"Ivory!" sambit ng lalaki sa kanya. Ngunit iniwas niya ang tingin rito dahil sa sobrang kahihiyan. Kahit magandang pagmasdan ang katawan nito ay hindi parin pwedeng basta basta nalang itong titigan. Hindi iyon tama.
"paumanhin po señorito, akala ko po kasi wala po kayo sa loob at saka pasensya na din po ng pumasok po ako ng walang pahintulot.." kinakabahang sabi niya habang nakaiwas at napatakip sa kamay ang mata. Alam niya na ang susunod na mangyayari papagalitan siya nito saka sasabihan ng stupid! "Malapit narin po akong matapos, paaalis na rin po ako.." dagdag pa niya.
Tumingin lang ang lalaki sa kanya "Tsss... Stupid!" tanging naging sambit nito sa naiiritang tuno.
"Ikaw yung stupid! papalinisin ba naman ako sa kwarto mo kahit na malinis na... masungit talaga!.. Haisstt!.." mahinang bulong niya sa sarili na sinigurado niyang siya lang ang nakarinig.
"What did you say? AKO STUPID! AT MASUNGIT!" biglang galit na bulyaw nito. Patay narinig pala nito ang binubulong niya. May lahi ba ito ng alien? Ang lakas ba naman pandinig.
"Hindi po señorito! wala po akong sinasabing ganun.." kinakabahan niyang tanggi rito. Dumako na naman ang tingin niya sa katawan nito at halos pamulahan na naman ulit siya sa mukha ng makita ang matipuno nitong pangangatawan.
Unti unti itong lumapit sa kanya kaya dahil sa kaba ay unti unti rin siyang umaatras rito. Pero lumapit lapit parin ito sa kanya. Kaya umabot nalang siya sa pader ng kwarto nito hanggang sa wala na siyang mapag atrasan.
"Did you know? wala pang kahit sino ang nagsabi sa akin ng STUPID! ikaw palang" may halong galit na sabi nito sa kanya. Tumingin ito sa mukha niya kaya mas lalo siyang kinakabahan. Umatras pa siya ng konti hanggang sa halos dumikit na ang lahat ng katawan niya sa pader ng kwarto nito.
"sorry po talaga señorii---to" nauutal niyang sabi rito. Tinignan niya naman ang mukha nito na para bang nag aapoy na sa galit. Nakalimutan niya na ang magandang katawan na nakabandera at nakadisplay malapit sa kanya dahil sa kabang nararamdaman. Sobrang galit talaga ito!
"Am I really stupid ivory huh?" sobrang natakot siya sa naging asal nito.
Para bang ano mang oras ay mapapatay na siya nito sa ginawa niyang pagsabi ng stupid! Ganun na ba ka big deal para sa kanya ang masabihan ng stupid at masungit kung totoo naman yun. Parati pa nga siya nitong sinabihan ng stupid pero wala namang siyang ginawang paghihiganti rito.
"Hi--ndi po señorito.. ang tinutukoy ko po ay ang sarili ko.. " umiling pa siya. Tinignan niya ito at napansin niyang ganon parin ang reaksyon nito leon na galit na galit at parang konti nalang ang kulang ay iigting na din ang panga nito "Narealize ko na rin po kasi na tama yung sinasabi niyo na stupid talaga ako.."
"Buti alam mo!" sabi nito saka umalis malapit sa kanya at pumunta malapit sa cabinet nito. Siguro ay magbibihis na ito.
Nakahinga siya ng maluwag ng umalis ito malapit sa gawi niya. Isinusumpa niya na sa susunod hindi na talaga siya papasok sa kwarto nito ng walang pahintulot. Kung sakali mang utusan na naman siya ulit ay hindi na siya papasok pag wala ito sa loob.
Ngunit napalunok na naman ulit si ivory ng laway nang makita ang pangangatawan nito habang nakatalikod. Napa iling nalang si ivory saka ibinaling muli ang atensyon sa pagwawalis. Kailangan niya itong bilisan, para makaalis na siya dito. Hindi niya kasi alam pero nakaramdam talaga siya ng kaasiwaan. Nakahiya at nakakailang talaga!
Dali dali siyang nagwawalis hanggang sa matapos na siya. Nakatapos na rin sa pagbihis ang señorito na seryosong nakaharap sa laptop nito sa lamesa ng library niya sa kwarto.
Tumikhim siya ng konti at tumingin naman ang lalaki sa kanya "Tapos na po ako señorito aalis na po ako" sabi niya rito. Hinintay niyang sumagot ito pero ibinalik lang nito ang tingin sa laptop. Dahil hind siya nito pinansin kaya palihim niyang kinuyom ang mga kamao niya. Nagtitimpi nalang talaga siya. Haisttttt! may araw ka rin sa akin señorito! Argggghhh!
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...