Mabilis siyang umalis mula sa pagkaupo sa kandungan ni dark. Uminit din ang kanyang mukha na sa tingin niya ay pulang pula na talaga siya. Pangalawang beses nang nangyari yun. Ang masama pa ay sa pangalawa ay mas grabe pa ang nangyari. Paano nalang kaya pag may pangatlo pa baka mas malala pa yun. Napailing naman siya sa sarili. Hindi! hindi! na iyon mangyayari pang muli. Hindi niya na talaga hahayaan ang sarili na magpadala sa halik ni dark.
Tahimik nalang siya ngayon habang nakaupo sa upuan sa kotse ni dark. Grabe ang hiyang nararamdaman niya ngayon. Nasaksihan pa talaga iyon ng pinsan ni dark.
Lumapit na naman ulit ang mukha ni dark sa kanya kaya labis na naman muli ang pagtataka niya para rito. Wag na sana nitong ulitin ang pangyayaring iyon. Yung malapit na mukha nito ulit ay mas nilapit pa kaya nakaramdam na naman ulit siya ng kaba sa dibdib. Wag naman sanang ulitin nito!
Naramdaman na naman niyang may anong kinuha ito sa upuan niya. Ang seatbelt pala niya! Nakalimutan na naman niya iyon. Bwesitt talaga ang seatbelt palagi nalang talaga pasakit nito sa kanya. Naramdaman niya ang pagsuot nito sa kaniya at hinayaan din naman niya ang lalaki sa ginagawa nito.
Halos makahinga siya ng maluwag ng matapos ito sa pagsuot ng seatbelt sa niya. Ilang beses naba niyang pinapaala sa sarili na sa tuwing sasakay siya sa kotse ng lalaki ay hindi niya kakalimutan ang pagseseatbelt. Ano ba naman kasi itong si dark? okay lang naman diba sigurong palalagpasin lang nito ang hindi pagseatbelt sa sarili. Pwede lang din naman siyang humawak lang sa kung saan saan.
Nagsimula na itong magpaandar at pinagdasal niya talagang sana ay makauwi na sila sa mansyon. Para sa kaniya ang tagal ng byahe nila. Tahimik sa loob ng kotse nito kahit na may tatlong taong nasa loob non. Bakit ang bagal naman ng oras!
Parang narinig na rin ang dasal ni ivory nang sa wakas ay dumating na rin sila sa mansyon. Sa wakas makakaalis na rin siya rito. Hanggang sa ipinarada na nito ang kotse nito sa mansyon saka tinigil ang kotse.
Mabilis naman niyang tinanggal ang seatbelt na nakasuot sa kanya saka mabilis ding lumabas sa kotse nito. Ang mga pinamili nila doon sa palengke nandoon pa pala sa likod ng kotse nito at hindi niya alam paano buksan yun. Labis na talaga ang inis niyang nararamdaman para bang minamalas talaga siya. Nauudlot pa talaga ang pag alis niya dahil kailangan pa niyang hintayin ang mga itong lumabas at kunin ang pinamili sa likod. Ang malas niya talaga!
Unang lumabas si jerson na may dalang gulay saka si dark. Kinuha naman ni dark ang pinamili doon sa likod ng sasakyan nito saka binitbit ito na para bang ang gaan lang nito.
"Ako na po niyan" alok niyang tulong sa lalaki pero hindi ito nakinig sa kanya at nauna pa itong lumakad papasok sa mansyon. Sumunod naman siya sa dalawa. Baka kung ano ang isipin ng mga kasamahan niyang kasambahay. Ayaw ba naman din kasi siyang pabitbitin ng dalawa.
Mabilis na lumakad ang dalawa kaya naman ay naiwan siya ng mga ito. Nandito palang siya sa bandang bakuran habang ang dalawa ay papasok na.
"Ang landi din no, yung amo pa talaga natin ang pinabitbit ng mga dala niya" rinig niyang salita ng pamilyar na boses. Napatingin naman siya sa mga gawi nito. Si fiona pala ito at si angelica na masama ang tingin sa kanya. Si angelica ang parating kasama nito.
"akala mo kung sinong mabait may tinatago rin palang kalandian haha" si angelica iyon at alam niya kung sino ang tinutukoy ng mga ito.
"Akala rin naman siguro niya tatalab din yang kalandian niya sa amo natin" si fiona ulit ang nagsalita. Nakaramdam siya ng sakit sa mga sinasabi nito. Wala naman siyang ginagawang masama sa dalawa bakit ba ito ganito sa kanya.
Hindi niya nalang pinansin ang mga sinasabi nito. Pinagpatuloy nalang niya ang hakbang papasok sa mansyon. Nang makapasok naman siya ay tinungo din naman niya ang kusina. Wala na doon ang dalawang lalaki pero nakalagay na pala ang mga dala nila dark at jerson doon sa kusina. Nandoon rin si ciara na siyang naglalagay ng mga iyon sa ref.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...