Kinurot ko ang kanyang tagiliran dahil sa sinabi niya, napalayo naman siya sa'kin habang hawak hawak ang kanyang tagiliran na kinurot ko."Kung anong sinasabi niyang bunganga mo."asik ko sa kanya pero ngumisi lang siya kaya napa-irap ako.
"Nagsasuggest lang naman ba'ka magustuhan mo."ngisi niya sabay kindat sa'kin.
Inirapan ko siya."Mukha mo."ani ko.
"Gwapo."biro niya pa.
"Mahangin ka."
"Itong mahangin na'to ay kaya ka'ng ilipad papuntang langit."kindat niya sa'kin at ang madumi ko na namang utak ay kung saan saan na lumilipad.
"Tumahimik ka nga."mahinang saway ko sa'ka dali- daling sumakay sa passenger seat. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Nakapawierd.
Kita kung umikot siya sa passenger seat at bumukas ang driver seat at pumasok siya 'dun at tinignan ako kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Shit, ba't biglang uminit dito sa loob?
"Hey."napaigtad ako nang tumama ang mainit niyang hininga sa liig ko kaya mabilis akong bumaling sa kanya at ganon na lang ang gulat ko nang mapagtantong sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.
Parang luluwa na yata ang puso dahil sa lakas ng kabog nito. Nanigas ako nang bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya bigla akong napalunok.
Napapikit ako nang dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa'kin hanggang sa naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Napahawak ako sa balikat niya nang hawakan niya ang beywang ko at mas inilapit 'yun sa kanya at hinalikan ako ng mariin kaya tumugon na rin ako.
Bumaba ang kanyang halik sa aking pisngi papunta sa panga hanggang sa umabot iyon sa liig ko. Halos malagutan ako ng hininga ng patakan niya ng mga halik ang aking liig.
Shit, ito na ba?
He was about to suck it when someone knock through the window dito sa passenger seat dahilan para maitulak ko Ethos at agad na umayos ng upo habang inaayos ang aking sarili.
Shit, nakita ba nila kami?
Tinignan ako ni Ethos kaya napa-iwas ako nang tingin dahil sa kahihiyan. I heard him chuckled then went closer to me na ikinatigil ng paghinga ko, binuksan niya ang bintana sa gilid ko at sinilip 'yung kumatok.
Pasimple akong tumingin at namula ako nang makitang isa itong security guard.
"Good evening po sir and ma'am pero bawal po kayong magpark dito sa harapan ng hotel."magalang na paalala nito.
"Oh, We're sorry."baliwalang tugon ni Ethos.
"Ma'am, Sir. Marami pa naman po'ng bakanteng kwarto sa hotel namin kaya do---"
"Hindi po kami gumagawa ng melagro manong."mabilis na depensa ko.
Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Ethos at ang pagngisi ng security guard.
"Sige, Hindi pero kung gusto n---"
"Manong."inis na saway ko sa kanya, namumula na ang pisngi sa hiya.
"Alis na kami Sir, sa susunod na lang kami magpapabook."ngisi ni Ethos dahilan para mapangisi rin ang Security guard.
Wala ako sa mood kahit nasa biyahe na kami. Aish, nakakahiya talaga!
"Gusto mo ba'ng pumunt---"
"Uuwi ako."matigas na putol ko sa sasabihin niya sabay tingin sa labas ng bintana.
Kumuno't ang aking noo nang itinigil niya ang kanyang sa sasakyan sa gilid ng daan, 'yung walang tao, akmang sisinghalan ko siya ng maramdaman ko ang kanyang mainit na mga braso na ngayo'y yumayakap na sa'kin ng mahigpit.
YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
Roman d'amourGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...