CHAPTER 7: Gorgeous Ivory

4.2K 73 1
                                    

Alas dose na ngayon ng tanghali at lumipas na rin ng isang araw simula noong inalok siya ng señorito o si dark bilang isang magkunwaring girlfriend daw nito sa harap ng mga auntily at uncle raw nito. Hindi na rin naman sila nagkita ulit simula non at wala rin naman itong sinabi kung kailan yun. Naging mabuti din ang operasyon ng lolo niya, ayon sa tatay niya ay unti unti narin daw itong gumagalaw at kumakain narin noong matapos ang operasyon nito.

Nandito ngayon si Ivory sa kusina at naghuhugas ngayon ng mga pinggan. Wala siya ngayong schedule sa klase at pati narin si ciara kaya nandito lang sila sa mansyon ngayon at tumutulong sa mga gawain.

"What the f*ck is this food? This taste horrible. It's too salty" rinig niyang galit at striktong sabi ng among lalaki.

Nasa malapit lang kasi ito sa kusina at tanging pader na semento lang ang nakaharang. Parati talaga itong nagrereklamo sa mga inihandang mga pagkain para rito.

Hanggang ngayon din ay hindi niya pa niya alam kung ano ba ang itatawag niya rito. Kung señorito ba o Dark na pangalan nito.

"Paumanhin po señorito, pero sinigurado po talaga ng mga tagaluto dito sa mansyon na tama at wasto ang mga pagkain na inihanda namin sa inyo, baka nagkamali lang siguro ang bagong kusinera natin" rinig niyang mahinahong sabi ni manang belen.

Ang akala talaga niya ay naging okay na ang señorito dahil naging mabait ito saglit pero hindi pa pala. May araw lang talaga na masungit ito at may araw rin na mabait rito. Kung ihahambing siya sa panahon para siyang pabago bago ng klima.

"I don't care find me another person who will perfectly cook my food, I don't want to taste garbage food again and also manang tell that person to stop cooking" medyo may kahinaan na sabi niya pero may halong galit ito. Narinig rin niyang parang padabog din itong umalis sa lamesa.

Nakarinig nalang siya ng iyak doon sa lutuan ng kusina kaya agad niya itong pinuntahan at iniwan ang kanyang hugasin.

Habang palapit ng palapit ang kanyang mga yakbang ay mas lalo ring lumakas ang iyak na naroon sa lutuan ng kusina. Nang makarating naman siya doon ay nakakita siya ng isang babae nakayakap sa tuhod nito at umiiyak.

Hindi nito napansin ang presensiya niya kaya umubo siya kunwari. Napatingin naman ito sa gawi niya at agad na tumayo, nahihiya siguro na makita niya ito sa ganoong sitwasyon.

Ang babae na yun ay ang pumalit sa naunang tagapagluto sa mansyon. Ayon kay manang, chloe raw ang pangalan nito at dalaga din pero hindi lang kaedad niya matanda lang ito ng ilang taon.

"Chloe.. Bakit umiiyak ka diyan?.." nag alalang tanong niya rito. Pumunta naman ito sa niluto niyang sabaw na karne na sa tingin niya ay yun ang magiging ulam nilang mga kasambahay. Iba kasi ang ulam na niluluto para sa amo at iba naman ang para sa mga katulong.

"Wala lang to ivory, medyo nasaktan lang ako sa narinig kong sabi ng señorito.." unti unti na namang lumungkot ang mukha nito. Hindi sila close o parating nag uusap pero kilala nila ang isa't isa "Ok lang naman sa akin ang sabihan na hindi masarap ang niluto ko pero ang sabihin na basura ito.. ay aaminin ko sobrang nasaktan talaga ako.." napahikbi na naman ulit ito. Kaya lumapit siya rito at hinahagod ang likod nito para tumahan ito sa pag iyak.

"Gustong gusto ko talaga ang pagluluto simula pa ng bata pa ako at saka nasanay rin ako na magagandang komento ang mga natatanggap ko sa mga niluluto ko. Kaya siguro nasaktan ako ngayon dahil ngayon lang din kasi ako nasabihan na basura raw ang niluto ko at tumigil na rin daw sa pagluluto.." nakinig siyang mabuti sa sinasabi ni chloe.

"Alam mo chloe, dapat hindi ka nakikinig sa masasamang komento ng iba.." tumingin naman ito sa kanya. May namumuo paring luha sa mata nito pero agad ding pinunasan gamit ang kamay niya "..Pag nakikinig ka kasi sa masamang komento ng iba ay para naring maeenganyo kang sumuko. Kaya dapat mong alalahanin ang lahat ng magagandang sinasabi ng iba sayo dahil hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay gugustuhin ang gawa mo ng ibang tao.."

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon