(SPG)
"Dark! Ano ba yang ginagawa mo? Walang burlesque show dito!"
Nandito na sila sa loob ng kwarto ni dark dito sa mansyon na ito. Malaki din naman ang kwarto niya rito pero mas malaki at maganda parin ang kwarto nito sa mansyon na pinagtratrabahuan niya. Ngayon ay walang saplot pang itaas ang lalaki. Dahilan para kitang kita niya ang magandang hulma ng katawan nito.
"Dark! Magbihis ka nga!"
"Hindi ko pa nga nahubad jeans ko pabibihisin mo na ako" saka hinawakan nito ang zipper ng jeans niya saka binuksan iyon.
"Dark! Hui ano ba yang ginagawa mo? itigil mo nga yan! Mahiya ka naman diyan FYI babae tong kaharap mo.. Kaya umayos ka diyan!" pinandelatan niya ito.
"Babae ka nga! pero girlfriend din naman kita.. "akmang ibaba na nito ang jeans niya ng pinigilan niya ito.
"DARK! Nakakainis ka talaga! Itigil mo yang ginagawa mo!" malakas niyang saway rito.
"Kung naiingit ka babe, maghubad ka rin!... Do you want me to undress you?"
"Tumahimik ka nga diyan!" sabi niya iyon habang humahakbang at kinuha ang damit niya saka tinungo ang CR at padabog na pumasok roon.
Ang bastos niya talaga!
Napabuntong hininga nalang talaga siya bago napagdesisyonang magbihis. Maganda ang damit na inihanda nila sa kanya. Simple lang at saka komportable din. Half shoulder dress siya na kulay dilaw.
Nang makontento na siya sa kanyang ayos ay agad din naman siyang lumabas doon sa CR. Bumungad na naman sa kanya ang napakagwapong bagong bihis lang na si dark na nakasuot din ng puting t-shirt at saka pinaresan ng short.
"The dress look good on you baby.." sabi nito habang nakatitig sa kanya.
"Ikaw rin ang gwapo mo rin sa suot mo dark"
"I know, Lets go bababa na tayo maghahaponan na tayo baby" sabi nito habang humakbang palapit sa kanya saka hinawakan ang kamay niya.
NANDITO na sila ngayon sa lamesa. Maraming mga nakahandang pagkain na tela ba fiesta. Kaharap niya rin si dark na nakaupo sa malaking lamesa na ito.
Gaya sa mansyon na pinagtratrabahuan niya may limang maid na nakatayo sa likod nila. At ang masama pa ay sa likod niya pa talaga. Nahihiya talaga siya sa sarili, Trabaho niya rin sana ang mga bagay na ito pero andito lang siya at namumuhay ala señorita.
Pag maging magkatuluyan ba sila ni dark ay magiging ganito ba ang kahihinatnan niya?
Posible ang bagay na iyon. Pero kung mangyayari man yun, magbabago ang takbo ng buhay niya. Hindi na siya maging dating katulong na ivory. Sa totoo lang, hindi niya sinagot si dark dahil dun. Sinagot niya ito dahil iyon ang gusto niya at wala nang iba. Wala siyang ibang masamang intensyon para rito.
"Why didn't you touched your food babe?.." baling ni dark sa kanya. Napansin din pala nito ang pagkatigil niya.
"May problema po ba sa pagkain señorita?" sabay lapit naman noong mayodorma nila.
"Wa--la po ok naman po yung pagkain.." sagot naman niya saka nag umpisa nang kumain. Masarap ang pagkain pero hindi lang talaga siya komportable dahil hindi ganito ang buhay niya. Hindi siya dapat pinagsisilbihan dahil nagsisilbi rin sana dapat siya sa amo niya.
Laking pinagpasalamat nalang talaga niya nang matapos na silang kumain. Akmang kukunin niya na rin sana ang plato para ligpitin sana ito ng pinigilan siya ng mayodorma dito.
"Kami na pong bahala diyan señorita" mabilis naman nitong sabi.
"Ahh si--ge po sa--lamat" naging sagot nalang niya sa nauutal na tono. Hindi talaga siya komportableng siya ang pinagsisilbihan.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...