CHAPTER 2: SeatBelt

5.2K 103 5
                                    

Walang tulog si Ivory matapos ang pangyayaring iyon.

Ano nalang ang mukhang ihaharap sa amo niya gayong galit ito sa kaniya?

Paano niya ito haharapin?

Sobrang assuming naman kasi ang pag-aakala niyang naging magkaibigan sila noong mga bata pa sila kahit na tinanggi na nito noon. Aaminin niya, nasaktan talaga siya nang sinabi nitong hindi raw sila naging kaibigan, pero wala naman siyang magagawa don' kung ganoon talaga ang tingin ng binata.

Ang sungit talaga ng señorito ay hindi pala! Napakasungit pala ang tamang salita!

Alas singko pa ng umaga ay naghuhugas na ng mga pinggan si ivory at pagkatapos non ay sinunod niyang linisin ang malaking kusina sa mansyon. Lunes kasi ngayon kaya kailangan niyang magtrabaho ng maaga dahil papasok pa siya sa paaralan pagdating ng alas otso.

"Ivory! Parang malaki eyebags natin ah!" Si ciara na gaya niya ay gumising din ng maaga dahil papasok din sa paaralan.

"Wala lang to' ciara di kasi ako makatulog kagabi sa hindi ko malaman kung anong dahilan." Rason niya naman rito.

Pinili nalang niyang hindi sabihin ang nangyari kagabi para hindi ito mag usisa pa. Alam niya kasi ang takbo ng utak ng kaibigan hindi siya nito titigilan pag hindi ito nakwentohan.

"Kahit may eyebags ka ang ganda mo pa rin talaga. Alam mo, pag siguro nabihisan ka ng maayos, walang panama talaga sayo ang mga sikat na artista at mga model sa tv." Puri nito habang nakatingin sa kanya.

Tinignan niya naman ang suot na uniformeng pang maid, wala namang mali rito! Maayos naman ang damit at mas komportable pa nga siya sa mga damit na kagaya lang nito kaysa sa mga damit na kulang sa tela at halos lumuluwa na ang mga kaluluwa.

"Wag mo nga akong bolahin ciara."
Walang gana niyang sabi at binaling ang atensiyon sa pagtrapo sa lamesa kahit wala namang masyadong dumi doon. "Edi sana artista na ako ngayon.. Hmm?"

"Honestly speaking talaga noh! Pag itry mong mag apply ng mga model agency sigurado talaga akong tanggap ka kaagad" tinignan siya nito. "Lahat talaga ng mga katangian sa mga model na nakikita ko, nakikita ko rin sayo. Baka pa nga mas lamang ka pa."

"Baka maging possible yang mga pinagsasabi mo haha mahirap na" natatawang sagot niya.

Palagi nadin kasing sinasabi ng kaibigan na maganda raw siya at mga blah blah blah pero hindi naman niya iyon pinaniniwalaan, nasanay narin kasi siya.

"Hindi natin alam ang takbo ng panahon Ivory baka pa nga mas higit pa ang maabot mo" sabi nito habang binaling na din ang atensiyon sa pagwawalis sa sahig.

"Oo na! Sige na! Haha bilisan na natin to' para di tayo malate mamaya hehe" sabi niya naman rito 'tsaka pinukos muli ang atensyon sa ginagawa. Ngunit hindi parin tumitigil ang kaibigan sa panunuyo sa kanya, kaya naman Tinatanguan at sinakay sakayan niya nalang ang mga pinagsasabi nito.

Nang dumating ng alas siete sa umaga ay pumunta na siya doon sa maids quarter para magbihis ng damit para pumunta sa paaralan. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para pumili ng mga magagarang damit, nagsuot lang siya ng isang kulay rosas na t-shirt 'tsaka pinarisan ito ng asul na maong. Wala naman din kasing uniform sa pinasukan niya, kaya malaya ka lang pumili kung ano ang isusuot mo.

Kumuha siya ng isang daan sa bag niya para sa baon sana niya pero ibinalik niya lang din ang singkwenta nang maisip ang ipon niyang ilang araw ng hindi nalagyan. Nag iipon kasi siya ng pera para pag-ibigay niya sa nanay niya ay medyo malaki laki din ang magiging kantidad nito.

Sa ngayon ay third year college na siya sa kursong business marketing. Sa totoo lang, hindi naman talaga ito ang kursong gusto niya sadyang ito lang ang pinaaral sa kanya ng don at donya sa ka dahilanang pag nakagraduate na daw siya ay doon siya papatrabahoin sa kompanya ng mga ito. Sino ba naman siya para tumanggi sa magandang offer na yon'? 'Tsaka magandang oppurtunidad na yon'. Pero kung siya lang talaga ang papipiliin at kung may sapat lang din sana siyang pera para tustusan ang sariling pag-aaral ay pipiliin niya ang pagiging fashion designer. Kaso lang magasto yon' at sa lugar din nila dito walang paaralan na may course na ganun.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon