Bumalik na muli sa dati ang buhay ni ivory sa mansyon. Wala nang masungit! at wala nang among kinakatakutan nila. Dapat nga maging masaya na siya sa pagkawala nito pero kabaliktaran ang nararamdaman niya. Sa dalawang semana na pagkawala ng amo niya sa mansyon ay nakaramdam siya ng kulang sa buhay niya. Aaminin niya namiss niya ang presensya ng lalaki sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Hindi naman sila sobrang close ng lalaki para maramdaman niya yun. Pero yung mga ilang araw na nakasama niya ito ay yun ang bumabalibag sa isip niya.
Maaring babalik pa muli si dark sa mansyon ngunit ilang taon pa muli ang lilipas. Siguro ang don at donya na naman siguro ay magbabakasyon rito sa susunod na buwan.
May kakaiba talaga siyang nararamdaman sa puso niya ng maisip na matagal tagal pa bago babalik ang lalaki. Baka pagbalik nito may asawa na ito o di kaya siya naman ay hindi nadin siya nagtratrabaho sa mansyon nila. Who knows?
Nakaupo siya ngayon sa isa sa silya sa room nila. Pumasok siya ngayon sa klase niya. Wala na siyang naging absent at wala na rin siyang namissed na pagsusulit. Ayon sa guro nila yung grado niya daw ay medyo nabawasan dahil don. Pero wala na naman siyang magagawa.
Lutang ang kanyang isip habang nakikinig sa discussion ng guro nila. Nakikinig ang tenga niya pero hindi maproseso sa utak niya. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito at ilang araw narin siyang ganito.
Nang matapos naman ang klase niya ay hindi parin siya umalis sa upuan niya. Eto na ang huling klase sa schedule niya pero maaga pa naman sa tingin niya nasa alas tres pa naman siguro ng hapon ngayon.
"Oi ivory may plano ka pa bang tatayo diyan!" sabi iyon ni ciara na ngayo'y umupo sa tabi niyang upuan. Hindi niya napansin na hindi rin pala ito umalis sobrang lutang niya talaga. Ano kayang nangyari sa kanya?
"Huh!" yun lang ang naging sabi niya.
"Ikaw ivory ha! umamin ka nga nagkagusto ka kay señorito no! simula talaga nang umalis ito ay parati ka nalang wala sa mundo" bigla naman siyang napailing sa naging sabi nito. Magkagusto sa kanya? wala yun sa isip niya. Kung namimiss ok lang siguro pero yung magkagusto mukhang iba nayun pakinggan.
"Ano? si señorito gusto ko hindi noh! bakit naman ko magkakagusto doon amo nating yun" hindi kailan man naiisip niya ang word na yun.
"Haha wag ka kasing parating wala sa mundo obvious ka tuloy" tukso nito sa kaniya.
"ikaw ciara ha! tigilan mo nga ako hindi nakakatawa yang tukso mo" sinamaan niya ito ng tingin.
"wag kang magalit diyan! biro lang yun, pero baka lang ha tama ako hindi ko ipagkakalat wag kang mag alala haha" tukso na naman nito ulit na kinadaggdagan ng inis niya. Hindi niya alam pero naiinis talaga siya ng sabihin ni ciara na gusto raw niya ang among lalaki.
"ikaw ciara ha! hindi na yan nakakatawa yang mga biro mo, Wag mo nga akong itulad sayo na halos lahat ng gwapo rito sa paaralan ay pinagpapatanyahan mo na" sabi niya. Si ciara ay parating nagkwekwento sa kanya na marami daw siyang crush rito sa paaralan nila.
"Nakalimutan ko palang sabihin sayo ivory, birthday ni jimin ngayon at inimbita tayo sa bahay nila magtatampo raw ito pag hindi tayo pupunta" pag iiba nito ng usapan. Si jimin ay isa rin sa babaeng kakilala at kaibigan nilang dalawa ni ciara. Pero dito lang sila sobrang magkasundo sa paaralan di gaya nila ciara na pati sa mansyon siguro dahil parati rin silang magkakasama.
"May trabaho tayo ciara sa mansyon! hindi tayo pwede diyan"
"Ay sus.. wala na si señorito no hindi na ganoon kabusy sa mansyon.. Sige na pumayag kana ngayon lang naman saka maaga rin naman tayong uuwi mga alas seis nandoon na tayo sa mansyon" sasama nalang siguro siya rito. Para naman din mabawas bawasan ang pagkalutang ng utak niya.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomansaSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...