Napagdesisyonan niyang umuwi muna sa bahay nila at hindi muna pupunta roon sa mansyon. Saka nalang siya babalik pag siguradong nakaalis na si dark.
Kumatok siya sa bahay nila at makalipas rin naman ng ilang segundo ay bumukas din naman iyon. Ang lolo niya ang nagbukas sa kaniya.
Masaya siyang makitang nakakalakad na ito at hindi na nakahiga sa kama ng kwarto niya.
"Nandito ka pala apo!" sabi ng lolo niya. Ramdam niya ang saya nito ng makita siya.
"Ang tatay po lo?"
"Mamaya pa yung hapon uuwi apo... Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong nito.
Ngunit hindi niya na talaga mapipigilan ang sarili. Kailangan niya ng ilabas tong nararamdaman niya. Kailangan na itong isabog dahil ang bigat na nitong dalhin na habang tumatagal ay pasakit ng pasakit ang puso niya.
"Lo... " saka siya humagolgol at yinakap ito.
Ang lolo niya noong bata pa siya ay ito ang naging sandalan niya sa mga problema niya sa buhay. Lalong lalo na sa problema sa paaralan niya noon. Ayaw niya kasing dagdagan pa ang problema ng nanay at tatay niya kaya sa lolo niya isinusumbong ang lahat
"May problema ka ba apo? shhhh tahan na..." nagtatakang tanong nito sa kanya.
Sa panahon ngayon kailangan niya ng karamay at mapagsabihan. Hindi niya na ito kayang ipagsarili pa dahil ang sakit sakit talaga. Ngayon niya lang talaga ito nararamdaman, ang masaktan ng ganito.
"Lo.. bakit ganun?.. bakit kailangan pang mangyari to? " mas lumakas pa ang paghagolgol niya "Bakit kailangan niya pang umalis? Galit ba ang tadhana sa amin... O sadyang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.. "
"Anong ibig sabihin mo apo? Sino yang tinutukoy mo?.." naguguluhan nitong tanong sa kanya.
"Sa in--yo ko lang po ito sasabihin lo...." tumigil muna siya ng kunti "Nagkagusto ako sa isang lalaking mayaman lo.. "
"Ha? Alam mo naman dibang mahirap magkagusto sa mayaman? nasasaktan ka ba dahil hindi ka niya ginusto pabalik? ganun ba ang nangyari?"
"Hindi po ganun lo.. Nagkaroon po kami ng relasyon--- at saka inilihim ko rin po iyon kay inay. Alam ko pong mali yun.. pero kasi natatakot ako kung anong sasabihin ng mga kasamahan ko. Na baka sabihin nila na nilalandi namin ang sarili naming amo.. yung mga ganun ba lo, ayaw kung maging usap usapan sa mga ganung bagay.."
"Nakipagrelasyon ka sa amo ninyo? yun ba yung tinutukoy mong batang nagtapat sayo ng nararamdaman niya noon sayo?"
"Opo lo... Paalis na rin po siya ngayon sa ibang bansa lo.... " mas lumakas pa ang pag hagolgol at iyak niya "Hindi ko naman talaga akalain na mamahalin ko siya ng masyado lo... Bakit ganun lo? kung kailan masaya na kami.. bakit kailangan niya pang umalis?.."
"Shhh tahan na... " pagpatahan nito sa kanya habang hinahagod hagod ang likod niya.
"Sinabi niya rin sa akin na... sumama daw ako sa kanya... pero hindi iyon pwede.. may buhay rin ako rito sa pilipinas at saka ayaw ko rin po kayong iwan ng inay at itay. Kaya nakipaghiwalay nalang ako sa kanya, ayaw ko kasing maging hadlang sa pag alis niya" unti unti na siyang humiwalay sa lolo niya saka pinahiram ang mga mata gamit ang dalawang kamay niya.
"May ikwekwento ako sayo apo... pero bago ang lahat pumasok ka muna" pumasok naman siya sa loob ng bahay nila. Nang umupo ang lolo niya doon sa silya ng bahay nila ay umupo rin siya sa katabing silya.
"Hindi ko pa ito naikwento sa tatay mo... Yung lola mo.. Ang pangalan niya ay si Imelda Moretti.."
"Pangsosyal naman po lo ang pangalan ni lola.." unti unti na rin siyang tumahan sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...