CHAPTER 21: Awaited Answer

2.7K 44 0
                                    

Parang tumigil ang mundo ni ivory nung marinig niya ang sinabing iyon ni dark. Feeling niya ay malapit na siyang mawalan ng hininga at kakailanganin na niya ang oxygen ngayon sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala!

"Dark baka nagbibiro kalang-------"

"I'm deadly serious in here ivory... " pagpuputol ni dark sa kanya.

"Maid mo lang ako dar----- "

"That bullsh*t ivory, Ano naman ngayon kung maid ka rito sa mansyon namin? I like you and that's all that matters. I will not accept any rejection from you so thats why whether you like or not be my girlfriend.. " Hindi niya maisip na maging kasintahan si dark. Ano nalang ang sabihin ng mga tao sa kanya? ng don at donya? sa mga kasamahan niyang kasambahay? at sa nanay niya?

"Dark ano nalang ang sabihin ng mga kasamahan ko kung sakaling sagutin man kita. Maging paksa tayo ng usap usapan rito. Ayaw ko non.. " Naging sagot niya naman rito.

"I don't care what other people will say about me or about us ivory. Wala silang pakialam sa buhay natin. Ikaw ang may ari ng buhay mo at ikaw ang nagkokontrol non" may point ito at tama nga ang sinabi nito "So what's your answer ivory?..."

Hindi niya pa alam ano ang isasagot rito. Blanko parin ang utak niya ngayon "Hindi ko alam ano ang isasagot ko sa tanong mo dark.. "

Kita niyang huminga ng malalim si dark "Why? Are you going to reject my feelings again?" Agad naman siyang umiling sa naging tanong nito sa kanya "I will repeat it again ivory, I will not accept any rejection this time.. Whether you answered yes or no magiging tayo parin sa ayaw at sa gusto mo. But I still want and hoping to hear you say yes ivory.. "

Naguguluhan na talaga siya. Bago palang ito sa kanya dahil hindi pa siya naligawan noon. Si jerson palang at si dark ang nagtapat ng nararamdaman nila sa kanya. Kaya hindi niya alam ano ang gagawin o ano ang isasagot rito.

"Dark.... Hindi ko parin talaga alam. Natatakot at naguguluhan pa rin ako"

"Once I became your boyfriend ivory, I promise to do my best to be faithful and loyal to you. I will do my best to be the best man that you could ask for.. " Hinawakan nito ang kamay niya. Para naman siyang nabigla non dahil parang may kuryenteng dumaloy noon sa kamay niya.

"Dark.. " yun lang ang tanging nasagot niya.

"Okay fine.. I will give you one day to think for your answer. At exactly ten in the evening tomorrow I will be asking your answer again. Pag isipan mong mabuti ivory.. " medyo nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ni dark. Mapag isipan niya pa ang tanong nito. Mapag isipan niya pa ang isasagot niya.

"Sige dark, hindi ko pa rin kasi talaga alam ano ang isasagot sa tanong mo ngayon.. pag iisipan ko muna" sabi niya rito.

"Sabihin mo nalang kasing oo para matapos na at maging tayo na tsss..." tila iritado pa nitong sabi.

"Basta yun na yun dark pag iisipan ko muna!"

"Okay fine kahit hindi na naman talaga yun kailangan kasi your answer won't matter pa rin naman tss.. " Iritado na naman nitong sabi. Tinatanong niya pa ba ako kung ganun?

Ang gulo rin ni dark!

"Dark aalis na ako! pasensya kana sa paghahampas ko kanina.. Nadala lang talaga ako sa galit nung makitang nagkaganun si ciara... " Sabi niya rito saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama nito.

"Wait!.." Napatigil siya sa kanyang kinatatayuan at nagtatakang lumingon rito "Let's continue first what we have been doing a while ago babe... Bumalik ka muna rito!.. " Pinulahan na naman siya ng maala muli ang ginawa nila kanina lang. Nakakahiya yun pero hindi niya maitatangging ginusto rin din naman niya.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon