CHAPTER 16: I'm Sorry

2.5K 44 0
                                    

NANDITO SILA ngayon sa hospital matapos ng pangyayaring iyon ay mabuti nalang at nakumbinsi niya si dark na dalhin ang walang malay na jerson sa hospital. Awang awa siya sa kalagayan ngayon ni jerson hindi na halos makilala ang mukha nito. Nais niya sanang pagsabihan at pagalitan si dark pero natatakot siya na baka mapagalitan na naman siya nito.

Nakaupo siya ngayon sa labas ng kwarto na pinaglalagyan ni jerson. Kaharap niya naman sa isa pang upuan doon si dark. Seryoso parin ito at walang bahid ng konsensya ang makikita sa mukha nito.

Nakaramdam na rin siya ng inip at antok habang naghihintay ang mga doktor sa loob na ginagamot ang mga sugat ni jerson galing sa mga kamao ni dark. Buti nalang talaga at kahit galit ito kanina ay nakumbinsi niya parin itong dalhin si jerson sa hospital. Hindi pa naman niya alam saan humingi ng tulong.

Nakaramdam siya ng pagpihit sa seradura doon sa loob ng kwarto at lumabas doon ang lalaking doktor.

"Kumusta po siya---------"

"How is he doc?" nauunahan siya ni dark.

"For now, grabe ang mga sugat na natamo niya. Kailangan niya lang ng pahinga hanggang sa gumaling ang mga ito" paliwanag ng doktor.

"ok" yun lang ang sagot ni dark sa doktor.

"Pwede na po ba namin bisitahin siya doc?" pagsabat naman niya

"Yes, wag niyo lang munang pagalawin baka lumalala ang mga sugat nito. Like I said kanina he only needs rest" Napatango naman siya rito.

"I will get going!" sabi nito.

"Sige po doc maraming salamat" saka naman ang pag alis ng doktor sa gawi nila. Mabilis naman siyang pumunta doon sa pinto ng kwarto na pinaglagyan ni jerson.

"Hi---ndi ka ba papasok dark?" baling niya kay dark na ngayo'y nakaupo lang sa labas.

"Tsss...." naging sabi lang nito saka tumayo at lumapit sa gawi niya. Nauna siyang pumasok doon sa kwarto at bumungad naman doon ang nakadectrose at puno ng band aid na si jerson. May malay na ba ito?

Lumapit siya rito "Jerson?"

"What the fuck is this? Why I am here?" mahinang sabi nito na halata sa boses nito ang pagkatamlay. Mabuti nalang talaga at may malay na ito.

"Wala kang malay kanina kaya napagdesisyonan naming dalhin ka rito" paliwanag niya rito.

"Tss.. malayo lang ito sa bituka. This isn't hurt at all" may pa this isn't hurt at all pa talaga ito kahit halatang halata ang matamlay na boses nito. Tumingin naman siya sa likod at nakita niyang nakatayo lang pala doon si dark. Wala ba itong planong humingi ng tawad sa nagawa niya?

"Da--rk, wa--la ka bang sasabihin kay jerson?" ang nais niya sanang ipahiwatig rito ay humingi ito ng tawad sa nagawa niya kay jerson.

"Jer--son!" walang bahid parin ng emosyon ang boses nito. Sana lang talaga at humingi na ito ng tawad "Why are you still alive? tss.." naging sabi lang nito.

"Dark!" naging sita niya rito

"Ok lang ivory, kaya ko naman don't worry about me and us.. " naging sabi naman ni jerson sa likod niya. Para sa kanya hindi talaga pwede na ito lang palagi ang umintindi kay dark. Tinignan niya naman si dark, wala parin talagang bahid ng konsenya sa mukha nito. Di bale nalang hindi niya nalang ito papansinin. May bago pa ba sa asal at ugali niya.

Nakaramdam rin siya ng konting disappointment para rito. Akala niya ba'y nagbago ito ng konti.

"Umuwi na kayo ivory baka mag alala ang nanay mo sa mansyon nila dark... I'm fine here!" sabi ni jerson

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon