Chapter 30

185 6 0
                                    


Nandito kami ngayon sa shop nang mga bridal gowns. Sa susunod na araw na kasi ang kasal nina Nichole at Greg kaya ito ako ngayon at sinamahan siyang mamili ng gown. I'm her maid of honor kasi wala naman siyang kapatid at hindi siya masyadong close sa mga pinsan niya.

Nagtingin tingin ako sa mga gown, parehong magaganda ang mga ito pero wala pa akong natipuhan.

"I'll try this one."masayang anunsyo ni Nichole kaya napatingin ako sa kanya. She pointed a beautiful gown and I'm sure that it will looks good on her.

Tumango 'yung assistant at kinuha ang gown. I looked at her then smiled, she smiled back and motioned that she will fit the wedding gown in the fitting room so I nodded.

Natagalan sa loob si Nichole kaya naman ay nagtingin tingin muna ako then my gaze landed on the beautiful wedding gown kaya nilapitan ko ito at hinawakan, it's a simple yet so beautiful. It does suit my taste, very well.

V- neck shape na may mga beads na kumikinang at backless pa, it's really beautiful. Napangiti ako habang pinagmamasdan ito. Kailan kaya ako makakasuot nito?

"Ma'am, gusto niyo po bang isukat?"may lumapit sa'king isang assistant kaya napatingin ako sa kanya.

I shyly smiled before shooking my head."Hindi na miss, hindi naman ako ikakasal."Sabi ko.

"Pwede naman po 'yang isukat kahit hindi ikakasal. Try niyo na ma'am."pagpupumilit niya sa'kin kaya wala akong nagawa kundi isukat ito sa fitting room.

Napatitig ako sa full length mirror habang pinagmamasdan ang aking kabuuan. I was smiling widely cause it really fits me perfectly, parang ginawa talaga para sa akin.

Napatingin ako sa pinto nang fitting room nang may kumatok doon.

"Ma'am, tapos na po ba kayo?"tanong 'nung assistant.

"Ah, Oo. Teka lang."sagot ko at muling sinulyapan ang aking sarili sa salamin. Hoping that one day I could wear it on my wedding day.

Huminga ako nang malalim bago hinawakan ang pinto ng fitting room at pinihit iyon pabukas at lumabas, bumungad sa'kin ang nakangiting assistant kaya nginitian ko ito pabalik.

"Ma'am, bagay na bagay po sa inyo."puri niya na ikinapula ng aking pisngi at nahihiyang ngumiti.

"Sy."nakangiting napabaling ako kay Nichole ng tawagin niya ako pero agad na napalis ang aking ngiti ng makita si Ethos na prenteng nakaupo sa sofa at  ngayo'y titig na titig sa'kin.

Bigla akong tinamaan nang hiya dahil nakita niya pa'ng nagsusukat ako ng ganito, ba'ka isipin pa niyang nagpaparinig ako at ba'ka isipin niya rin na ambisyosa ako.

Shit!

May humawak sa braso ko kaya napatingin ako dito, si Nichole pala. Malawak ang kanyang ngiti at hinila ako papalapit sa pwesto nina Greg at Ethos. Napayuko ako sa hiya nang huminto kami sa harapan nila.

"Bagay ba sa'min?"masayang tanong ni Nichole sa kanila.

"Yeah, it does suit perfectly."masayang tugon ni Greg kaya tumili si Nichole sa sobrang kilig.

"Ethos, Anong masasabi mo sa gown ni Syria? Maganda ba?"ngisi niya na tanong niya kay Ethos dahilan para sikohin ko siya ng mahina pero nginisihan niya lang ako.

Tumikhim si Ethos kaya nahihiyang napatingin ako sa kanya. Hindi na ito nakatingin sa'kin.

"It looks good on her."aniya na ikinatuwa ng aking puso. Kinikilig na tumili si Nichole.

"Pwede na ba'ng gawing bride?"muli pa'ng tanong niya kay Ethos dahilan para bumalik ang tingin nito sa akin.

Kumabog nang malakas ang aking puso nang magtama ang aming paningin.

The Greek has Fallen(Greek Series #1)Where stories live. Discover now