"Dark... " pagtatawag ulit pansin niya rito sa pangalawang beses. Kinabahan na rin siya baka galit ito dahil ginunting niya ang dress na binili nito.
"What happen to your dress? where is it?" tanong nito pero napanganga lang siya. Hindi niya alam pano ipaliwanag rito na ang dress na ibinili nito ay niredesign niya.
"Ummm.. ehh.... Bina--go ko ang desisyo dark kasi di kasi matanggal ang mantsa nito" pagpaliwanag niya rito. Sana lang talaga maiintindihan nito.
"What?" naguguluhan ito sa naging paliwanag niya "How?" buti naman at hindi ito galit.
"Tinabasan ko lang siya ng konti saka ginawang ganito. Ito lang kasi ang naisip kung paraan para mawala ang mantsa wala naman po kasi tayo sa mansyon kaya di ko po ito malalabhan" kita niyang napalunok ang lalaki habang nakatingin sa kanya. Nakatingin pala ito sa bandang dibdib niya. Namula naman ang mukha niya.
Sana talaga hinayaan niya nalang ang mansta at hindi na sana ginawang ganito.
Gumalaw ang adams apple ni dark "Let's go!" hinawakan naman nito ang kamay niya saka dinala pabalik sa party.
Napatingin na naman ang mga tao sa kanya. Ang sama ba ng suot niya ngayon? siguro nga yun nga ang dahilan kaya siya tinititigan ng mga ito.
"Dark.. " tawag niya ulit nito na ngayo'y kasabay niya lang sa paglalakad. Lumingon naman ito sa kanya "Ok lang ba ang suot ko?" tanong niya rito.
Napatitig ito sa kanya "Its seduc---- Nevermind! It will do" sabi nito.
Buti naman at okay lang ang damit niya para rito. Nagtataka lang siguro ang mga tao sa naging pagbabagong anyo ng damit niya. Nang makalapit na muli sila sa table na kinaupuan nila ay nakita niyang napatitig si jerson na pinsan ni dark sa kanya. Ibang klase ang pagtitig nito sa kanya, yun ding klase nang pagtitig na ibinigay ni dark sa kanya.
"Ohh! ivory dear what happen to your dress? Ang sexy mo sa bagong damit mo" puri ng isa sa mga tita ni dark- yung tita cleofa "By the way, ang ganda ng pagkanta mo kanina you are so talented iha, but nevermind that wine scene hehe" ngumisi ito sa kanya kaya ngumisi din siya pabalik rito.
"How did you change dress ivory? did you bring extra clothes?" si jerson iyon na may halong pagtataka.
"Umm yun po ba? niredesign ko lang po ang dress kanina" sagot niya naman rito. Nanlaki ang mata nito. Gwapo rin ito pero sa tingin niya ay mas gwapo parin ang amo niya. Mas malakas ang dating ni dark kaysa sa kanya.
"Redesign? Seriously?" hindi makapaniwalang sabi ni jerson.
"You heard it right? No more question jerson!" sabi naman ni dark na may halong inis sa boses nito. Narinig naman niya ulit na napa tss.. lang ito sa sinabi ni dark.
"Hindi talaga ako makapaniwala that dark will be like this... hehe I have never seen a jealous dark before haha" sambit iyon ng isa pa sa mga tita ni dark- yung tita mavelli.
Jealous? napatawa nalang siya sa isip nang marinig iyon. Awayan siguro ng dalawa yun ang tamang salita para doon. Ramdam niya talagang may malalim na awayan ang dalawa.
Bumalik muli sa normal ang event gaya kanina..
*****
PATAPOS na ang event at malalim narin ang gabi. Marami narin siyang nakain doon sa table na inuupuan nila. Sana talaga ay iuuwi na siya ng lalaki, Baka nag alala na ang nanay niya ngayon saka may pasok pa naman din siya bukas sa paaralan. Hindi pa naman siya nakapagpaalam sa nanay niya kanina.
Nakaupo parin siya ngayon sa inuupuan niya kanina at unti unti naring umuwi ang ibang bisita narito. Umuwi na rin ang ibang tita ni dark.
"Babe, mauuna na rin tayo" sabi ni dark. Para naman siyang dininigan ng langit. Sa wakas at makakauwi na rin, matapos na rin ang titulo niyang pagiging pretend girlfriend nito.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomansaSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...