Medyo late akong nagising dahil sa kaiiyak kagabi. Bumuntong hininga ako bago kinuha ang aking cellphone sa bedside table at inopen. Tumambad sa'kin ang maraming text at missed calls ni Ethos pero hindi ko na lang 'yun binuksan pa dahil masasaktan lang ako.Bzztt...Bzttt..
Natigilan ako nang biglang tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Nichole sa screen.
Shit!
Huminga ako nang malalim sa'ka ito sinagot.
"Hoy, kahapon pa kita tinatawagan at tinext pero hindi ka sumagot, san ka ba nagpunta kahapon? Ayos ka lang ba?"sunod sunod na tanong niya sa kabilang linya.
Huminga ako nang malalim."Kasama ko si Ethos kahapon, at p----"napangiwi ako nang bigla siyang tumili, 'yung malakas.
"Oh, my, god. Talaga? Anong ginawa niyo?"kinikilig niyang tanong.
"Wala lang, gumala lang."walang ganang sagot ko.
"Hoy, ba't parang ang tamlay mo? Okay ka lang ba?"alalang tanong niya."Kung inaalala mo ang nangyari kahapon, wag ka nang mag-alala dahil inayos na ng boyfriend mo'ng demonyo ang nangyari kahapon."
Si Steve?
"Break na kami."wala sa sariling sambit ko.
"Huh?"gulat na tanong niya."So totoo 'yung balita na nakita mo siyang nambababae? Grabe, hayop talaga ang lalaking 'yun, mabuti naman at pumayag siya na makipaghiwalay sa'yo?"tanong niya.
Hindi ako umimik.
Ramdam niya sigurong ayokong pag-usapan ang bagay na 'yun kaya iniba niya na lamang ang usapan."Papasok ka ba ngayon?"tanong niya.
"Oo, papasok ako ngayon."sagot ko.
"Ay shit, nakalimutan ko inimove pala ni maam Juarez ang exam, ngayon daw."
Mahina akong napamura, shit! Ba't ngayon pa? Eh, hindi ako nakapagreview. Pano na 'to ngayon? Major subject pa naman namin 'yung hinahandle ni maam at alam kung hindi na magbibigay si ma'am ng special quiz kapag bumagsak ka or hindi ka makapag exam. Paniguradong drop out agad.
"Nakapag review ka ba?"nag-aalalang tanong niya sa'kin.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko."H..Hindi eh."mahinang sagot ko.
"Shit, pano na 'yan? Kung pwede lang kitang pakopyahin ay gagawin ko pero alam mo naman si ma'am diba?"problemadong saad niya.
"Okay lang Nichole. Chamba chamba na lang."pampalubag loob ko sa kanya.
Mahina siyang natawa."Sige na, magbihis ka na at pumunta ka na dito sa school para kahit papano ay makapag review ka, bilisan mo."utos niya kaya tumango bago nagpaalam at pinatay ang tawag.
Kaagad akong naligo at nagbihis ng uniporme, Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng kung ano ano sa mukha dahil sa sobrang nagmamadali ako.
Kaagad kung kinuha ang aking bag at cellphone sa'ka lumabas ng aking kwarto at bumaba. Naabutan ko si mama na tahimik na pinapakain si Kent.
Kahit nag-alangan ay lumapit pa 'rin ako sa kanila.
"Pasok na ko ma."mahinang paalam ko pero tinignan niya lang ako.
Masakit 'yun sa'kin pero wala na akong magagawa pa.
Nilapitan ko si Kent sa'ka nginitian.
"Ate, school ka na?"tanong niya. Ngumiti ako at tumango, niyakap ko sa'ka hinalikan sa ulo.
"Anong gusto mo'ng pasalubong?"nakangiting tanong ko.
Ngumiti siya at umiling."Wala ate."sagot niya.
"Hindi ka ba nagmamadali Syria?"malamig na tanong ni mama sa'kin kaya napayuko ako.
YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...