Prologue

816 17 8
                                    

           ♡The Greek has Fallen♡

DISCLAIMER: This is a work of fiction.Names,characters, businesses, places,events,and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental.

Warning: Some contents are not suitable for young readers, this might contain strong language and offensive words. Read at your own risk.

PS. I do not own any of the photos attached in each chapter, just downloaded it on google. Credits to the rightful owner.

Happy reading, My iance:)
______________________________________

Nakangiting nakipag kamay ako sa kleyenting kaharap ko. They we're a couple, actually mag fiance na and they decided to live in the same roof together. Mabuti na lang at ako ang kinuha nilang mag oorganize sa wedding nila.

Kailangan ko kasi nang pera dahil may pinag-iiponan akong malaking halaga.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang lalaki na inaalalayan ang fiance niya sa pagtayo.

"See you next month, Mr.Feirrer and soon to be Mrs.Feirrer.."masayang sambit ko.Bahagyang namula ito dahilan para mas lalo pa siyang gumanda."Congratulations in advance."dugtong ko pa.

Ngumiti silang dalawa."Thank you, Ms.Regalim."sabay na tugon nila.

"My pleasure.."nakangiting saad ko. Hindi na sila nagtagal at nagpaalam na habang ako ay umupo muna. Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari..

Halos labinlimang taon na ang nakalilipas pero sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari.Napa-isip tuloy ako..Kung hindi ko ba ginawa yun..Kami pa kaya..Kung hindi ko pa ginawa yun..Nagpakasal na kaya kami?

Maraming tanong sa aking isipan na kahit kailan ay hindi na masasagutan..Marahas kung pinunasan ang butil nang luhang tumulo galing sa mata ko.Hindi na maganda kung babalikan pa ang nakaraan..

Humugot ako nang malalim na hininga.Nabaling ang tingin ko sa mesa kung san tumutunog ang telepono ko.

Mama Calling....

Agad na ginapangan ako nang kaba kaya agad ko itong dinampot at sinagot.

"Hello ma.."kabadong sambit ko sa kabilang linya at mas lalong kumabog ang dibdib ko nang marinig ang hagulhol ni mama.

"Ma..Anong nangyari?"natatarantang tanong ko sabay tayo at dali daling kinuha at mga gamit ko at nilisan ang càfe..

"A..Anak..S.Si..Kent."hagulhol na simula ni mama..

Agad akong pumara ng taxi at pumasok na dun.

"Ma..Ano ngang nangyari?"hindi ko na mapigilang hindi magtaas ng boses dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko..

"Sinugod siya sa hospital anak..Hindi ko na alam ang gagawin ko.Yung papa mo walang nagbabantay dun..At sa'ka hindi pa lumalabas ang doctor dito..Anak anong gagawin ko?"hagulhol ni mama.Kinalma ko muna ang sarili ko,hindi dapat ako magpaapekto dahil mas maaapektuhan din si mama.Kailangan kung maging malakas para maging sandalan ni mama.

Agad akong nagpahatid sa driver sa sinabing hospital ni mama.Hindi ako mapakali habang nasa biyahe.Gusto kung maiyak sa kaba pero hindi ko magawa.

HUMUGOT muna ako nang isang malalim na hininga bago dali-daling pumunta sa information desk ng hospital.

"Miss, Room number po ni Kent Joseph Regalim."nagmamadaling tanong ko.

Tumingin sakin ang isang babaeng nurse at agad na tumango."4rth floor..Operating Room.."anito kaya agad akong tumango at nagpasalamat bago tinakbo ang elevator at pumasok na dun.

The Greek has Fallen(Greek Series #1)Where stories live. Discover now