CHAPTER 23: After That Scene!

2.6K 39 1
                                    

(SPG)

Hapon na ngayon. Ang bilis talaga ng panahon. Gumagawa lang naman siya kanina ng konting mga gawain sa mansyon hindi nalang talaga niya namalayan ang oras. Ang bilis talaga nitong tumakbo.

Simula noong halikan kaninang umaga ay hindi na niya nakitang muli si dark. Marahil nagkukulong naman ito sa kwarto niya. Gusto niya sana itong puntahan pero nahihiya siya. Boyfriend na nga niya ito pero hindi parin talaga mawala ang hiyang nararamdaman niya para rito. Wala pa naman din kasing isang araw simula noong naging sila.

Aaminin niyang nagsisimula naring niyang magustuhan ang ideyang maging boyfriend ito.

Naglalakad siya ngayon sa ikalawang palapag ng mansyon para kunin yung pinalitang kurtina kanina. Naalala kasi niya na di niya pala iyon nadala sa baba kanina. Lalabhan pa naman sana iyon. Iba na kasi ang pumapasok sa isip niya hindi na iyong mga gawain sa mansyon.

Papalapit na sana siya doon sa pinagpalitan niya ng kurtina kanina ng biglang may humablot at humila sa kanya. Dahilan para halos mapatili siya kung hindi lang nito mabilis na natakpan ang bibig niya ay siguradong maglilikha sana ng malakas na ingay yun.

Dinala siya nito sa loob ng isa sa mga guest room dito sa mansyon. Basi sa lakas nito ay sigurado siyang lalaki ang may gawa non. Nakayakap ito sa likod niya habang tinatakpan ang bibig niya.

"Hmmmmp!" pilit niyang sigaw pero nakatakip ang kamay nito sa bibig kaya mahinang boses lang ang lumalabas.

Isinarado nito ang pinto sa guest room na pinagdalhan nito. Madilim pa talaga ang paligid dahil hindi nito binuksan ang ilaw sa loob. Hindi niya tuloy maaninag kung sino itong bigla bigla nalang nanghihila sa kanya. Unti unti na rin siyang kinabahan sa nangyayari. Baka kung sino na ito?

Sa wakas ay tinanggal nito ang kamay nito sa bibig niya. Mabilis naman siyang nagpumiglas sa hawak nito. Bakit ba ito bigla bigla nalang manghihila saka yumakap sa likod niya? Sino ba ito?

"Bitawan mo ako! Sino kaba?" halos mapatili niya nang sabi. Hindi niya naman kasi makita ang mukha nito dahil sirado ang bintana at pinto ng silid nito saka hindi pa nakabukas ang ilaw.

"Tss.... Why is it so hard to be with you ivory?" pamilyar na pamilyar ang boses nito.

Boses ito ni dark! Aba't ano ba itong ginagawa ng lalaking ito?

"Dark?" mabilis din namang pinailaw ng lalaki ang silid. Dahilan para tumambad na naman sa kanya ang napakagwapong mukha nito.

"Sino pa ba? Are you expecting someone else?"

Mabilis niya naman itong hinampas sa dibdib nito "Dark! Alam mo bang halos patayin muna ako sa kaba kanina? Bakit ka ba kasi bigla bigla nalang nanghihila?"

"Masama na bang gumawa ng paraan para makasama ang girlfriend niya? Sobrang abala ba naman kasi ng kasintahan niya. Nakalimutan na kasi niyang may aalagan pa siya at saka dapat bibigyan sana ng kalinga" halos mapatawa siya sa sinabi nito. But at the same time she found it sweet.

"Mas matanda ka pa sa akin ui! FYI lang din hindi ka na din bata. Kaya mo na yang sarili mo. Mahiya ka naman! Hindi mo na kailangan ang pag aalaga ko" napapansin niya narin talaga na nasasabi na niya ang gustong sasabihin sa lalaki hindi gaya noon na natatakot siya dahil baka magagalit ito. Dahil talaga sa relasyon nila may nagbago.

"A girlfriend needs to take care of her boyfriend ivory. You should give me your full attention kung pwede nga lang dito kalang sa tabi ko sa loob ng bente kwatro oras.... Baby kita kaya baby mo rin ako!" dark is really sweet at hindi niya talaga akalain na magiging ganito ang masungit niyang amo.

"Ewan ko sayo dark babalik na ako sa trabaho ko, baka mapapagalitan pa ako sa mga kasamahan ko dahil sa mga pinaggagawa mo,"

"No!" mabilis itong yumakap sa likod niya ng mahigpit "Iba na ang trabaho mo simula ngayon!"

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon