CHAPTER 4: Half Naked

4.6K 82 4
                                    

Nandito na ngayon si Ivory sa kotse ng lalaki. Katatapos lang nilang kumain sa restaurant kanina at ang among lalaki na naman ulit ngayon ay tahimik ulit na nagdadrive.

Hindi parin makapaniwala si Ivory sa sinabi nito kanina sa waiter na 'GIRLFRIEND DAW!' Ano kaya ang pumasok sa utak ng amo niya ba't sinabi niya iyon. Kung nagbibiro lang ito, pwes hindi ito magandang biro. Ipagdadasal niya talaga na umuwi na ito sa manila para mawalan na ng masusungit sa buhay niya.

"Señorito! Baka sobrang late ko na po" kung kanina ay late lang siya ngayon naman ay sobrang late na talaga niya. Ito talaga ang kauna unahang beses na sobrang late niya sa klase niya. Ang tagal din kasi nila doon sa restaurant. Kahit pa masarap ang mga pagkain roon ay hindi parin naman siya komportable lalo na't hindi naman nagsasalita ang kasama niya. "Ok lang po ba na idaan niyo na po ako doon sa paraalan namin? Baka kasi pagalitan na ako ng prof namin.." pinilit niyang kalmahin ang bawat salitang binibigkas niya. Kanina pa kasi siya naiinis rit. Bakit pa kasi siya sinama nito kung hindi naman siya kailangan?

Tumingin ito sa kaniya "Okay" tanging sagot lang nito.

Laki niyang pasalamat at makakalaya na rin siya sa lalaki. Kahit pa binigyan siya ng damit at pinakain pa ay hindi parin iyon sapat na sukli sa nagawa nitong pagpa late sa kaniya.

"Saan ka nag aaral?" tanong nito. Maganda talaga sa tenga niya pakinggan ang pagtagalog nito. Napakalalaki kasi ng boses nito at saka buo rin. Pero napansin niya rin kanina na minsan lang ito magsalita ng tagalog. Ayaw ba nito sa pilipinas, bakit ba panay ang english nito?

"Sa San Agustin po señorito diretso lang po kayo sasabihan ko nalang po kayo pag naroon na po tayo"

"okay" tipid ulit na sabi nito habang nakapokus muli ang mukha nito sa pagdadrive.

Makalipas ng ilang minuto ay napansin niyang malapit na silang umabot sa paaralan niya. Siguro'y mga tatlong bahay nalang ang kulang bago umabot sa gate ng paaralan nila.

"Dito lang po señorito!" dali dali niyang sabi. Hininto naman nito ang kotse "Papasok na po ako señorito salamat nga po pala ulit rito.." angat niya sa paper bag na ibinigay nito "saka sa libreng pagkain rin hehe" dagdag niya pa. Tumingin ang lalaki sa kanya at saka tumango kaya naman ay lumabas na siya sa kotse nito.

Nang makatayo na siya sa labas ng kotse nito. Dito niya kasi pinatigil ang kotse ng amo niya dahil baka pag usapan siya ng mga studyante,  mahirap narin kasi ang ma issue. Magara at mamahalin pa naman ang sasakyan ng among lalaki na nakakaagaw pansin pa, kaya iniwasan nalang din niyang maging paksa ng usap usapan. Karamihan kasi ng mga studyante sa pinag-aralan niya ay hindi mayayaman kagaya lang din  naman niya. Kaya sigurado siyang big deal rin sa mga ito ang makikita ng mamahaling sasakyan.

Umandar na paalis ang magarang kotse ng amo niya kaya nagsimula na rin siyang maglakad papunta sa paaralan nila. Hindi din naman kasi kalayuan dito sa pinag-aralan niya, malapit lang naman.

Dalawang subject ang hindi niya napasukan ayun kay ciara at sabi daw rin ng isa sa prof nila na hindi na rin ito magpapatake ulit ng pagsusulit pa sa mga absent sa klase nito. May pagka terror din kasi ito.

Sayang rin yun!

****

Gabi na ngayon at nandito na sila ni ciara at ivory sa mansyon. Nakauwi kasi sila. Alas otso na ngayon ng gabi at ngayon ay kumakain ang señorito sa lamesa. Lima sa kanila kasama na si ivory at si ciara na doon nakatayo sa gilid ng señorito baka sakaling may ipag uutos ito. Yung iba namang katulong rito ay man kaniya kaniyang ginagawa din, ang iba ay nasa kusina at ang iba naman ay naglilinis sa iba't ibang parte dito sa mansyon.

Seryosong kumakain lang ang amo nila sa inihandang pagkain. Di ba ito nabobored rito sa mansion? ayon kasi ng mga kasamahan niyang mga kasambahay ay pagkauwi daw nito ay hindi na raw ito umalis pa, doon lang daw ito sa kwarto niya. Ngayon palang daw ito lumabas para kumain.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon