Nakatitig lang ako sa kanya habang chinicheck ang kapatid ko. Mas gumwapo pa siya ngayon, nagmature na ang mukha pero nababagay sa kanya, mas nadipina rin ang kanyang katawan, siguro palaging nagge gym.Maraming nagbago sa kanya ni kahit ang nararamdaman niya para sa'kin ay nagbago na rin, nawala na.
Napa-iwas ako nang tingin ng bigla niya akong nilingon. Shit, nakita niya ba'ng nakatitig ako sa kanya?
"You kept on staring at my back Miss Regalim, is there something you wanted to tell me?"seryosong tanong niya nang humarap sa'kin.
Napalunok ako sa kaba at alanganing tinignan siya."Ah, magtatanong lang kung ikaw ba 'yung nagbayad ng bills namin dito sa hospital?"lakas loob na tanong ko sa kanya.
He stared at me intently kaya bigla akong nahiya at nagbaba ng tingin."So what if it's me?"malamig na tanong niya.
Tinignan ko siya, tama nga ako na siya nga ang nagbayad."Babayaran kita."seryosong saad ko.
Tumaas ang isang kilay niya at lumapit sa'kin kaya napaatras ako. Tumigil siya kaya napatigil rin ako sa pag-atras."I have tons of money miss and I don't fucking need yours."malamig na saad niya bago ako nilagpasan at lumabas ng kwarto.
Bumagsak ang dalawang balikat ko sa sinabi niya. Tama nga naman siya, barya nga lang naman 'yung binayad niya para sa kanya.
Ilang araw na ang lumipas at ganon pa rin ang trato niya sa'kin parang hangin lang na dinadaanan. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang magising ang kapatid ko na sobrang ikinapagpasalamat ko.
Napangiti ako habang nakatingin kay Ethos na masayang kinakausap ang kapatid ko. Mabuti na lang at hindi nagbago ang trato niya sa kapatid ko sa kabila ng sakit na idinulot ko sa kanya noon.
"Once you get out of here, I will buy you lot's of toys, you want that?"masuyong tanong ni Ethos sa kapatid ko.
I saw my brother smiled a little at tumango.
Ethos smiled then gently caressed my brother's hair.
"D..do you still love my ate, kuya?"nagulat kami pareho ni Ethos sa tanong ng kapatid ko.
Sandaling napatingin siya sa gawi ko bago sa aking kapatid. Bigla akong kinabahan sa magiging sagot niya.
He smiled a little."Rest now, big boy so we can go to the amusement park."nadismaya ako nang hindi sinagot ni Ethos ang tanong ng kapatid ko. Pero naiintindihan ko siya kasi alangan namang magsinungaling siya sa kapatid ko at sabihing mahal pa niya ako kahit hindi na.
Malungkot na tumango ang kapatid ko.
Bumuntong hininga ako.
"Doc."natuon ang aming paningin sa kararating lang na nurse na lalaki.
Tumayo si Ethos at tinignan ito."Why?"seryosong tanong niya dito.
"Someone's looking for you doc."the nurse answered.
Sino naman kaya?
"Who?"takang tanong ni Ethos.
"Hashanah is the name doc."napatingin ako kay Ethos nang marinig ang pangalan ng babae.
Girlfriend niya?
Napatingin si Ethos sa'kin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin takot na makita niya ang nasasaktan kung mukha.
"Okay, tell her to stay in my office. I'll just check my patient."rinig kung utos niya dito.
"Okay doc."agad na sagot 'nung nurse at umalis.
"Miss Regalim."nanigas ako nang tawagin ako ni Ethos kaya huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap.
As usual walang emosyon ang kanyang mukha kapag tumitingin sa'kin.
YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomansaGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...