CHAPTER 1: Hindi Kita Kaibigan!

7.4K 114 9
                                    

"Ivory! Pwede bang ikaw muna ang magwalis doon sa itaas? Pupunta kasi ako ngayon sa palengke para bumili ng pagkain para sa paparating na senorito." Utos ni manang
belen sa kanya, ang mayodorma sa mansion na pinagtratrabahoan niya.

"Sige po manang ako na po ang bahala doon! Tatapusin ko lang po muna ang paghugas ko rito." Nakangiting sagot niya.

Halos labing dalawang taon na siyang nagtratrabaho sa mansyon ng mga Demetri. Yung nanay niya kasi ay matagal nang naninilbihan sa mansyon kaya nakapasok din siya bilang katulong. Mabait naman sa kanila ang Don at Donya na ang may-ari ng mansyon kaya walang naging problema. Sa totoo pa nga'y pinapaaral pa nga siya at tinuring na parang anak. Mayaman kasi ang mga ito pero minsan lang umuwi, isang beses lang sa isang buwan.

Nang matapos si Ivory sa kanyang paghuhugas ay pumunta agad siya sa itaas para gawin ang ipinagbilin ni manang belen na pagwawalis. Kumuha siya ng walis at dustpan bago nagsimulang maglinis doon na sinimulan niya sa study room.

Habang naglilinis siya ay nakita niya ang malaking picture ng amo niya sa kanang bahagi ng study room na may preskong bulaklak na nakalagay doon sa table- isang mabangong rosas na pinitas kanina sa baba.

Sa litratong iyon ay kita niya ang masayang mukha ng mag asawang don at donya hawak ang nakasimangot na mukha ng nag-iisang anak nilang lalaki na parang ayaw nitong makuhanan ng litrato kasama ang mga magulang. Kung ang mag asawa ay umuwi dito isang beses sa isang buwan ang señorito naman na anak nila ay sampung taon na ang nakalipas simula nang umuwi ito. Kaya ganun nalang din ang paglilinis sa mansyon ngayon dahil dadating ngayong gabi ang señorito. Meron din kasing iba pang mga mansyon ang amo nila sa manila kaya siguro hindi parating umuwi ang mga ito. Tinuring lang na bakasyonan ang mansyon na pinagtratrabahuan niya.

Nang matapos si Ivory magwalis sa itaas ay napagdesisyonan niyang bumaba para humanap na ng ibang gawain. Labing lima kasi silang kasambahay dito sa mansyon kasama na doon si manang belen at ang nanay niya.

Nang makababa naman siya ay nakita niya ang kaniyang ina na nag-aayos sa mga kurtina doon malapit sa hapag-kainan. Kaya agad siyang lumapit dito.

"Nay! Ako na po dito, magpahinga nalang po kayo. Kaya ko na po ito." Magalang na sabi niya.

"Wag na Ivory! Tulungan mo nalang ako dito para mabilis natin 'tong matapos." Sagot naman ng ina niya. Mabilis niyang hinawakan ang puting tela ng kurtina at tinulungan ito sa ginagawa.

"Kumusta pala ang pag aaral mo anak? Baka ipatawag na naman ulit ako ng mga guro mo dahil sa magandang performance mo sa school mo." Medyo natatawa na may halong pagmamalaking sabi ng nanay niya.

"Ganun parin naman po nay, wala naman akong naibagsak na subject nasa line of nine parin naman po lahat ng mga grades ko"

"Ikaw talagang bata ka, Saan kaba nagmana? ha! Di naman ako at ang tatay mo matatalino."

"Baka sagutin kita diyan nay, alam ko ano sagot niyan." Natatawang sabi niya.

Saan ba naman siya magmana? Kundi sa mga magulang lang naman niya. Pinalaki ba naman siya ng mga ito ng maayos. Na-miss niya tuloy ang tatay niyang nandoon sa kabilang bayan. Stay in kasi sila sa mansyon kaya naman ay binibisita lang nila ito pag day off o walang trabaho sa mansyon.

"Wag na nak, alam ko na ang sagot niyan." Sagot din naman nito na ikinatawa niya.

Patuloy lang sila sa pag uusap hanggang sa di' nalang namalayang natapos na ang pag aayos ng kurtina malapit sa hapag kainan. Yun din kasi ang isa sa mga sikreto nila sa gawain dito sa mansyon para hindi namamalayan ang pagtakbo ng oras at di sila madaling mapagod ay dinadaan lang nila sa usap-usap at tawanan.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon