Late na ako nagising kaya naman mabilis akong kumilos, naligo at nagbihis kasi may kliyente pa pala akong kikitain ngayon. Nagsuot lang ako nang black high waisted jeans at silk white sleeves, nagpowder ng konti at lipstick bago kinuha ang aking bag at mabilis na lumabas.Naabutan ko si mama at papa sa dining area at kumakain. Nagmamadaling lumapit ako sa kanila.
"Good morning po ma, pa."bati ko sa kanila kaya napatingin sila sa'kin.
"Kumain ka na, anak."alok ni mama sa'kin pero agad akong umiling.
"Sa labas na lang ma nagmamadali kasi ako."magalang na tanggi ko kaya walang nagawa si mama kundi tumango."Si Kent ma?"tanong ko.
"Natutulog pa anak."si papa kaya tumango ako.
"Sige pa, ma. Una na ko."paalam ko.
"Sige anak, ingat sa daan."bilin ni papa kaya tumango ako bago lumabas nang bahay at pumara ng taxi.
Habang nasa biyahe ay himihilot ko ang aking ulo, shit hangover. Bumuntong hininga ako at napatingin sa aking bag kung nasan ang aking cellphone ng bigla itong tumunog.
Kinuha ko iyon at tinignan.Mahina akong napamura nang makitang ang dami ng missed calls sa'kin Moira, ang assistant ko.
Tumawag siya kaya agad ko itong sinagot.
"Ma'am, nasan na 'daw po kayo sabi ni Mrs. Ramos."kabadong tanong ni Moira sa'kin sa kabilang linya. Si Mrs. Ramos ay isang sikat na surgeon dito sa pilipinas at siya rin nagheheld para sa gaganaping auction next week para sa mga cancer patients kung san ang mga mayayamang tao ang dadalo at magdodonate ng malaking halaga at kami ang kinuha niyang mag-oorganize, agad namin itong kinuha kasi malaking proyekto ito kaya kailangan kung makaabot kundi goodbye pera na talaga.
"Sabihin mo please na malapit na ako konting hintay na lang."ani ko sa kanya.
"Sige po ma'am sasabihin ko."alanganing sagot ni Moira kaya mabilis kung pinatay ang tawag at tinignan ang driver.
"Manong, pwede po ba'ng pakibilisan?"paki-usap ko sa driver, kita ko ang pagtango nito sa rear view mirror kasabay ng pagpapabilis ng takbo nito.
Shit, sana nandon pa si Mrs. Ramos.
Huminto ang aking sinasakyan sa harap nang coffee shop na aming meeting place, kaagad kung inabot ang bayad at lumabas hindi na hinintay ang sukli.
Mabilis akong pumasok sa loob at luminga, agad kung nakita si Moira 'dun sa table na malapit sa window glass, nakaharap siya sa'kin at nang nag-angat siya ng tingin at mapatingin sa gawi ko ay malawak siyang ngumiti at parang kinikilig bago nginuso ang harapan nito kaya napatingin ako doon sa isinenyas niya at nanguno't ang aking noo ng makitang lalaki iyon, nakatalikod sa'kin kaya hindi ko makita ang mukha.
Teka, San si Mrs. Ramos? Don't tell me, umalis na ito? Shit, no.
Kahit naguguluhan ay lumapit pa rin ako sa kanila. Wagas rin ang ngiti ni Moira, ba'ka gwapo ito kaya para na siyang maiihi sa sobrang kilig.
"Ma'am."masayang bati ni Moira sa'kin kaya nginitian ko siya bago tumingin sa lalaki pero mabilis na napaawang ang aking labi ng makilala ito.
Shit, ba't siya nandito?
He looked up then our our eyes met.
"Sit, Ms. Regalim."seryosong utos nito kaya naitikom ko ang aking bibig at aligagang sumunod sa utos niya, umupo ako sa katabi ni Moira.
"Ma'am, ang gwapo niya."kinikilig na bulong ni Moira sa'kin kaya mahina ko siyang siniko.
Tumikhim ako at seryosong tumingin kay Ethos."What are you doing here, Mr. Smith?"magalang na tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...