CHAPTER 8: Wine Makes A Woman Become Sexy

3.7K 66 1
                                    

TAPOS na si nona ngayon sa pag aayos sa kanya at tapos narin niyang nasuot ang damit na ibinigay ni dark kanina. Kabisado na rin niya ang laman ng folder na ibinigay nito. Ang kulang nalang ay ang pagpunta doon sa party na sinabi ng lalaki.

"Sister Ivy! hindi ako makapaniwala sobrang ganda mo ngayon arghhhhh... Nakagawa na naman ako ng dyosa" Puri ni nona sa kanya.

Nakasuot na siya ngayon ng puting dress at medyo kinulot rin ang buhok niya na inilugay ni nona. Hindi niya alam kung ano na kaya ang itsura niya ngayon. Hindi kasi siya pinayagan ni nona na tumingin sa salamin para surprise daw.

"Salamat talaga nona, pero yung bayad ba nito nabayaran na ba ng lalaking kasama ko kanina?" Nahihiya niyang tanong rito. Wala pa naman siyang dalang pera at sa tingin niya pa ay yung pera niya ay mauubos rin pambayad lang sa salon na ito kung sakali man. Tumango naman ito sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag.

"Pwede bang makapagpicture kasama mo sister ivy?" Baka siguro ganito lang talaga, pinipicturan ng salon na ito pag katapos ayosan kasama sa umayos din nito.

Pero yung dalawang naunang natapos bakit hindi ito kinuhanan ng picture?

Kinuha ni nona ang cellphone nito sa bulsa nito.

Tinapat naman ni nona ang camera malapit sa gawi nilang dalawa. Nakaselfie ito "1..2..3..smile!" kaya medyo umismile siya.

Hindi siya sanay sa mga ganito kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin, nag smile lang siya. Clinick naman ni nona ang bilog na pula na nandoon sa cellphone nito

"Dyosa ka talaga sister ivy, tignan talaga natin ang kasama mong lalaki kanina kung hindi ito maglalaway pagmakita ka sa ganitong itsura hehe.." Sabi iyon ni nona saka pakita nito sa picture nilang dalawa sa kanya.

Unang nakita ni ivory sa picture ng cellphone nito ang nakangiting imahe ni nona katabi ang napakagandang babae. Na hindi na niya makilala ngayon. Siya ba talaga ito? Ibang ivory yata ang nakita niya..

"Teka lang nona! ako ba talaga to?" turo niya sa picture. Hindi talaga siya makapaniwala, Para siyang artista o di kaya model doon.

"Gaga ikaw yan! alangan namang multo ang katabi ko sa picture na yan" natatawa namang sabi ni nona sa kaniya.

Hindi parin siya makapaniwala sa naging itsura niya hanggang ngayon.

Ang ganda niya talaga! Paano kaya yun nangyari?

"Sige na sister ivy lumabas kana lalo na't kanina pa nakahintay ang itim na kotse diyan sa labas" Sabi naman ni nona.

"Sige nona, Maraming salamat talaga.." Sabi niya saka unti unti naring humakbang palabas. Nginitian naman siya ni nona.

"Welcome rin, Basta pag gusto mo pang magpaganda pumunta ka lang kay nona hehe.." Sagot naman nito habang may ngiti sa labi. Nginitian niya rin ito pabalik. Nagsimula narin siyang lumakad palabas sa salon ni nona.

Hindi narin naman siya nahirapan pang maglakad sa dress na suot niya ngayon dahil hanggang tuhod lang naman kasi ito. Sobrang puti nito kaya siguro pag may konting mantsa ito ay sobrang halata talaga.

Nang makalabas na siya ay napansin niya ring hapon na pala. Nakita niya naman doon sa hindi kalayuan ang isang itim na kotse. Unti unti naman niyang nilapitan ito.

Ngunit may konting parti parin talaga sa puso niya na sana si dark ang lalaking naroon sa loob. Pero nang makalapit na siya dito ay nakaramdam lang siya ng pagkadismaya. Iba ang lumabos doon, isang lalaki na nakasuot ng isang disenteng uniforme ng pangdriver.

Naramdaman niyang napatitig ito sa kanya "Kayo po ba ang girlfriend ni sir dark?" biglang tanong nito sa kanya. Nagulat siya sa naging tanong nito pero naalala rin ang pretend girlfriend kono sa lalaki.
Bahala na talaga!

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon