CHAPTER 3: Girlfriend?

4.6K 85 3
                                    

Naiilang na talaga si ivory sa katahimikan sa loob ng sasakyan ng lalaki.

Sino ba namang hindi? Kung halos trenta minutos na siyang nakaupo pero wala man lang plano ang amo na bumasag sa katahimikan. Dagdagan pa na nag-alala pa siya na baka malelate sa klase. May sinabi pa naman ang professor nila na may pagsusulit daw silang magaganap ngayon.

Ano na kayang oras ngayon? Ano ba kasing bibilhin ng señorito ba't ba kasi sinama pa siya. Gusto niya sanang sabihin na malelate na siya pero pinili nalang hindi, dahil baka susungitan na naman siya nito. 'Tsaka amo niya pa rin ito kaya wala siyang magagawa.

Tinignan niya ito, ganun parin walang pinagbago, seryoso lang sa pagdadrive. Ngayon lang din niya napansin na nakasuot lang pala ito ng gray na t-shirt at jeans. Naka simpleng t-shirt lang ito pero halatang mayaman parin dahil sa makinis na balat.

Ang laki din ng pinagbago nito, noong mga bata pa kasi sila ay kita mo ang masayahing mukha nito palagi lalo na pag naglalaro sila. Ngunit iba na ngayon dahil mukhang isang malaking himala pag napatawa mo ang lalaki.

"Why are you staring? Lumabas kana nandito na tayo!" biglang sabi nito sa kaniya at doon niya lang namalayan na huminto na pala ang kotse.

Unang lumabas ang lalaki kaya naman ay sumunod na rin siya. Hindi na siya nag-antay pa na pagbuksan ng pinto dahil alam niya namang hindi ito gentleman! Sungitman siguro, mukhang yun nga ang tama.

Nang makalabas siya ay napag-alaman niyang sa boutique pala ang punta nito.

Kung sa boutique lang pala ang bibilhin niya. Bakit pa siya sinama kung alam naman pala nito kung saan? Hindi naman kasi ito nagtanong sa kanya kahit isang beses man lang.

Ano na kayang oras? Sigurado na talagang late na siya.

"Saan po tayo pupunta, Señorito?" tanong niya. Pero parang wala lang narinig ang lalaki dahil naglakad lang ito patungo sa boutique.

Nabwibwiset na talaga si ivory pero hindi niya lang ito pinahalata sa lalaki. Sinundan niya na lang rin ito patungo boutique. Nang pumasok ito ay pumasok rin siya.

Tumambad naman sa kanya ang mga magagandang damit sa loob. May mga panlalaki at may mga pambabae rin at tingin niya karamihan sa mga damit dito ay halatang mamahalin talaga. Siguro ay bibili ang señorito ng mga damit dahil maliit lang na bag ang dala nito kahapon. At tama nga siya sa iniisip dahil pumipili nga ang lalaki ng mga damit.

"Pick something for yourself." sabi nito sa kaniya. Ang tukoy nito ay ang mga damit dito sa boutique.

"Wag na po señorito! Sumama lang naman ako hehe" sagot naman niya habang umiiling.

"Pick or I will not drop you at your school" masungit na sabi nito.

Tsk..Wala na siyang ibang choice kundi ang pumili nalang ng damit dito sa boutique.

Siguro pipiliin niya nalang siguro ang pinakamurang damit na nandito para 'di siya mapagalitan. Mahirap na!

Habang naglalakad siya at naghahanap ng mapagpipilian ay may sumalabong sa kanyang babae "Hello po maam! May maitutulong po ba ako sa inyo?" Nakangiting sabi ng babae sa kanya. Nakauniforme ito at malinis ang ayos. Isa siguro ito sa mga nagtratrabaho dito.

"Naghahanap po ako ng pinakamurang pambabaeng damit dito po." Tugon niya.

"Dito po maam! Maraming mumurahin sa bandang dito pero magaganda pa din naman." Sabi nito 'Tsaka iginiya siya papunta sa kabilang bahagi. Marami din ang mga damit na nakadisplay doon at halos lahat magaganda.

Pero may isang damit na nakapaagaw sa atensiyon niya. Nakahanger sa ibabaw at isa itong half shoulder dress na kulay pula na simple lang pero sobrang nakakaagaw ng atensyon dahil sa magandang pagkadesinyo nito. Akmang kukunin niya sana ito nang manlaki ang mata niya ng makita ang presyo.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon