CHAPTER 19: Lalaking Paasa Na Iiwan Ka Lang Din Naman Sa Ere Sa Huli!

2.5K 44 1
                                    




Dalawang araw na ang nakalipas noong minura niya si dark. Aaminin niya nakokonsensya talaga siya sa ginagawa niya.

Hindi na rin sila muling nagkita dito sa mansyon dahil ginagawa talaga niya ang lahat para hindi lang ito makasalubong. Bakit ba siya nagkakaganun dapat pa nga'y magiging masaya siya para rito. Pero bakit iba ang nararamdaman niya bakit ba kasi siya nasasaktan.

Isang araw naring bumalik ang don at donya, tanging si dark nalang ang amo nilang natira dito sa mansyon.

Baka nagalit ito sa naging pagmumura niya rito?

Nararapat lang din naman itong magalit sa kanya. Sino ba naman kasi siya para basta bastang mura murahin lang ito.

"May gwapo na namang bisita doon sa labas aissttt!" si ciara na naman ito na halos mapatili na sa kilig kono.

"Sino?" tanong niya naman rito.

"Hindi ko alam ivory pero ang gwapo niya! yaissttt bakasyonan talaga ng mga gwapo tong mansyon na ito haha" Sang ayon rin siya rito! Wala din naman iyong duda.

"Hoi ikaw ha! lahat nalang talaga gwapo sayo!" asar niya naman rito.

"Hindi naman! hehe tara puntahan natin para makita mo" sabi naman nito sa kanya.

"Wag na! Dito nalang ako------" huli na nang sinabi na niya iyon dahil hinila na siya ng kaibigan. Dinala siya nito papunta sa living room at tama nga si ciara may bisita nga. Hindi siya pamilyar at saka gwapo rin.

Nakaupo ito doon sa isang sofa doon living room habang busyng busy sa pagcecellphone

"O diba! ang gwapo niya no haha" si ciara iyon sa likod niya. Totoo ang sinabi nito pero para sa kanya mas gwapo parin talaga si dark. Iba pa rin ang dating nito.

Hindi siguro ito kaano ano nila dark dahil hindi naman sila naghanda sa pagdating nito. Marahil kaibigan o kakilala lang siguro.

"Ang gwapo niya talaga!" muling sambit ni ciara kaya dahilan para mapatigil ang lalaki sa pagcecellphone at napatingin sa kanila. Hala baka narinig siguro nito ang sinabi ni ciara.

Ibang klase ang tingin na binibigay nito sa kanila para bang basta hindi niya mapaliwanag. Kaya napaiwas siya ng tingin rito.

"Hey! What's your name?" Bigla biglang tanong nito.

"Ciara po ang pangalan ko!" Si ciara ang sumagot sa likod niya.

"Not you! Yang katabi mo sino ang pangalan niya?" Ibang klase talaga itong tumitig sa kaniya. Hindi niya talaga maipaliwanag

"Ummm----"

"Enough with your flirting samuel, Just flirt with somebody else not her! Go find someone else.." bigla biglang sulpot ni dark. Nakasuot lang ito ng maroon na t-shirt pero ang gwapo parin talaga nito.

"Tsss... sayang naman!" Hindi niya alam ano ang ibig nitong sabihin.

Napatingin siya kay dark pero hindi niya rin inakalang nakatingin rin pala ito sa kanya dahilan para magtagpo ang tingin nilang dalawa sa isa't isa. Dali dali niya namang iniwas ang tingin rito. Minura pa naman niya ang lalaki!

"Is she the girl that you talking about?" tanong nung samuel kay dark.

"Just shut up samuel..now let's go and follow me.." sabi iyon ni dark saka tumalikod paalis. Tumingin naman sa kanila yung samuel.

"Bye ladies!" Sabi nito saka agad ring sumunod kay dark. Marahil kaibigan nga siguro iyon ni dark.

"Kita mo iyon! pinansin niya ako mygod ivory! hihimatayin na talaga ako nito" Nakikilig pang sambit iyon ni ciara.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon