CHAPTER 24: Wrong Turn! No Disturbance

2.9K 48 0
                                    

"Ivory hintayin mo ako rito ha! may naiwan lang ako" sabi iyon ni ciara saka dali daling umalis.

Papasok kasi sila ngayon sa paaralan nila at nandito siya ngayon sa labas ng mansyon. Maglalakad na kasi sana sila ng may nakalimutan pala si ciara.

"Alam mo ang gwapo ng katabi ko angelica nakakaturn off nga lang kasi parating siyang humihigop ng sabaw.  Napapansin ko talagang araw araw nalang siyang may sip on haha" si fiona iyon na naglalakad palapit sa gawi niya papasok rin siguro ito sa paaralan.

Nang makita siya nito ay agad siya nitong sinamaan ng tingin. Simula noong nakita siya nitong lumabas sa guest room ay pinag iinitan na naman siya nito. Hindi niya kasi ito sinagot bagama't ay tinakbuhan niya lang ito kaya siguro ganun ito sa kanya.

"Sana naman mahuli na ang mga magnanakaw sa mansyon na ilang beses nang pumasok sa mga guest room dito haistt!" alam niyang siya ang pinaririnigan nito. Mabuti nalang na akala lang nito ay magnanakaw siya. Mas nakakaginhawa pa yun pakinggan kaysa sa malaman nitong may relasyon sila ng amo nila.

"Sino kaya yan no? sana mahuli na siya baka mayaman na yan dahil marami na ang nanakaw haha" sabat naman iyon ni angelica.

Nakakainis rin talaga! Alam naman niyang hindi iyon totoo pero hindi parin talaga niya maiwasang magalit. Nakakainis na talaga ang dalawang iyon.

"Tara na nga angelica! Lalabas rin naman ang katotohanan" huling sabi iyon ni fiona bago silang dalawa umalis sa gawi niya.

Napabuntong hininga nalang talaga siya ng umalis na ang mga ito. Mabuti naman!

Nasaan na ba si ciara? Bakit ang tagal nito?

"Ivory!" tawag ng pamilyar na boses sa kanya saka mabilis na lumapit sa kanya "Are you still mad at me?"

"Malamang ikaw kaya ang mapagtsansingan ng palihim?" kunyaring mataray pang sabi niya rito.

"Magagalit ka pa ba kung hahalikan kita?" napalaki ang mata niya.

"Dark umayos ka ha! alam mo namang tayo palang ang may alam sa relasyon nating dalawa"

"Wag kana kasing magalit.. "

"Ohh sige na, di na ako galit sayo basta umayos ka ha! kundi lagot ka talaga sa akin" tumango naman ito sa kanya.

"Tara na!"

"Huh!"

"Ako na ang maghahatid sayo kaya tara na!"

"Hindi pwede dark!" mabilis niyang tanggi rito " May kasama ako saka maglalakad nalang kami wag kanang mag abala pa"

"Magpapahatid ka o ibubunyag ko sa mga kasamahan mong may relasyon tayo?" mabilis na namang lumaki ang dalawang mata niya. Naalala niya pala na ganito pala ang lalaki simula noon. Papipiliin siya sa dalawa kaya wala siyang choice.

"Dark!" saway niya rito.

"Basta ihahatid kita and that's final" wala na talaga siyang magagawa.

"May kasama nga ako kaya hindi pwede yang alok mo.. Hindi ko siya pwedeng iwan dahil napag usapan na namin kahapon na sabay kaming pupunta sa paaralan" paliwanag niya rito. Speaking of kaibigan, nasaan na ba si ciara? kanina pa ito.

"Isasabay mo na rin siya sayo it's fine with me... Nasaan na ba siya?"

"May naiwan pa. May binalikan pa siya sa loob. Sigurado ka ha?" tumango naman ito.

"Wag kang mag alala araw araw na kanang ihahatid ng boyfriend mo wala din naman akong ibang gagawin dito sa mansyon---"

"Magandang Umaga po señorito!" halos mapatalon nalang siya sa gulat ng biglang dumating si ciara.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon