ISANG buwan na rin ang nakalipas magmula ng sinagot niya si dark. Ang bilis rin ng araw na hindi nalang nila namalayan na naka first monthsary na sila noong mga nakaraang araw. Sa first monthsary nila ay binigyan siya ni dark ng cellphone at saka kwentas. Ayaw niya sana itong tanggapin pero hindi ito pumayag kaya wala na siyang nagawa. Syempre sa una ay nagtaka ang mga kasamahan niya kung bakit siya binigyan ng ganun sa sariling amo nila pero ang sinagot lang niya ay dahil sa mga pagsama niya iyon kay dark. Nabigyan parin naman ng solusyon ang bagay na yun ng hindi nahahalata ang relasyon nilang dalawa.Hanggang ngayon ay wala paring alam ang mga kasamahan ni ivory. Dahil pinipilit niya iyong itagong sekreto. Palihim lang silang nagkikita at nag uusap sa mansyon. Yung nangyari din sa private resort nila dark noong isang buwan ay ilang beses na rin iyong naulit. Dahil sa relasyon nila ay nakalimutan na niyang babae pa rin siya at maaring mabuntis. Ang tanging alam lang niya ay masaya siya sa pangyayari at hindi na iniisip ang maaring kinahinatnan.
"Ivory, tulala ka na naman diyan? ano bang nangyayari sayo bakit hindi pa nadadapuan ng kutsara yang pagkain mo?" tanong ni ciara. Kumakain sila ngayon dito sa kusina at yung ibang kasamahan din nila ay napatingin din sa kanya dahil sa sinabing iyon ni ciara.
Sabay sabay kasi silang mga katulong sa mansyon na kumakain sa lamesa.
"Hindi mo ba gusto ang pagkain anak?" tanong ng nanay naman niya. Pinagitnaan kasi siya ni ciara at ng nanay niya sa upuan dito sa lamesa.
"Wala naman po nay kakain na po ako" napatingin siya sa ulam nila ngayon. Adobong manok at saka humba pala. Paborito pa naman niya ang dalawang ulam na ito. Akmang kukuha na sana siya ng humba at isusubo na sana iyon ng nakaramdam niyang parang hinalukay ang tiyan niya. Kaya dali dali siyang tumakbo doon sa lababo saka dali daling sumuka.
Ang baho naman ng ulam na yun? Panis ba yun? Pero wala namang naging reklamo ang mga kasamahan niya kanina habang kumakain ang mga ito.
Nakaagaw naman siya ng atensyon sa mga kasamahan niya. Mabilis namang lumapit ang nanay niya sa kaniya saka hinagod ang kanyang likod.
"Okay ka lang ba anak?" nag alalang tanong nito sa kanya.
"Okay lang po ako nay wag na po kayong mag alala sa akin. Hindi ko lang po talaga gusto ang baho ng ulam natin"
"Huh? ok lang naman yun ah, masarap pa nga at sobrang mabango"
"Hindi ko po alam nay pero hindi ko po talaga gusto ang baho non.." matapat namang sagot niya. Yun din naman talaga ang naamoy niya kaya yun din ang sinabi niya.
"Haha.. kung hindi ko lang talaga kilala yang si ivory. Aakalain ko talagang buntis siya haha" sabi naman iyon ni ciara sa lamesa saka tumawa ng malakas. Yung mukha naman niya ay unti unting naging hilaw.
Paano nga kung totoo yun? Hindi niya talaga alam ang gagawin kung sakaling yan nga ang mangyayari. Pero possible rin yun ilang beses nang may nangyari sa kanila ni dark kaya malaki din ang chansa na buntis siya. Pero paano na kaya?..
"Paano naman iyon mangyayari ciara haha? Sino namang gagalaw dito sa anak ko? eh.. hindi pa nga yan nagkakaboyfriend haha" nakikisabat rin ang nanay niya sa tawa ni ciara.
"Baka palahim na naglalandi yang anak niyo manang creza? malay natin!" naging tahimik ang tawanan nang marinig ang sinabing iyon ni fiona.
"Ui.. ano ka ba diyan fiona? hindi ganyang babae si ivory. Mabait na bata yan saka nasisigurado kung uunahin niya pa ang pag aaral niya bago ang mga iyan" sabi naman ni manang belen mula sa lamesa.
"Baka lang naman! marami kasi sa mga klasmeyt ko na akala ko mabait at matahimik pero yun pala sila yung nauunang nabubuntis. Palibhasa kasi walang mga experience pagdating sa mga tukso ayan tuloy madali lang mabiktima" hindi niya alam kung nag aasar ba si fiona sa kanya o hindi pero iba ang tama ng mga salitang binibitawan nito sa kanya. Pero sa kabaling banda, maaring tama nga ito. Nakikipagrelasyon siya sa mismong amo nila ng patago. Hindi man siya matatawag na direktang malandi pero parang ganun na rin yun.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomansaSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...