CHAPTER 20: Gusto Kitang Maging Girlfriend!

2.7K 52 6
                                    



"Nasaan na ba yung letseng samuel na yun ciara ha!" medyo galit na rin ang tono niya. Naiinis siya masiyado sa samuel na yun. Babaero na nga manloloko pa talaga.

"Umaalis na ang gagong yun dito sa mansyon ivory kanina pa lang.." sagot naman ni ciara sa kanya.

"Gago talaga yun! kakarmahin sana yung lalaking yun!" naibulalas nalang niyang salita. Dahil narin iyon sa inis niyang nararamdaman para rito.

"Ivory, paano kung magbunga ang ginawa namin? Paano na ito?" Tanong nito sa kanya. Nag umpisa na naman itong humikbi ulit.

"Shhhhh... Kung mangyari man yan ciara nandito lang ako sa tabi mo para tulungan ka asahan mo yan.. Shhhh tahan na.. " Pagpatahan niya muli kay ciara.

"Mamamatay sana yung lalaking yun! Nakakainis talaga siya letse siya!" Hinayaan niya lang ang kaibigan sa mga sinasalita dahil alam niyang nilalabas lang nito ang galit nitong nararamdaman. Nilalabas lang nito ang sakit na nararamdaman niya.

*******

Nakatayo siya ngayon sa harap ng kwarto ni dark na ang dahilan kung bakit naloko si ciara sa kaibigan niya. Pababalikin niya ang lalaking yun nang sa ganun ay masapak niya yun. Walang hiya siya, ang kaibigan pa talaga niya ang napagtripan sa mga panloloko nito.

Si ciara ngayon ay natutulog na doon sa silid nila. Wala silang kahit sinong pinagsabihan sa nangyari. Isinekreto lang nila ito gaya ng sabi ni ciara sa kanya.

Ngayon ay palihim niyang pinuntahan si dark sa kwarto nito. Para kumbinsihin ito na pabalikin ang manlolokong lalaki na yun.

Kinatok niya ang pinto ng malakas. Wala siyang pakialam kahit na sobrang gabi na ngayon at natutulog pa ang lalaki. Ang kailangan niya ngayon ay ang pabalikin ang lalaking yun, Ang walang hiyang samuel na yun!

Kinatok niya muli ang pinto nito sa pangalawang beses. Sa pangalawang beses ding iyon ay may narinig na siyang pagpihit ng siradura sa loob. Lumabas ang lalaki at kita niya sa mukha nito ang pagtataka. Nakasimpleng asul na t-shirt lang ito at saka short pero ang gwapo pa rin nito. Hindi pa din naman mukhang kakagising lang ang lalaki marahi'l hindi pa siguro ito tulog.

"What is that f*cking noise----" tila ba nagulat ito ng makita siya "Ivory what are you doing here?"

"Sabihin mo sa kaibigan mong manloloko na bumalik siya rito dahil sasapakin ko pa siya!" galit niyang sabi rito.

"What do you mean?"

"Ang ibig kong sabihin? Pabalikin mo rito yung manloloko mong kaibigan dahil niloko niya yung kaibigan ko..Sasapakin ko pa siya!.. " Sabi niya rito. Pero naasar nalang siya ng makitang medyo nakitaan niya ng munting pagtawa sa mukha nito.

Nakalimutan na niya na namura niya pala ito noong mga nakaraang araw dahil doon sa nangyari kay ciara. Pero wala na talaga siyang paki alam doon ang gusto niya nalang ngayon ay pabalikin ang samuel na yun para siya na ang manapak rito para kay ciara.

"Sa liit mong yan sasapakin mo siya nagbibiro kaba ivory!.." Tila pinipigilan pa nitong matawa. Ito ang kauna unahang beses na nakita niyang nagpipigil ng tawa ang lalaki.

"Wala na akong paki alam doon basta pabalikin mo siya..." Dahil sa galit niya ay siya na mismo ang nang uutos sa amo niya. Kahit hindi naman iyon ang nararapat "At saka ikaw... isa ka rin sa dahilan kung bakit nasaktan ng ganun si ciara. Bakit mo ba naman kasi dinala ang walang hiyang lalaking yun dito? Isa ka rin talaga nakakainis ka!"

"What the heck ivory!" Naging sabi nalang nito.

"Ikaw talaga ang pinakamay kasalan dito. Ginagalit mo na talaga ako ng masyado nakakainis at nakakaasar ka na talaga! Sasapakin na rin kita! Kahit amo kita!" Kinuyom niya ang kanyang kamao at nilapitan ito. Pinaghampas hampas niya ang dibdib nito na siya ring namang pagsalag ni dark.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon