CHAPTER 25: Private Resort (Part 1)

2.8K 38 2
                                    

"Dark saan ba kasi tayo papunta?" naging tanong nalang niya ng mapansing nasa liblib na silang daan. Kanina lang ay pumasok sila sa may entrance na may nakasulat na Demetri's Property doon pero pagkatapos din non ay parang pumasok na sila sa liblib na lugar. Matagal na din silang nagbyahe. Mahigit isa at kalahating oras na rin kaya medyo may kadiliman na rin ang paligid.

"Dark tinatakot mo naman ako ui, Nakakatakot naman ang paligid na to"

"Papunta tayo sa private resort namin dito ivory. Wag kang mag alala may maraming tao naman rito. Sadyang ganito lang talaga ang lugar na ito"

"Private resort niyo?"

Tumingin ito sa kanya saka tumango "Yup!"

"Dagat pa ba tayo papunta dark baka naman gubat? Puro kakahuyan na kasi yung nadaanan natin. Baka mamaya may masamang binabalak ka pala.. Umamin ka nga?"

"May masamang balak nga akong gagawin sayo.. Titirahin kita doon ivory" ngumisi pa ito sa kanya kaya napatingin siya rito ng masama saka hinampas ito sa braso niya "Wag mo akong hampasin mahal ko baka mabangga tayo nagmamaneho pa naman ako. Mamaya muna ako hampasin pagkaabot natin don. Wag kang mag alala ikaw na naman ang mamanehoin ko" hindi niya rin talaga akalain na sa likod pala ng masungit na lalaki noon ay may pagkabastos rin pala ito.

"Dark, Ang bastos mo! Itigil mo nga yang sasakyan rito dahil bababa ako"

"No! No! nagbibiro lang naman ako"

"Pwes hindi nakakatawa yang biro mo. Tumino ka nga diyan, tigil tigilan mo ako diyan sa mga kabastusan mo. Para malaman mo hindi ko pa nakalimutan yung nagawa mong pagtsansing sa akin"

"Nagbibiro lang talaga ako!" sabi pa nito saka ngumisi na naman. Pero iba ang ngisi nito para sa kanya. Para bang ngising manyak!

Nasaan na kaya ang masungit na amo nila?
Nasaan na ba yung striktong si dark? Yung palaging nakakunot na noo nito? Bakit biglang naging bastos ito?

"Dark! Wag mo nga akong ngisingisihan diyan, Nakakaasar ka talaga!"

"Pero pwede namang hindi na natin gawing biro yun. Totohanin nalang kaya natin? Ano sa tingin mo mahal ko?" tumingin na naman ito sa kanya saka nginisihan na naman siya nito ng nakakaloko.

"DARK!" medyo napalakas na ang boses niya.

"Sorry na baby, Hindi na ako magbibiro pa" sabi nito saka hinawakan nito ang kamay niya gamit ang isang kamay nito.

"Wag mo nga akong hawakan dark! Nakakainis ka" Iniwas niya ang sarili sa kamay nito.

"Im sorry babe!" hinging paumanhin nito sa malambing na tono " Sige na nga hindi nalang kita titirahin. Puputukan nalang kita diretso haha.. Hows that?"

"DARK! pag di ka pa talaga tumigil---"

"Sorry na hindi na talaga mauulit I promise!"

"Magpokus ka nalang kasi diyan sa daan wag ka na ngang magsasalita ng kung ano ano diyan. Konti nalang talaga masasabi ko nang hindi ikaw si dark. Nagtataka na talaga ako diyan sa ugali mo baka mamaya ibang tao ka pala"

Biglang hininto ni dark ang kotse kaya napatingin siya sa paligid. Napatigil siya!

Wow! Ang ganda ng paligid. May malaking bahay sa tabing dagat saka yung dagat rin, ang ganda lalo na rin dahil sa sinag sa buwan. Ang puti ng buhagin at saka ang linis ng paligid.

"Wow! ang ganda naman dito" naging usal niya nalang. Hindi niya kasi iyon napansin kanina dahil sa kabastusan ni dark.

"Were here!" sabi naman ni dark saka nauna itong lumabas sa kotse niya. Siya naman ay tinanggal ang suot niyang seatbelt at akmang bubuksan niya na rin ang pinto malapit sa kanya ng biglang bumukas iyon. Pinagbuksan pala siya ng pinto ni dark!

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon