Chapter 17

95 4 0
                                    


Pumunta na ako sa next class ko, makikita ko na naman ang tatlong clown. Pumasok na ako sa loob ng classroom at umupo sa aking designated seat.

"Uy, may na dropped."ngisi ni Rhea kaya napatingin ako sa kanya.

Ngumisi naman si Claire."Out."sabay silang tumawang tatlo kaya napa-iling ako at hindi na sila pinatulan.

Mga KSP!

Nakakamiss din pala 'yung babaeng yun, bakit kaya siya absent ngayon?

Bumuntong hininga ako bago dinukot sa aking bulsa ang aking cellphone at tinext si Nichole.

To Nichole:
'Hoy, babae ayos ka lang ba?'

Sinend ko na 'yung mensahe ko sa kanya pero lumipas ang ilang minuto ay hindi siya nagreply kaya sumimangot ako.

Bzztt..Bzztt..

Kaagad kung tinignan ang aking cellphone sa pag-aakalang si Nichole pero hindi dahil si Ethos pala iyon.

From boyfriend:
'Nagtetraining na kami'

Ngumiti ako bago nagtipa nang reply.

To boyfriend:
'Send pic dear😍'

Lumipas ang ilang segundo bago siya nagreply.

Bzztt..Bzztt..

From boyfriend:
'Sent a photo'

Agad kung tinignan iyon at mas lalo akong napangiti nang makita siyang nakaselfie, nakahawak ng bola at sa likod niya ay ang malawak nilang basketball court.

Bzztt..Bzztt

From boyfriend:
'What can u say about my pic, beautiful?🤭'

Nakangiting napa-iling ako. Sumasabay ka na sa mga kalokohan ko ha!

To boyfriend:
'Ur so handsome dear, can't wait to see u😘'

From boyfriend:
'What will u do when you see me, beautiful?😎'

To boyfriend:
'I will kiss and hug you, dear😘'

From boyfriend:
'Can't wait 4 that, beautiful 😁😉'

To boyfriend:
'Tama na, magpraktis ka na nga'

From boyfriend:
' Okay dear, makinig ring mabuti sa prof mo'

Lumawak ang ngiti ko at akmang magrereply nang biglang dumating 'yung prof namin kaya agad kung sinilent ang cellphone ko bago tinago sa aking bulsa.

"Okay class. I bring some big news."panimula nang prof namin kaya mas nakinig kami."I chosed this block to handle the said big event that will be happen this upcoming monday in one of most well known hotel in the country, the Wallon hotel."masayang dugtong ni maam.

Ano raw? Kami ang paghahandlen niya? At sa paparating na lunes na?

"Ma'am."magtaas nang kamay si Mae.

Nilingon siya ni maam."Yes, Ms. Dela Torre?"

"Kami po ang gagastos s---"

Natatawang umiling si ma'am."No silly, may magbabayad na 'dun. All you need to do is to organize the event, organizing events we're your course after all. And this is a best opportunity sa inyong lahat para magkaroon kayo ng experience about organizing."masayang sambit ni ma'am pero makakaya ba namin 'yun? We're still a second year college and I'm sure na may senior naman na gawa 'nun.

The Greek has Fallen(Greek Series #1)Where stories live. Discover now