa lahat ng malandi, wag ka'ng feeling anghel dahil alam na'ting lahat na demonyo ka, pwe! Magsama kayo ng mga kampon mo."sa galit ay dinuraan ko siya bago kinuha ang aking bag na nasa sahig at lumabas.

Gulong gulo ang aking buhok at marami rin akong kalmot sa braso at mukha dahilan para pagtingin ako ng mga estudyante sa hallway pero sarado na ang utak ko dahil sa galit kaya hindi ko sila pinapansin.

Mabilis akong lumabas nang campus at naglakad kahit walang patutunguhan.

Naaawa at natatawa ako sa sarili ko, tama nga siguro si Rhea na malandi ako dahil sa isiping paiibigin at sasaktan ko si Ethos.

Napahinto ako sa may botika, walang pagdadalawang isip na pumasok ako doon upang bumili ng gamot para sa mga kalmot ko, ba'ka may rabies pa 'yung higad na 'yun.

Kita kung nagulat ang cashier nang makita ang hitsura ko.

"Ayos ka lang ba miss?"concern na tanong nito.

Tumango ako."Pabiling gamot para sa kalmot."wala sa sariling sambit ko.

"San mo ba nakuha ang mga kalmot na 'yan iha?"

"Hinabol kasi ako ng isang aso, may sayad pala 'yun kaya nangigigil sa'kin."mahina pa akong natawa dahil sa sinabi ko.

Nawiwierduhan na siguro 'yung cashier sa'kin kaya kumuha na lang siya ng gamot para sa mga sugat ko. Binayaran ko na 'yun at lumabas na pero agad ring napaatras ng makita ang seryoso niyang mukha, at bumaba iyon sa braso ko, nagtiim bagang nilapitan niya ako at marahang kinuha ang aking braso at sinuri.

Para akong maiiyak nang makita siya.

"Fuck, sinong may gawa nito?"galit na tanong niya pero umiling lang ako.

The Greek has Fallen(Greek Series #1)Where stories live. Discover now