Matapos niyang marinig ang sinabi ni dark na tungkol sa girlfriend na mahal daw nito ay parang naging lutang ang iniisip niya. Ano bang nangyari sa kanya?
Hindi niya talaga maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon.
Bakit ba nagkakaganito siya? Bakit ba siya nasaktan sa sinabing iyon ng lalaki?
Naghuhugas siya ngayon ng mga pinggan at ilang minuto narin ang nakalipas noong kumain ang mga amo nila. Habang naghuhugas ay wala talaga siya sarili, parati talagang bumabagabag sa isip niya ang sinabi ni dark kanina.
Dahil sa lutang na pag iisip ay hindi niya nalang namalayan na bumagsak na pala ang dalawang tasang hinuhugasan niya. Naging piraso piraso ito doon sa sahig at saka naglikha din ng malakas na ingay.
"Hala! Ano iyon?" gulat na sabi ni ciara at napatingin sa kanya.
Dali dali naman niyang pinulot ang naging pirasong tasa sa sahig. Pero sa hindi inaasahang pangyayari na masugatan rin ang daliri niya. Unti unti namang tumulo at dumaloy sa kamay niya ang pulang likido na nakuha niya dahil sa pagpulot na iyon.
Mabuti nalang talaga at maliit lang ang nakuha niyang sugat sa nabasag na tasa!
"Oi ano bang nangyari sayo diyan ivory?..." sabay lapit naman ng kaibigan sa gawi niya "Bakit mo naman kasi pinulot ang basag na tasa? Haissttt!" Hinawakan rin nito ang daliri niya at mariin itong sinusi.
"..Hindi ko yun sinasadya ciara! nadulas lang talaga siya sa kamay ko" paliwanag niya naman rito.
Sa tingin panaman niya ay may kamahalan yung tasa na nabasag niya. May patakaran pa naman sa mansyon na sa tuwing may masira o mabasag silang bagay sa mansyon ay kaltas iyon sa trabaho nila.
"Arayyy!..." naging sabi niya ng diniinan ni ciara ang pagkahawak sa daliri niya
"Ayy! sorry ivory. Pinapadugo ko lang kasi para hindi siya maging malala mamaya, Hugasan mo pala ito ng tubig..."
Agad din naman niyang hinugusan ang daliri doon sa puso ng hugasan. Medyo mahapdi ang bawat na dampi ng tubig sa nasugatang daliri niya. Nang tumigil naman ito sa pagdudugo ay agad rin naman niyang tinigil ang paghuhugas.
"Kanina pa kita napansin ivory ha! pero parang ang lalim ng iniisip mo" napansin rin pala ni ciara ang pagkalutang niya.
"Medyo masakit kasi ang ulo ko.." pagrarason rin naman niya. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga masakit ang ulo niya pero sadyang lutang lang talaga ang isip niya ngayon. Ginagawa lang niya itong dahilan sa kaibigan.
"Ako nalang muna rito! bumalik ka nalang muna sa silid natin ako nalang muna rito.. ipagpahinga muna yan ivory"
"Wag na kaya ko naman!"
"Sigurado ka?" Tumango naman siya rito.
"kukuha muna ako ng dustpan at walis ciara para linisin to" tukoy niya sa nabasag na tasa.
Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang kaibigan sa kaniya. Agad na siyang naghanap ng dustpan at walis para malinis na ang nabasag niyang tasa. Sobrang tulis ba naman kasi ang pagkapiraso nito kaya hindi pwedeng basta bastang pulutin lang. Ngunit wala siyang mahanap na walis at dustpan na malapit sa kusina kaya napagdesisyonan niyang pumunta doon sa living room.
Habang naglalakad siya papunta roon ay di niya rin inaasahan na makasalubong din niya si dark.
Kapag minamalas kaba naman!
"Ivory!" sabi nito
"Teka lang po señorito nagmamadali po ako" mabilis na sabi niya. Saka aalis na sana ng hawakan nito ang kamay niya pero mabilis din niya itong hinablot. Dahilan para mapunta ang hawak nito sa daliri niya at mahawakan yung nasugatan kanina.
"Araayy!! " napadaing siya sa sakit.
"Ano ba señorito!" galit na sabi niya rito. Naiinis parin siya rito dahil sa sinabi nito kanina na may girlfriend na raw ito. Wala siyang pakialam kung bakit siya na iinis basta nakaramdam talaga siya nito.
"What happen to your finger ivory?" nagtatakang tanong nito sa kaniya
"Wala na po kayong paki alam doon señorito amo lang po kita... Please mind your own business please!" kung may makarinig lang siguro sa pagtrato niya sa amo nila ay magtataka talaga ang mga ito. Pinagalitan ba naman kasi ng di hamak na maid ang amo nito.
"What the f*ck! are you still mad at me ivory?" nagtatakang tanong nito sa kaniya.
"Hindi ako galit! kaya bitawan mo na ako dahil nagmamadali ako" kahit sinabi niyang di siya galit ay iba parin ang tuno ng pagsasalita niya.
Akmang aalis na naman ulit niya ng hawakan na naman ulit nito ang braso niya kaya napatingin siya rito.
"I knew it ivory, You're still mad at me!"
Bumuntong hininga siya ng malakas "Ehh alam mo naman pala bakit mo pa tinatanong?" pamimilosopo niya rito.
"Still hindi parin kita bibitawan ngayon! Ano pa ba ang gagawin ko para hindi kana magagalit sa akin" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Bitawan mo nga ako señorito" sinungitan na naman niya muli ang sariling amo.
"I won't!" yun lang ang naging sagot nito.
"Hindi ka parin ba makikinig sa sinabi ng iba dark ha! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang masusunod nakakasakal narin yang ugali mo. Hindi porke't amo kita ay ikaw nalang ang parating susundin ko! Makinig ka naman sa sinabi ng ibang tao.. Nakakainis ka na... Tang*na mo!" Nagulat siya sa sarili!
Nakapag mura siya dahil sa inis niya para sa lalaki. Kita niyang gulat ito sa naging reaksyon niya. Pati nga rin siya gulat sa sarili din niya.
Hindi kailanman nagmumura si ivory! Dala ba ito sa hindi maipaliwanag na nararamdaman niya para kay dark.
Inis ba ito.. hindi, Galit.... hindi rin, Hindi niya talaga maipaliwang ang nararamdaman.
Binitawan siya ni dark kaya kinuha niya ang pagkakataon na yun para umalis sa gawi nito at ipagpatuloy ang paghahanap ng walis at dustpan. Wala na rin naman siyang maiharap na mukha para sa lalaki!
Mabuti nalang talaga at nakahanap na siya ang walis at dustpan doon sa gilirang parte sa living room. Pero may parte parin sa pagkatao niya na nagsisisi na minumura niya ang lalaki kanina.
Ano ba kasing nangyayari sa kaniya? Hindi na niya talaga mapaliwanag ang nararamdaman niya ngayon! Bago sa sarili ang pakiramdam na ito.
Basta ang alam niya lang ay nasaktan siya sa sinabi ni dark na may girlfriend na raw ito. Naiingit siya sa babae na girlfriend nito at saka baka nagseselos? NAGSESELOS? Baka nga!
NAIINGIT BA SIYA O NAGSESELOS? ito ba ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...